Chapter 1

1398 Words
Daig pa ni Audrey ang tinamaan ng kidlat. Napaawang ang mga labi niya at hindi na siya nakakilos sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Ganoon ba talaga magbiro ang tadhana? Sa dami ng maaaring maging Joaquin Araneta ay bakit si Adonis pa? No! Hiyaw ng isip niya. This is not true. Ginugoodtime lang nila ako! "Iha, siya si Joaquin. Ang anak naming sa maraming taon ay nawalay sa amin. Who would imagine na pagkalipas ng mahabang panahon ay maibabalik pa siya sa amin." Halatang overwhelmed sa kaligayahan si Senora Ofelia. Samantalang siya ay daig pa ang natuka ng ahas sa natuklasan. Hindi pa rin siya makakibo dahil wala siyang maisip na sabihin. Tila nagising lamang siya nang iabot ni Adonis ang isang kamay nito upang makipag shake hands. "How are you doin', Audrey?" Nakangiti pang tanong nito na para bang walang anumang namagitan sa kanila at tila natutuwa pa sa nakikitang pagkabigla ng dalaga. "Iha? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Senyora Ofelia. "Maybe she just finds me utterly handsome ma," pabirong sabi ni Adonis. Nakuha pa nitong magbiro sa gitna ng pagkabigla niya. Kinuha nito ang palad niya nang hindi siya kumilos para makipagkamay rito. Naramdaman niya ang mahigpit na pagkulong at pagpisil nito sa kanyang kamay. Parang pumaso sa kanya ang init ng palad nito. Pakiramdam niya ay may mensaheng gustong ihatid sa kanya ang ginawa nito. Akma na niyang babawiin ang kamay ngunit hindi agad nito iyon pinakawalan. "It seems you know him," pansin ni senyora ofelia. "Yes mama," si Adonis na ang sumagot sa pagtataka ng ginang. "This is indeed a small world. Magkatabi lang ang mga bayan namin at pareho kami ng university na pinasukan. In fact, we just had our reunion last week." "Really? What a coincidence," manghang reaksyon ni Senyora Ofelia. "Sino ang magaakalang alam pala ni Audrey kung nasaan ka?" Noon lamang pinakawalan ni Adonis ang kamay niya. Nakahinga siya ng maluwag. "But ofcourse, wala siyang alam na ako si Joaquin Araneta mama." "Kunsabagay..." "Kung alam lang natin eh, di hindi na sana natin kailangang hanapin si Joaquin," sabad ni Senyor Rizaldo. "Alam mo ba kung saan namin siya natagpuan iha?" Tanong ni senyora Ofelia. "Sa Villa Royale Island iha, Akala nga namin ay hindi nanamin siya makikita dahil nang matrace namin ang pamilya ni Alejandro Sevilla ay nalaman naming nag-migrate na pala ang pamilya nito sa States. At patay na pala iyo." "Pero si Adonis ay hindi na gaanong nagulat," dugtong ng senyor Rizaldo. "Noong nasa States pala siya at magkasakit si Alejandro Sevilla ay naipagtapat na sa kanya ang totoo. Kaya hindi na siya nabigla nang makita namin siya." Hindi na natagalan ni Audrey ang sitwasyon. Pakiramdam niya ay iginigisa siya sa sariling mantika. Bigla siyang naging uncomfortable. "I-if you'll excuse me, sisilipin ko lang po si JM," pagdadahilan niya. Tumalikod na siya at mabilis na tinalunton ang kinaroroonan ng hagdan. Halos hawiin niya ang mga naraanang bisita. Kung hindi lamang nakakahiya ay tatakbo na siya dahil gusto niyang maglaho sa paningin ni Adonis na alam niyang nagdiriwang ang kalooban dahil sa kabiglaanang ipinakita niya. Pagpasok niya sa silid ay agad niya iyong isinara at sumandal sa pinto. Hindi pa rin siya makapaniwala. God totoo ba ito? All these years, akalain ba niyang ang tunay na Joaquin Araneta ay matagal na niyang kilala at nagkataon pang unang lalaking minahal niya? To think na kaya ito lumayo ay para palaguin nito ang pamumuhay. Iyon pala, ito ang nagiisang tagapagmana ng mag-asawang Araneta. Hindi na pala ito dapat lumayo noon. Hindi na sana sila nagkalayo at nagkahiwalay. Nilait siya ni nanay noon. Kung alam lang siguro ni nanay kung sino siyang talaga... Pero nakakahiya... Ngunit minahal niya si Adonis kahit hindi pa niya alam na ito ang tunay na Joaquin Araneta. Minahal niya ito bilang si Adonis Sevilla. Matutuwa ba siya sa pangyayaring iyon? Ewan. Hindi niya yata makukuhang magsaya nang lubusan dahil alam niyang hindi na siya magiging kasalo ni Adonis sa pagharap nito sa magandang pangyayari sa buhay nito. Hindi na ito ang Adonis na kasama niyang nangarap noon at pinagbigyan niya ng kanyang sarili. Bigla siyang napaahon mula sa kinauupuan. Lumapit siya sa bintana at tinanaw ang ilan pang bisitang dumarating. Ang ibig sabihin ay magkakasama kami sa mansion na ito. Natampal niya ang sariling noo. Oh my god! Ano ba ang plano niyo sa amin at pinaglalapit niyo kami ulit sa ganitong paraan? Batid niyang maling kuwestyunin ang Diyos. Pero ngayon pa lamang ay hindi na niya alam ang susunod na gagawin lalo na at hindi maganda ang naging bunga ng muli nilang pagkikita ni Adonis sa kanilang reunion. "Bakit hindi na bumaba si Audrey mama?" Tanong ni Adonis sa ina. Gusto niyang matawa sa naging reaksyon nito kanina. Inaasahan na niya iyon. Alam niyang kaya ito tumalikod at umakyat sa itaas ay para maitago sa kanya ang gulat na reaksyon nito. "Baka naglambing nanaman si JM," sagot ng kanyang ina sa tanong niya. "She's like a real mother to JM iho." "Really?" She's like a real mother to JM. Hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdaming nakiraan sa puso niya nang malaman kung paano itinuring ni Audrey na parang tunay na anak ni Wacky. Iisa lamang ang ibig sabihin niyon: minahal na rin ni Audrey si Wacky. "Pero gusto mo bang ipatawag ko siya iho?" "Yes please ma, dapat lang na kasalo natin siya sa celebration na ito dahil member na rin siya ng pamilya." "Kunsabagay..." Tinawag nito ang mayordoma at muling ipinatawag si Audrey. Napangiti siya. Gusto ulit niyang makita ang reaksyon nito. Mayamaya ay natanaw na niya itong pababa ng hagdan. "May I have your attention please," sabi ni senyor Rizaldo na kinuha ang microphone at tumayo sa unang baitang ng spiral grand staircase. "I'm happy to have you all here with us, salamat at hinayaan ninyong mai-share namin sa inyo ang kaligayahan namin sa napakagandang pangyayaring ito sa buhay namin." "Who would think that after twenty nine years, our kidnapped son... Our lost Joaquin Paolo Araneta would be back in our arms?" Biglang naging emosyonal ang kanyang ama nang lingunin at ituro siya. Tumahimik ang lahat at matamang nakinig sa kanyang ama. "But gods hands moved to bring him back to us," patuloy nito. "We raised a boy into a good man because we believed that he was our son Wacky. But we have no regrets. Minahal namin si Wacky or Ernest Villavicencio like our own blood. At hindi naman kami nabigo dahil sinuklian niya ng pagmamahal ang mga ginawa namin sa kanya. Maybe because he believe na kami nga ang parents niya. Then we lost him. Pero muli kaming pinaligaya dahil narito na ang tunay na Joaquin Araneta. Napuno ng masibagong palakpakan ang maluwag na sala ng mansion. Nagpatuloy ang palakpakan nang si Adonis naman ang magsalita. "Thank god I'm with you tonight. And thank god I'm back with my real family," panimula niya. "Twenty nine long years...at napakarami nang nangyari sa buhay ko. Kinailangan ko pang magpunga sa States para makipagsapalaran at hanapin ang mas magandang future. And I did it dahil nilait ako ng ina ng babaeng una kong minahal." Sumulyap siya sa kinaroroonan ni Audrey. Kitang kita niya ng magbaba ito ng tingin. "I hade to make some sacrifices para lang patunayan ang sarili ko." "Now iho puwede mo nang balikan ang ina ng babaeng minahal mo na lumait sayo noon," sabad ng kapatid ng kanyang ina na si Tito Oscar. Nang muli niyang lingunin si Audrey ay napansin niyang tumalikod ito at tinungo ang French door na tumatagos patungo sa hardin. Pinasasaringan ba niya ko? Masama ang loob na tanong ni Audrey sa isip. Lumabas siya at nagpahangin muna sa hardin dahil hindi niya matagalan ang panunumbat na tingin ni Adonis sa kanya. Para na rin nitong pinaliwanag kung bakit ito nagbago. Malalim ang sama ng loob nito sa nanay niya. At hindi niya alam iyon. Gusto niyang isipin na baka iyon ang dahilan ng pagbabago nito. Pero bakit idinamay niya ako sa galit niya kay nanay? Alam naman niyang minahal ko siya sa pagiging Adonis Sevilla niya. Hindi niya matanggap na ang panlalait ni nanay ang naging dahilan ng pagbabago ni Adonis at ng hindi nito pagtupad sa pangako sa kanya. Ang sabihin niya, hindi niya kayang maging faithful. At wala pa rin siyang karapatang sumbatan ako dahil siya ang unang tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD