Chapter 9

894 Words
"Audrey...? Okay ka lang?" Narinig niyang tanong na nabosesan niyang si Mila, isa sa staff niya. Nagaalalang nilapitan siya nito, kasunod si Lucy. Inabutan siya nito ng tissue paper. Kinuha niya iyon at pinahid ang kanyang mga luha bago siya nag-angat ng mukha. Inayos niya ang sarili. "Okay na ko, thank you." "What happened? Pinagalitan ka ba ni boss?" Tanong ni Lucy. Tumango siya. "Medyo." "Strikto pala si Boss Adonis, nakakatakot." Sabi ni Lucy. "Hindi, kasalanan ko naman eh," agad niyang sabi. Ang gaga ko. Nakuha ko pang ipagtanggol ang unggoy na yun. Marahil ay dahil kilala niya si Adonis noon na malayo na sa Adonis na nakikita niya ngayon. "Aalis na talaga ako ng mansion ate Marge. Ayoko na." Ibinuhos ni Audrey ang lahat ng sama ng loob niya sa kanyang pinsan. Niyaya niya itong kumain sa labas malapit sa Araneta Tower para makapag-usap sila ng maayos sa pagitan ng kanilang lunch break. "Sa tingin ko nga, hindi na kayo nararapat na magkasama sa iisang bubong." Sang-ayon ni Marge matapos uminom ng soda. "Pero ang ipinagtataka ko ay bakit hostile siya sayo as if ikaw yung may malaking kasalanan sa kanya?" "Parang alam ko na ate Marge. Base sa mga salita niya kanina, parang galit siya sa pagpapakasal ko kay Wacky. Nakita mo sana yung galit sa mukha niya kapag binabanggit ko si Wacky. Iniisip niya siguro na ipinagpalit ko siya kay Wacky dahil sa pagiging Araneta nito." "Most probably, mukhang ganun na nga. Pero siya naman ang unang bumitiw sa relasyon niyo hindi ba?" "Iyon din ang ipinagtataka ko ate Marge." "Don't you think na madami kayong dapat pag-usapan? Tungkol sa nakaraan niyo? "Paano ko gagawin yun? Parang hindi ko na siya maabot. Saka alangan namang ako ang magsimula. Siya ang may kasalan, siya dapat ang mauna. Besides, baka isipin niya pa na naghahabol pa ko sa kanya kaya gusto kong pag-usapan ang nakaraan namin." "That's foolish pride,"naiiling nitong reaksyon habang nilalantakan ang sundaenna dessert nila. "Basta, nakapagdecide na ko. Magpapaalam na ko kina mama ata papa mamayang gabi." Determinadong sabi niya. Palabas na sila ng restaurant nang may makita siyang nagpatigil sa kanyang paghakbang. "Si Adonis, ate Marge." Aniya ng sikuhin ang pinsan. Kabababa lamang nito sa Lexus. At inaalalayan na bumaba...si Jackie. Hindi niya inalisan ng tingin ang dalawa. Akbay pa ni Adonis ang babaeng "Girrafe", hanggang sa pumasok ang mga ito sa isang Chinese restaurant na katapat lamang ng kinainan nilang restaurant. "Nakita mo na ate Marge? Paano pa kaminh mag-uusap tungkol sa nakaraan namin kung palagi niyang kasama ang babaeng girrafe na yon? Nanggigigil na sabi niya. "Sila na ba talaga?" "Sila na. Naroon sa mansion ang girrafe na yan noong isang gabi." "Akala ko ba'y ipinagpalit ka ni Adonis na nakilala niya sa New York?" "Iyon din ang akala ko eh. Matatanggap ko pa yun. Pero kung yang girrafe lang pala ang ipinalit niya sakin, hindi ko matanggap. Halika na nga ate Marge." Halos hilahin na niya ito patawid. Nakita niyang natatawa ang pinsan habang hila-hila niya ito." Anong nakakatawa?" "Natatawa kasi ako sa ekspresyon ng mukha mo nang makita mo si Adonis kasama ang Jackie na yun. Namumula ka sa galit. Selos yan Audrey, matinding selos, mahal mo pa rin si Adonis." (Mansion) "Gusto mo nang umalis dito sa mansion Audrey? Agad na rumehistro sa senyora ang pagtutol nang magpaalam siya rito. Nasa garden ang Senyora Ofelia malapit sa poolside nang lapitan niya ito para magpaalam. Ayaw rin sana niyang gawin iyon ngunit alam niyang walang idudulot na mabuti sa kanya kung patuloy silang magsasama ni Adonis sa iisang bubong. Hindi na niya matatagalan ang mga pang-iinsulto nito sa pagkatao niya. "Pero bakit iha? May problema ka ba sa mansion?" Ibinaba nito ang magazine na binabasa at tumingin kay Audrey. "Wla ho, mama. In fact, I consider myself lucky dahil naging bahagi ako ng mansion at ng pamilyang ito. Kaya lang ho..." "Kaya lang?" "Naisip ko lang po na dapat na siguro akong magkaroon ng sarili kong buhay. I mean, wala na ho si Wacky. Bakit kailangan ko pang magstay rito?" "Dahil itinuring ka na naming pamilya iha." "Itinuring ko na rin ho kayong pamilya, mama. Pero gusto ko rin pong gumawa ng sarili kong buhay at hanapin ang sarili ko pagkatapos ng buhay ko with Wacky, madalas ko lang ho siyang naaalala kapag narito ako." Natahimik si Senyora Ofelia. Pero lalong nalungkot ang mukha nito. Kinuha nito ang isang kamay niyang nasa ibabaw ng table. "Ewan ko ba kung bakit minahal kana naming parang tunay na anak iha. Siguro, dahil nakita naming minahal mo talaga si Wacky at maging kami ng papa mo. Alam kong wala akong karapatang pigilan ka iha. But still, magbabakasali pa rin akong mapipigil kita. Si JM kasi ang inaalala ko." "Inaalala ko rin siya ma, pero hindi ko naman po siya puwedeng angkinin. Napag-isipan ko na ho ang solusyon diyan. Dadalawin ko na lang ho siya rito once a week o ilalabas ko siya para ipasyal. Tulungan niyo rin po sana akong magpaliwanag mama." Bakit kailangan mo pang dalawin si JM kung puwede mo naman siyang makasama?" Nagulat siya pagkarinig sa boses na iyon ni Adonis mula sa kanyang likuran. Nakatalikod siya rito kaya hindi niya napansin ang pagdating nito. Lumingon siya. He was wearing shorts, at may nakasampay na towel sa balikat nito. Mukhang plano nitong magswimming sa pool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD