Chapter 2

929 Words
Tapos na ang welcome party na ibinigay kay Adonis ng kanyang magulang. Nagsialis na ang lahat ng mga bisita. Nasa pabilog na terrace siya na karugtong ng kanyang silid. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang nakatukod ang mga kamay sa marmol na pasimano. At last, I'm home! Napangiti siya. Maluwag na maluwag ang pakiramdam niya. Mahirap ipaliwanag ang kaligayahan sa dibdib niya. Bagama't minahal siya ng pamilyang kinagisnan niya ay iba pa rin pala ang pakiramdam na kapiling na niya ang mga tunay na magulang. Alaala... "I have something to confess to you, Adonis..." Natatandaan niyang sabi ng daddy niya, si Alejandro Sevilla, noon lamang nakaraang taon na magkasakit ito nang malubha. "Hindi ko na sana ito ipagtatapat sa iyo dahil ayaw ng mommy mo. Pero alam kong karapatan mong malaman ito at ayokong ipagkait pa sa iyo ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo." Ofcourse, he was shocked nang ipagtapat nitong binili lamang siya sa halagang ten thousand pesos sa isang lalaking ang sabi ay sarili niya itong anak. May magulang palang kayang ipagbili ang sariling anak. Iyon ang initial reaction niya. "Hindi ka raw niya kayang palakihin at buhayin. Pitong taon na kaming kasal ng mommy mo at gusto namin noong sundan si Aileen ng anak n lalaki. At nang dalhin ka sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip na kunin ka. Napakaguwapo mong bata. Magdadalawang taon ka na noon," paliwanag ng daddy niya. Twenty nine na siya nang malaman iyon pero hindi na niya ginulo ang isip sa paghahanap sa tunay na pinagmulan. Ang katwiran niya, minahal naman siya ng mga kinilalang magulang. Sinikap siyang mabigyan ng magandang buhay ng mga ito. At bagama't hindi kasingyaman ng Araneta ang mga ito ay pinalaki naman siyang marangal na tao. He had a happy childhood. Umalis na siya ng terrace. Isinara niya ang French door at nahiga sa kama. Ano kaya ang magiging reaksyon ng nanay ni Audrey? Naitanong sa sarili. Muli siyang nangiti nang maalala ang naging reaksyon ng dating nobya kaninang malaman nitong siya si Joaquin Paolo Araneta. Nagpakasal ka kay Wacky dahil isa siyang Araneta. Ngayong nalaman mo na ako ang tunay na Araneta na tagapagmana ay para kang sinampal. Muli siyang umahon sa kama at umupo. Sinaktan mo ako Audrey. Tinalikuran at ipinagpalit mo ako sa lalakibg alam mong magbibigay sa iyo ng buhay na hindi ko kayang ibigay. Hindi ka nakapaghintay. Sinayang mo ang mga pagsisikap ko. Ngayon ay hawak ko ang pagkakataon para makita kang nagsisisi at nanghihinayang sa pagmamahal na ibinigay ko sa iyo. Humanda ka... Maagang nagising si Audrey kinabukasan. O mas tamang sabihing maaga siyang bumangon. Bigla kasi siyang naging insomniac. Hindi siya nakatulog nang maayos nang nagdaang gabi. Shocked pa rin siya. Nahihirapan pa rin siyang isiping si Adonis ay mistulang prinsepeng nawala. Imagine,nagiisang tagapagmana pala ito ng mga Araneta. Ang ibig sabihin niyon ay magkakasama sila sa iisang bubong. At araw araw na magkikita. Akalain ko bang si Adonis ay si Joaquin Paolo Araneta. Nakatayo siya sa malaking veranda habang pinupuno ng pang-umagang hangin ang dibdib. "Mukhang ang aga aga ay ang lalim ng iniisip mo?" Napapitlag siya pagkarinig sa baritonong tinig na iyon. Napakalalim marahil ng kanyang iniisip dahil hindi niya namalayang palapit sa kanya si Adonis. Mukhang kagigising lamang nito. Kagigising, and yet he looked gorgeous. Ito pa rin ang pinakaguwapong lalaking nakita niya kahit bagong gising at magulo ang buhok. "As I look at it, mukhang hindi mo masyadong dinamdam ang pagkawala ng husband mo." Lihim na nagngitngit ang kalooban niya. Ang aga aga naman nitong mambuwiset, sa loob loob niya. "Iyon ang akala mo. Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Kailangan ko pa bang ipakita sa iyong umiiyak ako sa harap ng puntod niya? Besides, hindi naman sa dami ng luha nakikita ang pagdadalamhati ng isang tao." "So, gusto mong maniwala akong minahal mo talaga si Wacky or Ernest?" Sinalubong niya ang tingin nito. Ipinakita niya rito ang kanyang galit sa puso. "Ano bang pakialam mo kung minahal ko siya o hindi? Alam ko naman kung anong gusto mong palabasin eh. Na nagpakasal lang ako kay Wacky dahil isa siyang Araneta." "Hindi nga ba?" "Well, sorry to disappoint you. Kilala mo ako Adonis. Hindi ako mukhang pera." "That's what I thought. That's what you made me to believe you were," panunumbat nito. "Dahil iyon naman talaga ako. At wala kang karapatang manumbat dahil---" Naputol ang sinasabi niya nang sumungaw si JM kasama ng yaya nito. "Mommy, di ba you promise me na pupunta tayo sa mall to buy a new toy computer?" "Ah, oo nga pala," sabi niya. "Say goodmorning first to your Tito Adonis." "Goodmorning Tito Adonis." Humalik ang bata sa pisngi nito. "Goodmorning," ganting bati naman ni Adonis matapos yumuko nito para maabot ni JM ang pisngi nito. Saka nito masuyong ginulo ang buhok ng paslit. "So, pupunta pala kayo sa mall ng mommy mo?" "Yes Tito." Sagot ng bata. "Gusto niyo bang sumabay sakin?" Tumingala si JM sa mommy nito upang humingi ng pahintulot. "Pupunta rin kasi ako sa mall. Sasamahan kong magshopping ang Tita Jackie mo," sabi pa ni Adonis. Biglang kumunot ang noo niya pagkarinig sa pangalan ni Jackie. "Huwag na anak, makakaabala pa tayo sa date ng Tito Adonis mo." Akay ang bata ay tinalikuran na nila si Adonis. Parang biglang nasira ang araw niya nang malamang si Jackie ang makakasama nito sa araw na yun. Pagkatapos pala ng reunion nila ay nagkamabutihan na ang dalawa. Mukhang sila na ng Girrafe na yun. Girrafe ang tawag niya kay Jackie dahil mahaba ang leeg nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD