CHAPTER 6

1101 Words

"Ano'ng nangyari sa ’yong bata ka?" Pag-aalala ang mababasa sa kumukulubot nang mukha ni Juanilya. Nadagdagan ang patung-patong nitong gatla sa noo nang mapagbuksan siya ng pinto. Wala siyang ibang pagpipilian. Mas malayo ang lalakarin niya kung babalik pa siya kaya minabuti niyang ituloy na lang ang paglalakad patungong burol kung nasaan ang mansiyon. Nayakap niya ang sarili, nangangatal. Hindi niya matignan ang caretaker. Hindi pa rin nawawala ang pagkagimbal at takot na nadama niya kanina. Halu-halong emosyon ang umaalipin sa kanya ngayon. Takot at pagkagimbal sa kamuntikan na niyang sapitin kanina sa kamay ng manyak na driver, at malalim na lungkot kapag naaalala niya si Lucas. Alam niyang si Lucas iyon, ang lalaking nagligtas sa kanya, kahit na hindi siya nito nilapitan o kinausap m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD