CHAPTER 25 Marahan na hinila ni Cara ang makapal na comforter upang itakip sa kanyang hubad na katawan. Matapos ng mainit na tagpo sa pagitan nilang dalawa ng kanyang asawa ay ngayon na siya nakaramdam ng pagkaasiwa na nakahantad sa mga mata nito ang kanyang katawan. Leandro turned to face her. Nakahiga na ito sa kanyang tabi at balewala lamang dito kung kita niya ang kahubdan nito. She turned to her other side at sadyang tinalikuran ito habang kipkip sa dibdib ang comforter. She heard Leandro smirked. "You are acting as if I forced you on this bed," sarkastiko nitong saad sa naging reaksyon niya. Mariin na lamang na napapikit si Cara. To be honest ay wala siyang makapa na pagsisisi sa nangyari sa kanilang dalawa ni Leandro. Marahil ay dahil na rin sa katotohanan na asawa niya ito at