CHAPTER 21 Pasado alas siyete na nang magising si Cara ng sumunod na araw. Agad niyang nilingon si Maxine at nakitang tulog pa rin ito sa crib. Kaninang madaling araw ay nagising ang kanyang pamangkin. Nang asikasuhin niya ito at ipagtimpla ng gatas ay natanawan niya ang silid ni Leandro. Nakita niyang wala nga ito roon. Tinotoo kaya nito ang sinabing sa isang guest room ito sa baba nagpalipas ng gabi? Hindi nga ba ito bumalik sa silid nito? Mayamaya pa ay bumangon na si Cara at sinamantalang tulog pa si Maxine. Agad siyang lumipat sa silid ni Leandro at nagtuloy sa walk-in closet kung saan naroon ang kanyang mga damit. Kumuha siya roon ng pamalit at nagtuloy-tuloy sa banyo. Gusto niya ring samantalahing hindi pa bumabalik si Leandro sa kwarto nito. Hanggang maaari ay hindi niya nais n