Chapter 5

1440 Words
Mistulang ipinako sa kinatatayuan si Audrey. Tama ba iyong narinig niya? Inuutusan siya ni Adonis na ipagtimpla ito ng kape? Ano bang akala niya na papel ko sa Mansion katulong? At wala man lang please, akala mo kung sinong herodes kung mag-utos. Ganoon na ba kaliit ang tingin nito sa kanya? Naiinis man ay ipinagtimpla na rin niya ito ng kape. Ngunit nagdadalawang isip siya kung ihahatid iyon sa silid ni Adonis. Pero wala pang gising na katulong na puwede niyang utusan kayat wala siyang pagpipilian kundi siya mismo ang maghatid ng kape sa silid nito. Nag-alangan siyang kumatok pagtapat niya sa pinto niyon. Kinailangan niya pang magipon ng lakas ng loob bago niya magawa iyon. "Come in," narinig niyang sabi nito mula sa loob. Marahan niyang itinulak ang pinto. At muntik pang lumigwak ang tasa ng kape sa tray na dala niya nang makita ang ayos ni Adonis. Nasa loob ito ng bathroom na nakabukas ang pinto. Nagseshave ito. Nakaboxer lamang ito. Nagulat siya ng bigla itong humarap sa kanya. Nagpa-practice ba ito ng pagmomodelo ng mens underwear? Hindi na tuloy siya natinag sa kinatatayuan sa bungad ng pintuan. "He-heto na ang kape mo..." Kinailangan niyang magkunwari na walang epekto sa kanya ang ayos nito. Hindi naman na iyon bago sa kanya. She had seen his nakedness. But that was before. Pero bakit ganoon? Parang may kung anong nagpainit sa dugo niya nang muling masilayan ang halos hubad nitong katawan? "Why dont you come in? Ipatong mo na lang diyan sa night table ang kape," utos nito. Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Bakit hindi na lang niya kunin sa akin ang tray? Pinalalapit pa ko sa kama. Ganoon pa man ay sinunod pa rin niya ang sinabi nito. Ngunit ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya habang hawak ang tray. Kung ano man ang pinaplano mo Adonis, huwag ka nang magkamaling ituloy. Bulong ng dalaga. "You look like a scared rat. Mukhang nanginginig ka pa. Malakas ba ang aircon para manginig ka?" Parang nanunukso pa ang ngiti nito habang humahakbang palapit sa kanya. Nang mag-angat siya ng mukha ay nasalubong ng kanyang mga mata ang nakatutulirong titig nito. Hindi niya alam kung sinadya nitong papungayin ang mga mata, o talagang nagtataglay ito ng mga matang tila lumulusaw sa katinuan ng sinumang babae? Kinabahan siya nang lalo itong lumapit sa kanya. At hindi lamang ang masculine scent ng aftershave lotion nito ang nalalanghap niya.. kundi ang panganib sa pinaplano nitong gawin. "Bakit ako matatakot sayo? Your not a stranger, saka alam ko namang hindi ka mapanganib na tao." sabi ni Audrey matapos patatagin ang anyo. Hindi siya papayag na magmukhang dagang nasukol ng malaking pusa. Pagkuwan ay pumihit na siya para lumabas ng silid na iyon. Ngunit iniharang ni Adonis ang mascular body nito sa kanyang daraanan. "Nagkakamali ka Audrey, hindi na ako ang dating Adonis na kilala mo. May pangil na ako ngayon, and I'm dangerous man.. As dangerous as I've never been before." Nakakaloko ang niting nakaguhit sa mga labi nito habang palapit sa kanya. "Gusto mong subukan?" Napaatras siya hanggang sa bumangga na siya sa edge ng kama. Napaupo siya sa gilid niyon. At lalo siyang kinabahan. Alam niyang lalo siyang nagmukhang takot kay Adonis. Pero bakit ba siya matatakot? She had given herself to him. Subalit iba na ang sitwasyon nila ngayon. At lalong iba na ito ngayon sa Adonis na kilala niya noon. "Puwede ba Adonis? Kung kailangan mo ng babaeng mapaglalaruan, huwag ako. Bakit hindi ang girrafe na yun ang paglaruan mo?" "Girrafe?" Natatawang reaksyon nito. "Hindi mo alam na may lahing girrafe ang kasama mo kanina?" Habang sinasabi niya iyon ay tumayo siya sa pagkakaupo sa kama upang umiwas dito. Ngunit muli itong humarang sa daraanan niya. "Puwede bang palabasin mo ko ng kwartong ito Adonis.? Nalaman mo lang na isa kang Araneta nakalimutan mo na ang salitang respeto." Naglaho ang nakakalokong ngiti ni Adonis. Pumormal ang mukha nito. Sinamantala ito ng dalaga at nagmamadaling lumabas ng silid. Halos maiyak siya sa inis. Hindi ganoon ang inaasahan niya mula rito, kundi ang paliwanag nito at paghingi ng tawad sa ginawa nito sa kanya. Kahit madaling araw nang natulog ay maaga pa ring nagising si Audrey. Nang maraanan niya ang picture ni Wacky na nakasabit sa dingding sa hallway ng second floor at mapansing maalikabok na iyon ay siya ang personal na naglinis niyon. Tutal ay maaga pa para pumasok sa opisina. Naraanan siya ni Adonis habang pinupunasan at tinititigan niya ang picture frame. Nagkunwari siyang hindi ito napansin bagama't sa sulok ng kanyang mga mata ay napansin niya ang paglapit nito. Kahit na nang huminto ito sa tapat niya ay hindi pa rin niya ito tinapunan ng tingin. Hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito kaninang madaling araw. "Ang suwerte naman ng picture na yan. Picture na lang inaalagaan pa." Patutsada nito. Hindi pa rin niya ito pinansin. Nanatili siyang nakatalikod dito. Tuloy lamang siya sa pagpupunas ng picture frame. Pero kahit alam niyang isang talampakan ang layo nito sa kanya, pakiramdam niya ay malapit na malapit ito. Gusto niyang mapasinghap sa pamilyar na masculine frangrance nito.Ngunit tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Nagseselos ba ito sa alaala ni Wacky? "Ganyan din kaya ang ginawa mo sa picture ko?" Patuloy nito habang nakatayo sa likuran niya. "Hindi ka pa naman patay ah," sagot niyang hindi pa rin ito nililingon. Narinig niya ang bahaw na tawa nito. "O pinabayaan mo na lang kainin ng ipis ang mga pictures ko." Naramdaman niyang lumapit pa ito sa kanya. She stiffened. Natakot siyang tuluyan na itong dumikit sa kanya. Inis na napabuga siya ng hininga. Mukhang inaakusahan nanaman siya ni Adonis na mas minahal niya si Wacky dahil sa pagiging billionaire's son nito. Hindi na niya pinatulan ang pangungutya nito. Itinikom na lamang niya ang bibig sa halip na sabihin niya ritong hindi niya minahal si Wacky katulad ng pagmamahal niya rito at totoong dahilan ng pagpapakasal niya rito. Wala akong dapat iexplain sayo. Besides, mainam ng isipin mong mas minahal ko nga si Wacky. Para maipamukha ko sayong you're not worth the love I gave to you. Bulong sa isip niya. "Mabuti naman at gising ka pa kaninang madaling araw. May nautusan akong gumawa ng kape ko. Salamat nga pala ha." Anitong pakiramdam niya ay nagpapapansin lamang. Wala naman sa tono nito ang sineridad ng pasasalamat. Alam naman niyang gusto lamang siya nitong itorture emotionally kaya siya inutusan nitong magtimpla ng kape. Napatigil siya sa ginagawa. His presence was really disturbing. Para bang nabuhay ang dati niyang crush dito when she was in high school at ito ang crowd favorite sa mga interschool basketball games. Nilingon niya ito. He was wearing a gray suit. Mukhang may formal affair itong pupuntahan. He was utterly handsome. At sa kabila ng mga nangyari sa kanila ay gusto pa rin niyang mapabuntong hininga sa tuwing nakikita ito, lalo na sa mga ganitong porma nito. Perfect itong magdala ng sarili. Noon niya naunawaan kung bakit marangal itong tingnan kahit sa simpleng porma. Isa pala itong Araneta. "Gusto ko lang ipaalala sayong hindi ako maid dito." Nakairap na sabi niya. "Oo nga pala," sabi ni Adonis. Mukhang in the mood nanaman itong iprovoke siya. "Ikaw nga pala ang naiwang asawa ni Wacky. Mabait din sila mama ano? Kahit wala na si Wacky, itinuring ka pa rin nilang kapamilya. At hindi ka pinaalis dito sa Mansion." "Yes, napakabait ng parents mo. Itinuring na nila akong pamilya. Pero huwag mong isipin na isinisiksik ko ang sarili dito. Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos ng libing ni Wacky. Pero nakiusap silang huwag akong umalis alang-ala kay JM. Pero kung gusto mo na kong paalisin dito, ok lang. Bahay mo to, may karapatan kang paalisin ang mga taong ayaw mo nang makita." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Ngunit bago pa siya makailang hakbang ay naramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. "Hindi naman ako kasinsama ng ugali ng nanay mo. Hindi kita pinaaalis dito. Mukha ngang nahulog na ang loob sayo ni mama at papa. Kunsabagay, you have that magic charm na parang totoo." "Anong parang totoo? Anong gusto mong palabasin? Na hindi ako sincere sa pagturing na pamilya sa parents mo?" "Hindi ako ang maysabi niyan Audrey." "Mayabang ka na talaga". Marahas niyang binawi ang kanyang kamay na hawak nito. Hindi pagbabangayan ang inaasahan niya sa muli nilang pagkikita. Madami siyang gustong itanong kung anong nangyari sa kanilang nakaraan. Kung bakit humantong sila sa hiwalayan. Ngunit hindi iyon ang nangyayari. Marahil ay hindi pa iyon ang tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa kinahantungan ng kanilang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD