Episode3- Years past

1602 Words
Pinahid ni Madison ang mga luhang umagos sa mga pisngi n'ya habang ipinapatong sa lapida ng mga anak n'ya ang dalang bulaklak. 3 days ago, she gave birth by twins sa una natakot pa s'ya ng malaman n'yang buntis s'ya at wala s'yang amang maipapakilala sa mga ito. Nag pakalayo-layo na s'ya sa mga Montezar gaya ng utos ng matanda, sa isang liblib na probinsya ng Switzerland s'ya nag punta. Sa lugar na walang kahit sinong nakakakilala sa kanya, wala s'yang problema sa pera dahil marami s'ya nun. In fact, low key millionaire s'ya yun nga lang galing sa masama ang perang yun kaya hanggat maari ayaw sana n'yang gamitin pero no choice s'ya. Nag buntis s'ya ng 'di inaasahan at kailangan n'yang buhayin sa maayos na paraan ang mga anak n'ya na 'di kailangan danasin ang dinanas n'ya. Marami na s'yang na i-imagine noon habang pinag bubuntis n'ya ang kambal n'ya, ang dami na n'yang binubuong pangarap sa mga ito. Marahil na buo ang mga ito by accident pero para sa kanya ang mga anak n'ya ang magiging kabuoan ng pag babago n'ya. Kaya ng marinig ang malalakas na iyak ng mga bata ng mailabas n'ya ang mga ito sobrang saya na n'ya. Ngunit ganun na lang ang iyak n'ya ng pag gising n'ya at sabihin sa kanya ng doctor at nurse na namatay ang mga bata dahil may complication daw sa puso ang dalawa na parehas na may butas. Huling beses na umiyak s'ya ng sobra ay noon bata s'ya dahil halos mamatay na s'ya sa bugbog ng tumakas s'ya at mahuli ng mga tauhan ni Savino Montezar. Mula noon hindi na ulit s'ya umiyak, ngayon na lang ulit dahil sa pag kamatay ng mga anak n'ya lalo na ng makita n'ya ang mga batang naka balot lang sa kumot sa morgue. Yun na yata ang pinaka masakit na nangyari sa buhay n'ya at sinabi din ng doctor na hindi na daw s'ya mag kakaana dahil na damage daw ang bahay bata n'ya sa pag bubuntis n'ya. Pakiramdam n'ya ito na siguro ang karma n'ya sa dami ng taong pinatay n'ya. Tinanggal na s'ya ng langit ng karapatan na maging masaya. Masakit man tanggapin pero siguro desever n'ya ang lahat ng nangyari sa kanya at mangyayari pa sa future. Ang kailangan na lang n'ya tanggapin ang bawat hamon ng buhay para sa kanya. "Mga anak, sorry baka ito na ang huling beses na madadalaw ko kayo dito, alam ko naman na mga katawan n'yo lang ang nasa ilalim ng puntod na ito. At kahit saan ako mag punta tiyak naman na kasama ko kayo diba, babantayan n'yo si Mommy." huminga ng malalim si Madison na muling pinahid ang mga luha sa pisngi. "Uuwi na si Mommy sa Pilipinas hahanapin ko ang mga Lolo at Lola n'yo. Hindi na kasi mag kakaroon ng bagong pamilya ang Mommy kaya hahanapin ko na lang ang parents ko. Kaya samahan n'yo ako ha, babalik tayo sa lugar kung saan talaga ako nanggaling." usal pa ni Madison saka tuluyan ng nag paalam sa puntod ng mga anak. - - - - - - - -- - "Ate Madison, oh! Ikaw daw ang mag prepare sabi ni Boss, nag iinarte nanaman yung isang customer." wika ng isang pharmacist assistant na lumapit sa kanya habang busy s'ya sa pag che-check ng mga stock nilang gamot sa shelves. Inabot nito ang mahabang listahan ng mga order na gamot, napakamot naman s'ya ng ulo. Ka popromote pa lang n'ya bilang purchasing manager ng malaking drugstore na pinag tatrabahunan. 5 years na s'ya roon na nag tatrabaho, dati isa lang din s'yang Pharmacist Assistant lang sa naturang establishment. Nag pagawa s'ya ng mga pekeng dukumento sa Recto, may nakapag turo sa kanya noon. Wala kasi s'yang diploma since hindi naman talaga s'ya nakapag-aral. Wala din s'yang birth certificate, ang passport naman n'ya marami puro peke. Kaya napilitan ulit s'yang magpagawa ng mga bago para makapag trabaho. At ito so far sinuwerte na matanggap dahil hindi naman s'ya tanga. Wala lang s'yang diploma pero magaling naman s'ya sa computer na daig pa ang mga taong may natapos kung tutuusin. Nag self-study rin naman s'ya noon at mahilig s'yang mag basa ng kung ano-ano kaya hindi s'ya nahirapn na mag trabaho. "Hindi n'yo ba kayang gawin ito, ang dami ko pang gagawin oh!" ipinakita pa n'ya kay Len-len ang hawak na folder. Nag i-inventory kasi s'ya para mamaya sa pag-order n'ya ng gamot. "Si Ma'am Gigi Sosa yan." tukoy pa nito sa masungit nilang kliyente na malaking mag P.O ng gamot sa kanila para sa 5 nitong pharmacy. Sila kasi ang pinaka murang medicine distributor sa buong Laguna kaya naman napakadami na nilang customer pero nag-iisang kliyente si Ms. Gigi ang pinaka maarte at hindi n'ya ito ma sisi dahil ilang beses ng nag kamali ang mga tauhan nila sa pag aassist dito. Pag di kulang ang deniliver mali ang quantity or price kaya lagi na lang itong galit sa mga tauhan nila sa store. Mabait naman ito sa kanya kung ano-ano na ngang regalo ang natanggap n'ya rito mula pa noon. Lumaki na din ang sweldo n'ya dahil sa matanda dahil binigyan na s'ya ng commision ng amo n'ya noon para lang s'ya ang personal na mag-assist rito at wag umalis sa kanila. Sa 20 kasi nilang tauhan s'ya lang ang hindi nag kamali sa pag-assist rito kaya naman tuwang-tuwa ito sa kanya. Sa wakas daw naka perfect din sila ng itanong nito kung sino nag ayos ng order nito at sinabing s'ya mula noon s'ya na ang ini-rerequest nitong mag ayos ng P.O nito. Mas na uuna kasi ang takot ng mga tauhan nila rito kaya naman puro nag kakamali. "e ano naman! Ayusin n'yo kasi ang trabaho n'yo para hindi kayo nag kakamali. Hindi naman 4 ang kamay ko para ayusin ang lahat ng to?" wika pa ni Maddy na hawak na ang dalawang folder pero wala din naman s'yang magagawa dahil may bilin pa si Ms. Gigi sa store nila na kung hindi s'ya ang mag aayos ng order nito. I-cancel na lang tayo. "Pasensya na Ate," napapakamot na wika ng isang P.A. "Sige na bumalik ka na sa labas ako na ang bahala rito." inis na wika ni Maddy na inabot ang radio na naka patong sa shelves at tinawag ang isang boy nila para mag patulong sa pag-aassist ng lahat ng order. Halos inabot din sila ng 2 oras bago n'ya na iprepare lahat at ilagay sa isang malaking crates at balutin para iready naman sa shippment after n'yang gawan ng invoice record. Mapipilitan nanaman s'yang mag O.T nito kapag nag kataon. Papasok na sana s'ya sa maliit na office n'ya para dun sa nasa loob na POS sever na lang n'ya gagawin ang invoice ng tawagin naman s'ya ng isang P.A ulit at may dumating daw na ahente ng gamot na pinag taka naman n'ya. Wala naman adivise si Mr. Curia na may darating itong ahente ngayon. Iba din talaga ang amo nilang yun, aalis-alis tapos sa kanya para ipapahandle ang buong store. Marahas na ipinatong ni Maddy ang folder na dala sa mesa n'ya saka muling lumabas para harapin ang ahente na sinasabi ng tauhan. 'Saan?" tanong pa n'ya ng makalabas sa store at hanapin ang ahente. Itinuro naman nito ang isang matangkad na lalaki ang nakatalikod sa gawi nila. Medyo tumaas ang kilay n'ya sa pormahan nito naka gray slacks, leather shoes at puting long sleeve na nakatupi sa siko nito. Ang lapad ng balikat ng lalaki sa madaling salita 100% tiyak n'yang ang ganda ng katawan nito, halatang-halatang alaga sa gym. Mukha naman itong hindi ahente, normally ang mga ahente na napunta sa kanila mga naka casual wear lang. Ngunit ang isang ito para aattend ng isang gala night sa pormahan. "Excuse me! How may I help you?" lapit na n'ya rito na ikinalingon naman ng lalaki na naka shade pero ganun na lang ang gulat ni Madison ng makilala ang lalaki kahit 5 years ago ang lumipas, Jasper Montenegro! sigaw ni Madison sa isip ang boyfriend ng dating anak ng amo. Naka shades itong makapal kaya hindi n'ya tiyak kung nakilala ba s'ya nito dahil ilang beses na rin naman silang nagkita hindi nga lang sila ipinakilala sa isa't-isa noong nasa Italy pa s'ya. Hinubad nito ang suot na shade saka umiwas ng tingin sa kanya at iinilibot ang paningin sa paligid. Gusto pang sumimangot ni Madison ng makita ang mga empleydao na akala mo nga pusang hindi ma ihi dahil mga kinikilig na nakatingin sa lalaking nasa harapan n'ya. Sa nilaki-laki ba naman kasi ng Pilipinas talagang pinag tagpo pa sila, sana lang hindi s'ya nito na aalala at mukhang hindi naman dahil wala s'yang na babakas ng recognition sa guwapong mukha nito. Noon mukha pa itong totoy ngayon kitang-kita na nag matured ito sa loob ng 5 years pero ano naman kayang ginagawa nito sa store nila. "I'm looking for Archie?'" "Wala po si Sir Archie." tumalim naman ang anyo nito na muling isinuot ang shade at kahit hindi n'ya nakikita ang mata nito alam n'yang deretso itong nakatingin sa kanya. "Paki sabi kapag hindi s'ya ng report sa akin hanggang mamaya ipapasarado ko ang branch na to." wika pa nito sabay walang paalam na tumalikod na. Na iwan namang na tameme si Madison na napasunod na lang ng tingin sa lalaking sumakay sa isang itim na lambo. "Ano daw? ipapasarado ang branch na to... No! No! No!" bulong ni Maddy na nag mamadaling tumakbo sa office n'ya at pilit na tinawagan ang amo na patay pa ang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD