Veronica's POV
Yumuko ako upang itago ang luhang namumuo sa aking mata. So, kaya pala ganito sila sa akin. Because I am not really belong to this family. Ang kaninang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Ate ay unti-unti kong binitawan. Nilingon ako ng babaeng akala ko ay kapatid ko. Nanliliit ako sa sarili ko. Pagkatapos niya akong ipagtanggol ay ito ang malalaman niya. Pero, paanong hindi niya alam?
“Bakit hindi ko alam ‘to?” hindi ko alam kung si Mama ba kausap niya o ang sarili niya. Halata sa mukha niya na nalilito siya.
Sinubukang lumapit ni Mama sa direksyon namin ngunit umatras lang si Ate. Ohh, I’m witnessing a scene here. At ang masaklap pa, parehas silang nasasaktan ngayon because of me.
“Just explain, Ma!” sigaw ni Ate na ngayo’y umiiyak na.
Naiyak na rin si Mama. s**t! I didn’t expect this. Hindi ganito ang gusto ko.
“Nasa States ka no’n nang dumating sa buhay namin si Veronica. Masyado akong nangungulila noon nang mawala ka dahil lang sa dinala ka ng daddy mo sa States. Hindi ako makakasama no’n dahil hindi namin pwedeng iwanan ang business na pinapatakbo namin noon. Kaya noong umalis kayo, naisipan namin ng daddy mo na umampon. Four years old ka nung dinala ka ng daddy mo sa States, hindi pa sapat ang kaalaman mo non. Inampon ko si Veronica sa edad na dos anyos. Six years old ka nung pinakilala na namin si Veronica sa’yo at sinabing kapatid mo siya. At dahil nga sa bata pa lang kayo, agad kayong naniwala na magkapatid kayo.” She paused and looked at me.
“Pero nung bumalik na kayo ni Fidel dito sa Pilipinas, sa’yo na tumutok ang atensyon ko. Aaminin ko na may pagkakamali ako bilang isang magulang. Pero, talagang nangungulila ako sa’yo,” paliwanag niya habang umiiyak. I can see pain in her eyes. But I know I am not the reason why is she hurting. Nasasaktan siya dahil kay Ate Venus.
“I’m sorry… Please anak, patawarin mo ako,” Mom pleaded. Hindi na ako nakapagpigil pa at tuluyan na akong nagsalita.
“I’m sorry for causing trouble in your family. I didn’t mean it. I owe you a lot for adopting me, for taking care of me. I thank you for giving me life. Thank you, but I think I need to leave now. Sorry-“
Hindi pa man ako natapos ay agad na nagsalita si Ate Venus.
“Then leave,” she answered. Nagulat ako sa naisagot niya. “But I’ll go with you.”
Agad na kinuha ni Ate ang kamay ko saka iginaya ako palabas ng pintuan.
“No! You can’t do this, Venus! Tell me you’re kidding!” sigaw ni Mama saka hinarang kami.
“You lied to me. Well, it doesn’t matter. Masaya naman kasi ako na naging kapatid ko si Veronica. She’s been suffering because of you. Because of you and dad who can’t love her the way she loves the both of you! The way she loves our family. How dare you, Ma! How can you do this?!” galit na sambit nito.
“Ate, please stay. Huwag mo silang iwan. Stop protecting me. I am not your real sister anyway,” nakayukong sabi ko.
“I will protect you as long as I can protect you! I don’t care if you are not my real sister. It doesn’t matter, okay? Let’s leave this house now. I’ll go with you. Ate will never leave you. Magkamatayan man,” she said dahilan para mas maiyak ako. Why is she so good to me?
“No! Please don’t do this. I will do everything just don’t leave me, anak,” pagmamakaawa ni Mama.
Umiling si Ate. Kita kong nahihirapan siya, pero alam kong hindi ko na siya mapipigilan sa desisyon niya. She’s really true to her words.
“Nung mga oras na sinasaktan niyo si Veronica e wala ako. Sa tuwing sinisigawan niyo siya, wala ako. Sa tuwing pinagkukumpara niyo kami, wala ako. Sa tuwing sinasabihan niyo siya ng masasakit na salita ay wala ako. Sa tuwing patago siyang umiiyak ay wala ako. Wala ako para protektahan siya, wala ako para yakapin siya, wala ako para maging karamay niya, wala ako para maging sandalan niya, wala ako para punasan ang luha niya. Wala ako dahil ang buong akala ko ay maayos siya! Buong akala ko maayos tayong lahat sa bahay! Akala ko mahal na mahal niyo ang kapatid ko! Ngayon, babawi ako. Ngayon, poprotektahan ko siya. Ngayon, ilalayo ko na siya sa inyo.” Pagkatapos ay tinalikuran na namin si Mama. Gusto kong pigilan si Ate pero walang lumalabas ni isang salita sa bibig ko. Masyadong okupado ang isip ko.
Lakad-takbo ang ginawa namin ni Ate hanggang sa makarating kami sa garahe. Rinig ko pa rin ang sigaw ni Mama habang hinahabol niya kami. Nang tuluyan na kaming makarating sa kotse ni Ate ay binitawan ko na ang kamay niya na halatang ikinagulat niya.
“Ate, hindi mo naman kailangang gawin ‘to. Hindi ka ba naaawa kay Mama? Ate, kaya ko naman na ako na lang mag-isa. Hayaan mo na ako,” pangungumbinsi ko sa kanya.
Hinawakan nito ang balikat ko saka huminga ng malalim. At this point, alam kong wala na talaga akong magagawa pa para baguhin ang desisyon niya. Nawalan na ako ng pag-asa. I really knew her well.
“No matter what you say, you will never convince me to stay here. I’ll go with you. Doon muna tayo kay Lola. She’s nicer than mom.” Pagkatapos ay binuksan niya na ang pintuan ng passenger seat saka sinenyasan ako para sumakay. Wala na akong magagawa kundi ang sumama sa kanya at sumang-ayon sa desisyon niya.