CHAPTER 22 Hindi makahuma si Cara sa kanyang kinatatayuan. She was just there standing and looking at Leandro. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito at kung iba lang ay siguradong pangingilagan itong lapitan. At hindi rin nakaligtas kay Cara ang galit na sumilay sa mga mata nito kanina nang makita siya nitong bumaba mula sa sasakyan ni Brandon. Nang hindi siya tuminag para sagutin ito ay tumayo nang tuwid si Leandro at lumingon sa sasakyan nito. "Get in the car. Let us go," mariin nitong utos na nakapagpagatla ng kanyang noo. Here he goes again. Kung makapag-utos ito ay ganoon na lamang. Ni hindi niya pa ito nakaringgan na gumamit man lang ng salitang 'please' o kaya makiusap ng mababa at banayad ang tono. Lahat na lang ay pautos kung ibato sa kanya. Ano ba ang tingin nito sa kanya? Na