CHAPTER 2

1433 Words
"Ayoko nga, Celine," tigas siya sa pagtanggi sa inuungot sa kanya ng kapatid. Nilampasan niya ito sa sala at pumasok na sa kuwarto niya. Sumunod sa kanya si Celine, walang tigil ang pag-ingos. Nauna pa itong mahiga sa kanyang kama. "Aevia, ibabagsak ako ni Mr. Schaffen kapag hindi ko nagawa ’to." She rolled her eyes heavenwards. "Kung hindi ka kasi palaging late sa klase, wala ka sanang pinoproblema ngayon." May ipinagagawa ritong project si Mr. Schaffen. Kailangan nitong i-research ang history ng isang makasaysayang lugar at gawan ng report. And of all places, sa pinakamatandang mansiyon pa ng lalawigan nila, ang Balay Aisalah. Maraming misteryo ang mansiyong iyon at ni walang makapagsabi kung bakit tinawag iyong ‘Balay Aisalah.’ Hindi bukas sa publiko ang mansiyon pero pinahihintulutang makapasok ang piling mga tao. She even wondered how Mr. Schaffen was able to get a free pass for her sister, at kasama pa siya! Bakit ba nadamay pa siya? Siya ba ang bumagsak? "Aevia, please! Baka ipatapon ako sa bundok ng Mommy kapag hindi ako pumasa." Napabuga siya ng hangin. "Na nararapat lang sa ’yo dahil masyado kang galawgaw at hindi mo na sineryoso ang pag-aaral mo!" "Exactly why I'm doing this. Gusto ko nang ituwid ang mga pagpapabaya ko noon. And I need your help now. Sige na naman, Aevia!" "Ayoko nga sa mansiyon na iyon. Nakakatakot." Hindi naman talaga siya matatakutin pero ewan ba niya kung bakit tila may hatid na kakaibang kaba sa kanya ang Balay Aisalah. Not that it looked creepy. Sa totoo lang, napakaganda ng mansiyon na nasa itaas ng burol. Bago marating ang malaking bahay ay may maayos at mahabang kalsada muna na sa magkabilang gilid ay ang malalagong kahoy ng Eucalyptus at Mahogany. Ayon sa mga nabasa na niyang artikulo tungkol sa Balay Aisalah, orihinal ang mga kagamitan sa mansiyon kahit na ilang dekada na ang lumipas. Ang magagarang muwebles ay gawa sa Dalbergia na galing India, merong mula pang Zimbabwe, ang iba ay gawa sa Narra, Molave, at Kamagong. Gawa din sa hindi basta-bastang kahoy ang mga musical instrument na makikita sa loob ng mansiyon. Mamahalin at antigo ang mga kagamitan. Nakita na niya ang exterior ng mansiyon mula sa mga pictures. Dalawang palapag iyon. Gawa sa solidong bato at matibay na kahoy. Malalaki ang mga bintanang Capiz. Ang pinaka-entrada na paarko ang porma ay dalawang dahon ng solidong kahoy. Kapag kinatok mo iyon, duda siya kung maririnig sa loob. Sa totoo lang, napreserba ang kagandahan ng mansiyon. Makintab na makintab ang parteng kahoy at makinis ang bahaging gawa sa bato. Pantay ang damung nakapalibot sa malaking mansiyon, malalago ang mga punong Dalakit at Mahogany sa paligid. The place looked too good to be true, almost magical. "Ano bang nakakatakot ang sinasabi mo diyan, Aevia? Katuparan ng pangarap para sa iba ang makapasok sa mansiyon na iyon tapos ikaw diyan umaayaw." Huminga ito ng malalim. "Kailangan lang naman nating ikutin ang lugar at ma-interview ang caretaker ng mansiyon. Iyon lang. Mahirap bang gawin iyon? You didn't even have to talk." "So, ano ang papel ko sa proyekto mong iyan?" "Magaling ka sa pagti-take down notes, eh. Magsusulat ka lang. Just use the notepad in your phone. Tapos sama ka lang sa picture." Bumuntong-hininga siya. "Sa totoo lang, hindi ko masakyan ang trip ng professor mo kung bakit idinadamay pa ako." "May pagka-weird talaga si, Sir, pero sige na pagbigyan mo na ako. Ngayon lang, eh." "Ano ang mapapala ko sa pagtulong sa ’yo?" "Ikaw na ang magiging favorite ko at hindi na si Kuya Raffy. Kakampi mo na ako. Team Aevia for the win!" Tumaas ang mga kilay niya, pinukol ng hindi makapaniwalang tingin ang kapatid. Iyon lang talaga ang kaya nitong i-offer sa kanya? Ni hindi siya nakikipagkompetensya sa kapatid na si Raffy. Itinaas ni Celine ang mga kamay. "Fine, fine, I'll make you mango Tapioca for one month." "Isang buwan lang?" Umungol si Celine. "Alright, three months!" Ngumisi na siya. "Fair enough." _____ 7AM. Napangiwi si Aevia nang tumunog ang alarm clock na nakapatong sa kahoy na headboard. Hindi niya inangat ang mukha mula sa pagkakabaon sa unan at pikit pa rin ang mga matang kinapa ang aparato sa uluhan at in-off. Umungol siya at mabigat pa rin ang katawan nang bumangon. Tumayo siya sa paanan ng kama at hinubad ang pantulog bago inabot ang towel na naka-hook sa likod ng pinto. Dumerecho na siya sa banyo at tumapat sa salamin para mag-toothbrush, nakapikit pa rin. Suddenly, she felt a shiver ran down her spine. Damang-dama niyang may nakatitig sa kanya. Napamulat siya at marahas na lumingap sa paligid. Wala namang tao. Hindi na siya napakali. Huminga siya nang malalim at tumapat sa shower. Minadali niya ang pagligo pero lalong lumakas ang pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa kanyang silid. Nang mapadako sa naghuhulas na shower door ang tingin niya ay malakas siyang napasinghap. She swore a tall figure of a man stood right there. Hindi niya nakita ang mukha nito. But he was really tall, over six feet. Nakaitim itong balabal. Natutop niya ang dibdib at dali-daling lumabas ng banyo. Halos magbuhul-buhol ang kamay niya sa pagbibihis. Hindi na siya namili ng damit at kung ano na lang ang unang nahugot sa cabinet ay iyon na ang isinuot niya. Limang minuto na siyang nakaupo sa loob ng kotse katabi ni Mang Basilio, ang kanilang driver, nang sa wakas ay dumating si Celine at lumulan sa loob ng sasakyan. Kumunot ang noo nito nang mapagmasdan siya pero hindi naman nagkomento. Sa biyahe patungong Balay Aisalah ay balisa siya. "Okay ka lang ba, Aevia?" tanong sa kanya ni Celine, kinalabit siya nito mula sa backseat. "I… I'm fine." "You don't look like it. Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" Umiling siya. "No, really, okay lang ako. M-may iniisip lang." Na totoo naman. Hindi na nawala sa isipan niya ang lalaki sa banyo. Guni-guni niya lang ba iyon? Pero totoong-totoo ito sa kanya. Could he be the man in her dreams? Napahugot siya ng malalim na paghinga. Kailangan niyang tigilan ang kakaisip at baka mabaliw na siya nang tuluyan. Things had already been weird since she turned twenty. Siya lang yata ang taong may regular na panauhin sa panaginip na madalas ay nakikipagniig sa kanya. Ilang daang beses na niyang naisip na baka ‘Incubus’ ang dumadalaw sa kanya. "Aevia!" pukaw sa kanya ni Celine, sadya na nitong nilakasan ang boses. "H-ha?" "Kanina pa kita tinatawag. Ang layo na ng nilakbay ng isip mo. We're already here." Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa tapat na nga sila ng mansiyon. Lumakas ang pagtahip ng kanyang dibdib. Nasasakal siya na nahihilo. Parang may mga hindi nakikitang kamay ang humahatak sa kanya. Gayunman ay pinilit niya pa ring bumaba ng kotse. Nakita niya nang salubungin ni Celine si Professor Schaffen bago sabay na lumapit sa kanya ang dalawa. "You must be Aevia? I'm sorry if I had to drag you into this. Alam mo naman itong kapatid mo, masyadong maloko. I needed to make sure that she brings someone responsible with her." Bata pa si Professor Schaffen. Nasa mid-30s lang. Mukha itong purong Amerikano pero ang sabi ni Celine ay may dugo rin itong hapon. "Also, I heard so much about you." Inilahad nito ang kamay sa kanya na mabilis naman niyang tinanggap. Ano kaya ang pinagkukuwento ng kapatid dito tungkol sa kanya? "Sana lahat ng mga narinig mo ay puro papuri?" "Of course." Hinayon siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "If I didn't know better I would say that you're from a different time." "A-ano'ng ibig mong sabihin?" Tinignan niya ang sarili at nagulat nang matantong ang suot niya ay ang lumang bestida ng Mommy nila—a classic old rose wrap dress. Bagaman hindi maitatangging luma ay sadya namang napakaganda at bumagay sa kanya. Para siyang taong nagmula sa nakaraang panahon. "I have a weird taste in… everything," palusot niya. "Tell me about it. I know exactly just how you feel. Anyway, no worries, the dress suits you well. Now, shall we go?" Nauna nang maglakad si Mr. Schaffen at sumunod silang magkapatid. Siniko siya ni Celine. "Mukhang crush ka ni Sir." Itinirik niya ang bola ng mga mata. "Shut up. Huwag mo akong ginagawan ng issue diyan." Ngumisi ito. "Totoo naman, eh. Halatang-halata si Sir." "Celine! Sige pa, iiwanan kita rito." Tumahimik na ito nang tumapat sila sa malaking pinto. Kumabog na naman ang dibdib niya at nangatog ang kanyang mga tuhod. Something was telling her that entering the old mansion would change her life forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD