Chapter 3

947 Words
Sabay na nag-agahan ang buong maganak. Masayang nagkukuwentuhan si Adonis at ang mag-asawang Araneta habang pangiti-ngiti lamang si Audrey. Sumasagot lamang siya kung kinakailangan at sadyang umiiwas ng tingin kay Adonis. Puno ng masasarap na pagkain ang mahabang dining table. At alam niyang bawat araw ay espesyal sa mag-asawang Araneta dahil sa pagbabalik ng tunay nilang anak. Hindi maubos ubos ang kuwentuhan dahil sa tagal ng panahon nilang pagkakawalay. "Alam mo bang pagkakita pa lamang namin kay Adonis ay hindi na siya nagtaka?" Untag ni Senyor Rizaldo habang nakatingin sa kanya. "Maraming katangian siyang nakuha sa akin. Dont you think so Audrey?" "Ahm..yeah, Totoo iyon papa," patianod na lamang ni Audrey sa matanda. At bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Bakit nga ba hindi niya napansin ang mga similarities ng kanyang biyenan kay Adonis? Marahil dahil ninsa hinagap ay hindi pumasok sa kanyang isipan na may koneksyon ang Senyor sa dati niyang nobyo. "Napakaganda ng ipinatayo niyang villa sa Villa Royale Island," sabad ng senyora Ofelia. "At mukhang mapapadalas ang pagbabakasyon namin roon. Have you been to the island iha?" "Yes mama. Doon ho ginanap ang reunion namin last week." "You must see his villa. Para ngang ayoko ng umalia sa lugar na iyon. I love the place iha. White sand beaches, crystal clear water, at ang kagandahan ng buong isla." "Maganda nga ho ang islang iyon mama." Napansin niyang nakatingin sa kanya si Adonis habang nagsasalita. Agad niyang binawi ang tingin dahil ayaw niyang magtama nang matagal ang kanilang mga mata. "I'm happy to know na self-made man itong si Adonis." Sabi ng Senyor. "Aranetang Araneta talaga. Hardworking. Punong puno ng preserverance at guts. Kapag may ginustong makuha ay naaabot. Masasaktan siguro ako kung nakita ko siyang hindi naging successful sa buhay." "Nagsikap ako para sa babaeng minahal ko papa," sabi ni Adonis. Babaeng minahal? May hatid na bayo sa dibdib niya ang sinabing iyon ng binata. Batid niyang siya ang tinutukoy nito. Past tense na nga lamang siya para kay Adonis. Parang isang librong isinara na nito. Ngunit doble ang sakit na hatid niyon sa kanya dahil alam niyang wala siyang kasalanan para magbago ang pagmamahal nito sa kanya. Ipagtatapat kaya nito sa mga magulang na siya ang dating minamahal na tinutukoy nito? "So may girlfriend ka na pla iho?" Isang makahulugang ngiti ang isinagot nito "Meron na mama, pero hindi na ang girlfriend na dahilan ng pagpunta ko sa States at pagsisikap. Wala na kami ng babaeng yun." "Why? What happened to your relationship with her?" Usisa ng senyora. Hindi sinasadyang napasulyap si Audrey kay Adonis na nakatingin din sa kanya. Isang malamig na tingin."I've just realized that we were not meant for each other." Anitong may kasamang kibit-balikat. Muntik ng dumulas sa kamay niya ang hawak na baso ng pineapple juice dahil sa narinig. Hindi niya nagustuhan ang narinig. I've just realize that we were not meant for each other. Iyon lamang ba ang rason sa pagtalikod nito sa ipinangako sa kanya? Pagkatapos niyang masaktan? What she had shared with Adonis had been so intense; na umabot pa sa pagkakaloob niya ng sarili rito. Ipinagpasalamat na lamang niya na hindi nagbunga ang ginawa nila. Dahil babaliin na lamang pala nito ang mga pangako sa kanya. "At sino naman itong bago mong girlfriend iho?" Usisa ng senyor Rizaldo sa anak. "You'll meet her one of this days, papa". Si Jackie kaya ang tinutukoy nito o may iba pa? Naisip niyang iliko sa ibang topic ang usapan. Nagalala siya na baka sabihin ni Adonis ang tungkol sa nakaraan nila. "May lupang nabili si Wacky sa Villa Royale Island, Mama. Plano niyang magpatayo sana ng villa roon. Bakit hindi na lang iyon ang patayuan niyo ng sariling villa mama?" "Sa inyo ni JM ang naiwan ni Wacky iha,. Ikaw ang dapat magpatayo ng sariling villa roon." Tumango-tango siya habang inaabutan ng juice si JM. "May wedding plans na ba kayo ng girlfriend mo iho?" Usisa ng senyor sa pagitan ng pagsubo. "Oo nga anak, sabik na kasi kami ng papa mo magkaroon ng madaming apo." Segunda ng Senyora Ofelia. "Kababalik lang ho ni Adonis. Hindi ba dapat ay ienjoy po muna ninyo ang mga panahong kasama siya bago siya bumuo ng sariling pamilya?" Wala sa loob na sabad niya sa usapan. Sanay na kasi siyang bahagi ng usapan dahil kapamilya na siya ng Araneta. Ngunit bigla siyang natigilan. Baka mahalata ni Adonis na hindi niya gusto ang usapan tungkol sa pag-aasawa nito. Itinuon na lamang niya ang pansin sa pag-alalay sa pagkain ni JM. "Oo nga naman," sang-ayon ng Senyora. "Biruin mo naman kung gaano katagal nawalay sa atin ang unico iho natin. Bakit nga naman natin itutulak na magasawa na. Tutal bata pa naman siya." "Ngayon ko pa lang din naeenjoy ang bunga ng mga pagsisikap ko mama. Besides, gusto ko munang pagsilbihan kayo." Sagot sa kanyang ina. "Okey iho, hindi kana namin aapurahing mag-asawa." Sabi ng Senyor Rizaldo. "Tutal marami kapang dapat matutunan sa pamamalakad ng kumpanya natin. Computer ang expertise mo hindi ba? Pero hindi iyon ang linya ng kompanya natin kaya you have a lot of learning to do." "Dont worry ma, pa. I'l make sure na bibigyan ko kayo ng madaming apo. At hindi na magtatagal yun, kapag nakita ko na ang tamang babae hindi ko na pakakawalan pa. Nasa process pa lang ako ngayon ng elimination." "You are Joaquin Araneta iho, nasa iyo ang lahat ng pagkakataong pumili ng babaeng gusto mong pakasalan." Napayuko si Audrey dahil may sakit na hatid sa kanya ang tinatakbo ng usapan. Nanlulumo ang puso niya. Dahil obvious na kinalimutan na siyang talaga ng lalaking minahal at hanggang ngayon ay mahal pa rin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD