CHAPTER 5

1505 Words
Aandap-andap ang ilaw na nagmumula sa lumang bombilyang nakakabit sa kisame. Malamlam at patay-sindi ang isinasabog na liwanag sa silid na kinaroroonan niya. Pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Kung noon ay puno siya ng takot at pangingilag, ngayon ay mas payapa ang loob niya kaya maayos niyang nakikita ang kabuuan ng silid. Makinis ang semento ng mga dingding kahit na walang pintura. Walang kahit isang bintana. May makitid na pinto sa isang panig at may maliit na parisukat sa bandang itaas niyon na may rehas na bakal. It was a detention room, Aevia was sure of it now. Parang naririnig pa niya ang pagtangis ng mga kaluluwang hindi makawala sa kuwartong iyon. Naghihirap at tumataghoy ang mga ito. Naririnig din niya ang lagapak ng kadenang nakapaikot sa paa ng mga kawawang kaluluwa. "Hmmm, you are surprisingly calm tonight, my love," anang pamilyar na tinig. His breath was hot against her nape, and it was electrocuting. Nakukuryente siyang hindi niya mawari. Nakakakiliti ang hininga nitong tila kamay na humahaplos sa batok niya. Humarap siya rito. "Lucas," matapang niyang sambit. "Ikaw ba si Lucas?" Sinalubong niya ang itim nitong mga mata, hindi kumukurap. He held her gaze, then smiled wickedly. Nararamdaman nito ang paghahamon niya. For Pete's sake, she was trying her hardest to summon all courage but this man could smell her emotions, her weakness. He laughed in a low and lazy manner. At lalo siyang nahihipnotismo kung ganoong nakatawa o nakangiti ito. "Ah, you remembered." He touched her chin in an almost erotic manner. Hindi niya alam kung paano nito binubuhay ang pagnanasa sa katawan niya sa simpleng mga haplos lang sa balat niya. "My Antonina…" Naguluhan siya. "H-hindi Antonina ang pangalan ko." Sino si Antonina? Ito ba ang pangalan ng asawa nito? Bakit siya nito tinawag na Antonina? Hindi na nagsalita pa si Lucas. Inabot nito ang kanyang kamay at hinila siya palapit dito. He swayed her body in a slow tempo. Her eyes were wide open, nakatingala siya at titig na titig sa mukha ng nakapikit na kasayaw. In his arms, she felt safe. Bakit nakakaramdam siya ng katiwasayan ng damdamin sa mga bisig nito? Hindi niya ito kilala. Sino o ano ba talaga ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buhay niya na hindi na siya nilubayan buhat nang idaos ang kanyang 20th birthday? Incubus? Crossroad demon? Diablo? O totoong tao mula sa nakalipas na panahon? Ngumiti lang sa kanya si Lucas na parang nababasa nito ang kalituhan sa kanyang isipan. Kinabig nito ang kanyang ulo at maingat na inihimlay sa dibdib nito. There was no heartbeat. Hindi niya marinig iyon. Hindi ba tumitibok ang puso nito? Inalalayan siya ni Lucas paikot at muling hinila pabalik dito. And again, he was holding her, and their bodies were moving together. Maya-maya ay hinawakan nito ang baba niya upang itaas ang kanyang mukha. Nagtagpo ang kanilang mga mata at nasilip niya ang walang katapusan nitong pagsamba sa kanya. "Lucas, sino ka ba talaga? Please, magsalita ka naman." "I can be whoever or whatever you want me to be, love." "Ako? S-sino ba ako?" "Ikaw ay akin. Walang ibang puwedeng umangkin sa ’yo." Bumaba ang mukha nito sa kanya. Alam niya hahagkan siya ni Lucas at wala siyang planong umiwas. Ayaw niyang umiwas. Sabik siyang muling matikman ang tamis ng mga labi nito. Gusto niyang maramdaman sa kanyang mga ugat ang init ng pagmamahal o pananabik nito para sa kanya. Kahit na ano lang ang kaya nitong ibigay. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa labi niya. And when he kissed her, it felt like a part of her forgotten past had been restored. "Akin ka na mula sa gabing ito, Antonina. Walang hangganan, walang katapusan, walang dulo," tila iyon mabining bulong ng hangin sa kanyang tainga. _____ "MANONG, diyan po tayo." Itinuro niya ang pribadong daanan paakyat ng burol. Napakamot sa ulo ang driver ng taxi. "Sa Balay Aisalah ba ang punta mo talaga?" "Opo." "Naku, patay tayo diyan. Hindi ka puwedeng pumasok nang walang imbitasyon sa property ng mga Savatierre. Sayang lang ang pamasahe mo. Sana sinabi mo kaagad sa akin kanina na dito pala ang punta mo para nasabihan kita agad." Alam na niyang tatanggi ito kapag sinabi niyang sa Balay Aisalah siya pupunta kaya sinadya niya talagang hindi banggitin dito. Kung anu-anong lugar ang sinabi niya para lituhin ang driver hanggang umabot sila ng Balay Aisalah. Ang totoo niyan, ito rin ang may kasalanan kung bakit nakaabot sila doon. Kuwento ito nang kuwento at panay sulyap sa kanya. Hindi ito naka-focus sa pagda-drive. Sabi pa nito, hiwalay daw ito sa ka-live in partner nang matagal at walang anak. Ito raw ang may-ari ng minamanehong taxi at may tatlo pa raw sa bahay nito. Malungkot daw ito dahil walang asawa at naghahanap ng babaeng makakasama sa buhay. Marami siyang kakilalang driver pero puro naman mababait at matitino. Ngayon lang siya nakatagpo ng kagaya nitong may malisya kung makatingin sa kanya. Kanina pa dapat siya bababa pero nanaig ang katigasan ng ulo niya at ang kagustuhang makabalik ng mansiyon. Bumuntong-hininga siya. Inabot niya ang bayad sa lalaki. "Dito na lang ako, Manong." "Ha?" Lumingap ito sa paligid. Puro kahoy at cogon ang nakikita nito. "Mapapahamak ka rito. Maganda ka pa naman," malisyoso ang ngising sumilay sa labi nito. "Buo na ho ang loob ko, Manong. Ini-expect na ako ni Manang Juanilya sa mansiyon." Kumunot ang noo nito. "Sinong Juanilya?" "Ang caretaker ng malaking bahay." "Juanilya?" "Opo. Sige na po." Bumaba na siya at pinuno ng hangin ang baga. Gusto niyang panghinaan ng loob nang mamasdan ang pagkahaba-habang kalsadang kailangan pa niyang tahakin bago makarating sa mansiyon. Ihahakbang na lang niya ang mga paa nang may humatak sa kanya mula sa likod. Ang driver! Bago siya makasigaw ay nasuntok na siya nito sa sikmura. Halos pangapusan siya ng hangin. Kinarga siya ng driver sa bahaging mas kubli at dikit-dikit halos ang mga puno. Pagkatapos ay inihiga siya nito sa damuhan. "Ang ganda mo, ’Neng," anito, sabay hagod ng mala-demonyong tingin sa kabuuan niya. "Sayang naman kung hindi kita matitikman. Huwag kang mag-alala pagkatapos nito, pakakasalan naman kita." Humalakhak ito at hinubad ang T-shirt. May tattoo pa ito ng itim na baboy sa kaliwang dibdib. "Huwag!" sigaw niya, takot na takot. "Manong, para n'yo na po akong anak!" "Huwag kang matakot, magaling ako. Akong bahala sa ’yo. At ano ba'ng sinasabi mong para na kitang anak? Wala sa edad iyan! Aasawahin kita!" "Manong, parang-awa mo na! Huwag mong gawin ’to!" Nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Hindi na niya halos makita ang mukha ng manyak na lalaki dahil pinalabo na ng mga luha ang kanyang mga mata. "Tulong! Tulong!" Kung mapatid man ang ugat sa kanyang leeg sa lakas ng pagkakasigaw niya ay hindi na siya magugulat pa. "Sige, lakasan mo pa ang pagsigaw mo, wala namang sasaklolo sa iyo rito! Kahit na paulit-ulit ko pang pagsawaan ang katawan mo rito ay walang makakaalam! Walang tutulong!" Hinimas nito ang baba. "Teka, virgin ka pa ba? Jackpot! Ang galing ko naman! Makakadali ako ng virgin! Kailan pa ba ang huling beses na may nakatalik akong malinis na babae? Hindi ko na maalala!" Tumawa ito. Maya-maya'y sumeryosong pero hindi nawawala ang maduming kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Simulan na natin, ’Neng, nang makarami!" "No!" Mariin niyang naipikit ang mga mata at ipinaling sa kanan ang ulo nang akmang kukubabawan siya ng lalaki pero bago pa nito magawa ang masamang balak sa kanya ay tinalon na ito ng malaking hayop. Humagis ang katawan ng lalaki sa gilid. Kitang-kita niya kung paano ito dumugin ng itim na hayop. Isang halimaw! Malaking aso na parang lobo, umaalulong. Matatalas ang mga ngipin ng halimaw lalo na ang mga pangil at maging ang mga kuko nito, mapupula ang mga mata. Hellhound! The vicious animal was a hellhound—guardian of the underworld! "Halimaw ang papatay sa kapwa halimaw," anang pamilar na boses. Marahas siyang lumingap. Hinanap ng mga mata niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon at nakita niyang nakatayo sa ilalim ng malagong puno malapit sa kanya ang lalaking nakasuot ng mahabang itim na balabal. "I-ikaw? P-paanong… Bakit?" Nagtagpo ang mga mata nila ng misteryosong lalaki at malinaw niyang nakikita ang purong itim nitong mga mata. Hindi lang ang bilog ng mga mata nito ang itim kundi maging ang bahaging puti ay kasingkulay na ng gabi. Natuliro siya, naguguluhan. Ano ang nangyayari? Paanong nakikita niya si Lucas kahit na gising na gising siya? Sigurado siyang gising na gising ang diwa niya. Si Señor Lucas naman ay matagal nang patay ayon na rin sa mga taong napagtanungan niya tungkol sa Balay Aisalah. Hindi ngumiti ang misteryosong lalaki, hindi tumango, walang may nagbago sa mukha nitong hindi kababakasan ng kahit anong emosyon. Bigla na lang itong tumalikod at kasabay niyon ay naglaho rin ang itim na halimaw. Kasamang naglaho ang katawan ng manyak na driver at nawala rin ang taxi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD