Veronica's POV
"Ate, kanina pa tumatawag si Mama. Hindi mo ba talaga sasagutin?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ba ito naitanong sa kanya.
“I’m still mad. Kakausapin ko na lang siya kapag hindi na ako galit,” kalmadong sabi nito.
“Galit ka ba dahil nalaman mong… hindi mo ako k-kapatid?” nag-aalanganing tanong ko. She sighed. Hindi siya agad sumagot ngunit napansin kong Itinabi nIya ang kotse saka huminto. Humarap ito sa akin na kahit madilim sa daan ay nagawa ko pa ring makita ang mala-anghel niyang ngiti. We’re really different.
“Sis, my little princess, kahit hindi kita tunay na kapatid, believe me, wala akong pakialam.” She laughed. “I am so lucky that you came into my life. Napakaswerte ko kasi dumating ka to be my sister. Hindi man sa dugo, kundi sa puso. Okay ba?”
I nodded. Biglang tumunog ang cellphone niya at lumabas ang pangalan ni Daddy.
“Why don’t you answer it? I know nag-aalala na siya sa’yo,” I said.
Kita ko ang alanganin sa mukha niya. Alam kong hindi niya kayang dedmahin si Daddy kasi mas malapit naman siya kay Daddy, e. Bumuntong-hininga pa siya bago kunin ang cellphone nIyang tumutunog.
“Excuse me, lil ’sis.” Tumango ako sa kanya bilang pagtugon.
Binuksan niya ang pintuan ng driver’s seat saka lumabas habang ako ay naiwan nang mag-isa sa loob ng kotse niya.
Doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang naramdaman yung sakit na dapat kong maramdaman kanina. Maybe because my mind was too occupied a while ago kaya parang lutang ang pag-iisip ko. Siguro dahil ngayon lang nag sink in sa akin lahat-lahat.
‘Hindi nila ako tunay na anak.’ Iyan ang laging pumapasok sa isip ko.
Katotohanang mahirap tanggapin. Katotohanan na nagmulat sa akin, at katotohanang sumagot sa mga katanungan ko noon pa man. Kung bakit ganoon si Mommy sa akin. Kung bakit medyo mailap si Daddy sa akin, na laging si Ate Venus lang ang tanging napapansin nila.
Iniyak ko lang lahat ng sakit sa loob ng kotse ni Ate. Wala na akong pakialam kung maabutan niya ako sa ganitong sitwasyon. Ang importante sa akin ay mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Kaya pala kahit gawin ko ang best ko sa school, they still don’t appreciate everything. Kasi, kahit gagawin ko ang best ko, si Ate Venus pa rin ang the best for them. While me? I will never be the best to anyone.” I started crying again. Napahagulgol na ako. I can feel my hands shaking.
My phone beep. I saw my bestfriend’s name on the screen. Binuksan ko ang message niya at lihim akong napangiti sa nabasa ko. She really can switch my mood.
From: My bestfriend
Hello, bestfriend! Take your med na, okay? Sorry hindi ako naka-message kanina. Ngayon lang kasi ako nakapag-load. I love you, bestfriend! See you tom. Mwah.
I tapped for the reply button and started composing a message to her.
To: My bestfriend
Thank you for the reminder. I’ll take it later. I love you so much, Serenity. Thank you for everything. See you when I see you. Please do take care of yourself.
Sent!
Pagkatapos na pagkatapos kong pindutin ang send ay nakita kong may tumulong dugo sa screen ng cellphone ko. Kasabay nito ang matinding sakit ng ulo ko. Agad kong nabitawan ang cellphone ko’t napahawak sa ulo ko. Damn! Not now, please! Rinig kong tumunog ang cellphone ko. Damn! This pain is killing me again!
“Arggggggh!” inda ko nang lalong sumakit ito. I can feel something running down my nose. I tried to look for my phone na kani-kanina lang ay nahulog. Nang makapa ko na ito ay pilit kong minulat ang mata ko upang sagutin ang tawag ni Serenity.
“Hey! Pinag-alala mo ako sa message mo! Para kang namamaalam! Bestfriend naman, e!” bungad nito nang sagutin ko ang tawag niya.
“B-bes… I c-can..t,” nahihirapang sabi ko.
“Ahhhhhhh!” napasigaw muli ako sa tindi ng sakit ng ulo ko. Nakikita ko na rin ang dugong tumutulo galing sa ilong ko. I’m bleeding! Not now, please.
“Veronica, what happened?! Nasaan ka? Pupuntahan kita! Veronica, tell me!” halata sa boses nito ang pag-aalala. I can also hear her sobbing.
“P-plea..se d-don’t ahhh c-cry,” I manage to answer.
“No, Ve-“
Hindi ko na magawang pakinggan ang sasabihin niya dahil nabitawan ko na ang cellphone na hawak ko. Kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng driver seat at pagsigaw ni Ate Venus.
“Oh my Gosh!” rinig ko nang buksan ni Ate Venus ang pintuan.