Bed warmer

1074 Words
"Yes, please... 10+1 paracetamol lang ba ang may deals? How about yung Symdex 60ml... " naka harap sa computer si Madison habang umuorder ng mga stock na gamot na malapit ng maubos sa stock room. "Hindi, ayoko n'yan gusto ko pa rin yung symdex, 50 cases na lang na Para 125 at 40 cases ng para 250, 30 cases na Phenyl yung Neo-drin ang gusto ko. 40 case din ng ketotifen.... No! For 1 week P.O lang to kailangan ko muna i despose ang laman ng warehouse." "Carbo 125 and 250 tig 50 cases din, wala e naka out of town si Sir Archie." pag sisinungaling n'ya ng hanapin si Archie na boss nila na s'yang may-ari pharma Z. Matagal pa s'yang nakipag-usap sa Purchasing staff ng supplier nila na umabot pa yata ng halos 1 hr sa dami ng inorder n'ya. "Len-le_____ hindutan!" bulalas ni Madison ng magulat kay Ronnie na nakatayo lang dun na parang kanina pa s'ya pinapanood na hindi n'ya namalayan sa sobrang busy n'ya. "Ano ba naman Ronnie, para ka naman aswang e!" bulalas pa ni Madison na napasapo pa sa dibdib. "Hindi ko po kayo matawag kasi baka mapagalitan n'yo ako." "Ano bang kailangan mo?" "Pinatatawag po kayo sa taas?" kumunot naman ang noo ni Maddy. Taas, bakit s'ya ipapatawag sa taas? kapag sinabi kasing sa taas sa pinaka office ng pharma Z na s'yang humahawak ng buong management ng naturang business. Na in-charge sa pag-iisue ng cheque at pag paapasweldo sa lahat ng empleyado nila. "Bakit daw?" "Hindi ko po alam basta ang sabi po tawagin kayo kapag tapos na kayo sa pag-order." nagtataka naman na tumayo na si Maddy saka lumabas ng maliit n'yang office at ini-lock na muna yun bago umakyat sa 2nd floor. Ang first floor ang mismong pharma Z, ang ground floor naman ay stock room at ang taas na sinasabi ay s'yang pinaka office na meron 10 empleyado na humahandle ng mga documentary, finance at manpower, ****** Natigilan sa pag pasok si Madison sa pag pasok sa pinaka office ni Archie ng makita kung sino ang naka-upo roon. It was Jasper, mukhang talagang seryoso ito sa be my wife at bakit ito ang naka-upo sa likod ng table ng binatang amo. Ano bang powers nito kay Archie para sabihin nitong ipapasara ang branch nilang iyon. "Have a seat Madison." napalunok si Maddy, kilala s'ya ni Jasper. Akala n'ya hindi, bigla parang gusto na n'yang lumayo. Lumayo s'ya sa mga Montezar pero kung meron isang Jasper ang makakakilala sa kanya. Masasayang lang ang 5 taon n'yang pag layo sa pamilyang tinatakasan n'ya. "Are you deaf." "Listen Sir, hindi ko sinadya ang sinasabi ko sa mga bata. Sinabi ko lang yun para tumigil sila sa pag-iyak." "Is that so, okay fine. You may leave." sagot naman nito na ikinakunot naman ng noo ni Maddy. Ano bang trip ng lalaking to? Ang angas talaga nito mula pa noon hanggang ngayon na para bang batas ang lahat ng lalabas sa bibig nito. Tumalikod na lang si Maddy na medyo napangibit pa saka tumuloy na ng lakad at tiniis na lang ang kirot ng paa. Isasara na sana n'ya ang pinto ng office ng marinig ang sinabi ni Jasper over the phone. Pinatitigil na nito ang lahat ng trabaho sa baba, at pauwiin na daw lahat dahil isasarado na ang branch na yun efffective immediately. Napabalik s'ya ng 'di oras sa loob ng office, hindi puwedeng mag sarado ang branch na yun, mahal n'ya ang trabaho n'ya at ayaw na n'yang mag hanap ng bagong trabaho gamit ang pekeng mga document. "Hindi n'yo puwedeng ipasarado ang bracnch na ito dahil ang branch na ito ang pinaka malakas tumakbo sa market at pinaka madami ang manpower." "I don't care, hindi ko hinihingi ang opinion mo kaya makakaalis ka na Ms. La fradez." '"Maraming trabah_____." "Wala sabi akong paki-alam, pag sinabi kong isasara. Isasara." mariin na wika ni Jasper. Napakagat labi naman ni Maddy na napakuyom ang dalawang kamay. "Hindi ba karapatan ni Sir Archie ang______." "I'm the franchising owner at ako ang may-ari ng branch na to, si Archie is just my minions na hindi marunong mag report. Ayoko sa lahat yung empleyado na may matigas na sungay kaya bago pa tumigas ng tuluyan ang sungay ni Archie puputulin ko na kesa mahuli na ang lahat." pakiramdam ni Maddy sasakit ang ulo n'ya sa narinig. Kaya naman pala ganun ito katapang mag salita. "Kung papayag ba ako sa offer mo hindi mo na pakiki-alaman ang branch na to?" tumaas naman ang sulok ng labi ni Jasper. "Yes, of course." "I want black and white for this agreement." matigas na sagot ni Maddy. "of course." sagot naman ni Jasper at isang folder ang inabot nito sa kanya na kinuha naman n'ya na mukhang ready na talaga ang binata kaya ito naroon. "I'm giving you 1-week para pirmahan yan at ibalik sa akin after. Kaya basahin mong mabuti." anito sabay tayo na at nag lakad papalapit sa kanya. Nag kakutob si Maddy ng balak gawin ni Jasper dahil kita n'ya sa mata nito ang target nito kaya papalapit sa kanya. Kaya bago pa lumapat ang labi ni Jasper sa labi n'ya isang matulis na bagay ang ibinaon n'ya sa leeg ni jasper na imbis na matakot si jasper napangiti pa ito. "Jugular vein ang nasa dulo ng gunting na hawak ko. Oras na itarak ko ito sa'yo maliit ang chances na buhay ka pang makarating ng hospital. "Madison La Fradez, the great Savino Montezar haunt dog. Matapang ka pa rin pala kahit matagal ka ng wala sa poder ng matandang yun." "Jasper Montenegro, Savanna Montezar bed warmer, nag sawa ka na ba sa anak ng amo ko kaya ako naman ang gagawin mong bed warmer mo." pagak naman tumawa si Jasper na tumayo ng deretso at itinulak na ang gunting palayo. "Maybe I want you to warm my bed but the question is sulit kaya ang 10 million na ibabayad ko sa'yo for 1 year service?" ngisi nito na sinagot naman ni Maddy ng mapaklang ngiti. "Depende ang serbisyo ko sa performance mo Jasper Montenegro, thank for this basahin ko agad mukha kasing barado na ang tubo mo kaya ang lame ng excuse mo to blackmail me." ani Maddy na iwinawayway na ang hawak na folder. "1-week Madison." habol pa ni Jasper ng nasa pinto na si Maddy. "Let's see.' sagot lang ni Maddy saka tuluyan ng isinarado ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD