Chapter 4

828 Words
Hindi na alam ni Audrey kung paano siya kikilos sa Mansion. Pakiramdam niya ay hindi na siya komportable dahil sa presensya ni Adonis. Nang araw na iyon, dahil linggo naman. Maghapon silang namasyal ni JM kasama ang yaya nito. Pagkatapos niya itong ibili ng bagong laruang computer ay dinala niya ito sa ice skating rink sa Mega Mall. Mahigit isang oras din sila doon. Nanood din sila ng sine, kumain at naglaro sa kiddie plaza. Siniguro niyang gabi na silang makakabalik ng Mansion. Hindi niya karaniwang ginagawa yun, pero ginawa niya dahil gusto niyang umiwas kay Adonis. Nabubuhay kasi ang sakit ng ginawa nito sa kanya sa tuwing makikita niya ito. Pasado alas otso na ng gabi nang makarating sila sa Mansion. Tamang tama naman na nagdidinner ang mag-anak. "Oh iha, tamang tama ang dating niyo," bati sa kanya ng Senyora. Naroon si Adonis. Pero ang ikinagulat niya ay naroon si Jackie na katabi ng binata. "Hi Audrey." Ito pa ang unang bumati sa kanya. "Halika na iha," anyaya ng Senyor. Naroon din ang kapatid ng Senyora na si Tito Oscar. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito sa pagitan ng pagkain. Ano naman kaya ang ginagawa ni Jackie dito? Seryoso na ba si Adonis dito kaya ipinakilala na sa mga magulang? "Inaantok na po kasi si JM, ma, pa. Patutulugin ko po muna. Napagod po kasi sa pamamasyal. Excuse me po." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya habang akay si JM. Mabuti na lang at naroon ang bata. Nagamit niya itong excuse para makaiwas kay Adonis at sa mga sitwasyong hindi niya gusto. Alas onse na ng gabi nang lumabas siya sa kuwarto ni JM. Naging abala siya sa pakikipaglaro dito gamit ang bago nitong laruan. Idagdag pang ayaw muna talaga niyang bumaba. Hindi niya gustong makita si Adonis at ang babaeng girrafe na yun. Pumangit na ba ang taste niya at pati ang girrafe na yun pinatulan niya? Matapos magshower ay dumungaw siya sa veranda. Gawi na niya iyon bago matulog. Kapag ganoong may malamin siyang iniisip ay tumatambay lamang siya roon. Nakaluluwag sa dibdib niya ang malakas na hangin. Tiningala niya ang kalangitan. Maliwanag iyon dahil sa bilog na bilog ang buwan. Pero nang may marinig siyang kaluskos na nagmumula sa baba ay agad na napadako ang tingin niya roon. Ang Lexus agad ni Adonis ang una niyang nakita. At nanlaki ang kanyang mga mata sa natanaw niyang tagpo. Nasa labas pa ng Lexus si Adonis at Jackie. Nakasandal ang babae sa sasakyan habang nakapulupot ang dalawang kamay nito sa batok ni Adonis. Nasa baywang naman ni Jackie ang kamay ng binata at halos magkadikit na ang mga mukha ng dalawa. Napaka romantic naman ng scene. Pero bakit naman of all places ay dito pa naglalampungan ang dalawang ito? Baka balak pang mag-exhibition ng mga ito. Pakiramdam niya ay nagsikip ang kanyang sibdib. Agad siyang humakbang paatras. Shit! Halos takbuhin niya ang silid ni JM. Tumabi siya sa batang mahimbing ng natutulog. Kung hindi lang dahil sayo, hindi na ako tatagal sa bahay na ito. Bulong niya sa sarili. Naihatid na ni Adonis si Jackie sa condo nito. Ilang oras din siyang nagtagal doon dahil na rin sa imbitasyon ng dalaga. Dalaga pa rin pala ito sa edad na beinte-nuwebe. At ayon dito ay siya ang talagang hinihintay nito kung kayat hindi pa nag-aasawa. Pero umamin itong ilang boyfriends na rin ang nabilang nito. They have s*x. At natuklasan niyang wala itong inhibition pagdating sa s*x. She was a very liberated woman. Alas dos na ng madaling araw nang nakabalik siya sa Mansion. Hindi na niya inaasahang may gising pa maliban sa boy na nagbukas ng gate. Napatigil siya nang dumaan sa silid ni Audrey. May kung anong puwersang tila pumigil sa paghakbang niya. Nakiramdam siya sa loob niyon habang nakatingin sa nakasarang pinto. Napabuntong hininga siya nang maglaro sa kanyang isipan kung paanong naging saksi ang silid na iyon sa mga gabing inaangkin ni Wacky si Audrey. Kahit siya ang mahal ni Audrey ay nagawa nitong ipagkaloob ang sarili kay Wacky, kapalit ng marangyang buhay na kayang ibigay ng lalaki rito. Inis na humakbang na siya patungo sa silid niya. Pero hindi pa man siya nakakalayo nang biglang bumukas ang isa pang pinto. Si Audrey ang lumabas roon. Nagulat pa ito nang makita siya. Nagkatinginan sila. Si Adonis ang unang nakabawi. "Bakit gising ka pa?" "Nakaidlip ako sa kuwarto ni JM. Hindi na ulit ako dalawin ng antok.. kaya lilipat na lang ako sa kuwarto ko para magtrabaho na lang. Magtitimpla lang ako ng coffee ko, excuse me." Dumiretso na siya sa kanyang silid. Pagdating niya sa tapat ng pinto niyon ay muli siyang huminto. "Audrey..." Tawag niya nang muli niya itong lingunin. Nakakailang hakbang pa lamang ito. Huminto naman ang dalaga at nilingon siya. "Igawa mo rin ako ng kape. Dalhin mo rito sa kuwarto ko. Make it black." Nakita niyang kumunot ang noo ng dalaga. Pero pumasok na siya sa loob ng silid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD