Chapter 8

962 Words
Kinabukasan, maagang umalis ng Mansion si Audrey dahil iniiwasan niya na magkasabay sila ni Adonis sa pagpasok sa opisina. Nakasandal siya sa swivel chair at may hawak na sign pen habang nag-iisip. Mayamaya ay tumunog ang intercom. "Audrey, come to my office now. I have to talk to you." Si Adonis yun. Parang galit ang boses nito. Naalarma siya. Bakit siya ipinatatawag sa opisina nito? Tungkol kaya sa trabaho ang pag-uusapan nila? Inayos niya ang sarili at bumuntong hininga bago lumabas ng kanyang opisina. Saka siya nagpunta sa opisina ni Adonis. "Bakit mo ko pinatawag?" Bungad niya nang itulak ang pinto ng opisina nito. Hindi niya ine-expect na maaga itong papasok. "Yes, come in." Pormal na pormal ang ekspresyon ng mukha nito habang nakaupo sa swivel chair at nakalapat ang likod sa sandalan. Pumasok siya sa loob at humakbang palapit sa mesa nito. "Baka nakakalimutan mong ako ang boss mo Audrey." Nagsalubong ang kilay niya sa mga sinabi nito. "Kapag narito tayo sa opisina, you should address me properly. Hindi mo ko dapat tinatawag by my first name. Huwag ka nang mag-ilusyong pareho pa rin ang sitwasyon natin tulad noon na were intimate at puwede mo kong tawagin sa paraang gusto mo." Napalunok siya. Para siyang binatukan sa sinabi nito. Ipinatawag lang ba siya nito para ipamukha sa kanya ang posisyon? "Iyon lang ba.. Sir? Agad siyang nagbaba ng tingin. Ayaw niyang makipagtitigan dito. Hindi dahil tanggap niya na mas mababa siya rito, kundi dahil nasasaktan siya sa ginagawa nito sa kanya. Noong isang araw ay pinagmukha siya nitong katulong at parang pinaglalaruan. Ngayon ininsulto naman siya nito. "That's it," sabi ni Adonis. Tila nasiyahan ito sa reaksyon ni Audrey. "Babalik na po ako sa opisina ko, Sir" "Im not done Audrey, so stay." Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang sinabi ni Adonis. "Kahapon, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo." Nag-angat siya ng mukha, at sa pagkakataong iyon ay sinalubong na niya ang mabalasik na tingin nito. "Wala akong alam na ginawa kong mali, Ado-Sir. Ikaw nga ang may kasalanan eh. Pinaghintay mo ang lahat. Hiyang hiya ako sa staff ng Pipol. Muntik na nga silang magbackout nang malaman nilang nauna ka pang nagpa-interview sa staff ng Goodmorning People. Sa kanila ka unang nagcommit ng interview." "Ikaw lang ang nakipag-usap sa kanila hindi ba?" "Pero sinabi ko iyon sayo at pumayag ka." Agad na sagot ni Audrey. "Naunang tumawag at humingi ng appointment sa akin ang kabilang programa. Pumayag ako." "Bakit hindi mo sinabi sakin? Napahiya tuloy ako sa mga nakausap ko." Pareho nang mataas ang boses nila. "Anong karapatan mong mag-ayos ng appointment ko? Secretary ba kita? O baka naman feeling mo may karapatan ka pa rin sa buhay ko? Let me remind mo Audrey, matagal na tayong tapos." Gustong magsikip ng kanyang dibdib dahil sa mga sinabi nito. Ngunit chin-up pa rin siya kahit tumaas baba ang dibdib niya sa pagpipigil ng kanyang emosyon "Wala ka nang sasabihin? Sir?" Mariing tanong niya, lalo na salitang "Sir". "Meron pa," umahon ito mula sa swivel chair. Tuwid na nakatuon sa kanya ang nanlilisik na mga mata nito at magkasalubong ang kilay. "As I was saying, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kahapon. Partikular na ang sinabi mo about kay Wacky." Bigla niyang naalala ang reakayon ng mukha nito nang magsalita siya sa microphone at hiningi sa mga empleyado ang patuloy na pagrespeto kay Wacky sa kabila ng katotohanang hindi pala ito ang dapat namuno sa kompanya ng mga Araneta. "Wala akong makitang masama sa ginawa ko. Tama lang na bigyan pa rin ng respeto ng mga empleyado si Wacky. For five years ay naging mabuti siyang boss. Minahal siya ng lahat at naging bahagi ng buhay ng-" "Enough, Audrey." Maigting na putol ni Adonis sa sinasabi niya. "Okey, it's fine with me. Wala akong pakialam sa patuloy na pagrespeto ng mga empleyado sa kanya. Pero hindi ko gusto ang paraan ng pagsasabi mo. Sa harap ko pa talaga na parang gusto mong sabihin sa lahat ng mga empleyado na bigla na lang akong sumulpot dito at hindi dapat irespeto't kilalanin bilang isang Araneta. Malakas ang boses nito na ikinasakit ng pandinig niya. "Are you trying to tell everybody that Wacky is a better man?" Patuloy nito sa mabalasakit na tinig. "O gusto mo lang ipamukha sakin na mas minahal mo siya kesa sakin?" Napatingala siya sa mukha nito dahil sa narinig. At bago pa siya makapagsalita ay may mahinang katok silang narinig. Sumulpot sa bumukas na pinto ang nakangiting si Senyor Rizaldo. Halatang nagulat ito nang makita silang parehong seryoso. "Did I hear it right? Parang malakas ang boses ni Adonis," anitong alanganin pang pumasok. "Nakakaabala ba ako?" "No, Pa." Ani Adonis. "May pinag-uusapan lang kami ni Audrey." "Parang galit ka iho?" "Medyo nag-init lang ang ulo ko dahil sa mga maling reports pa, but it's nothing serious. Alam naman ni Audrey that this is part of our job." "Pasensya ka na Audrey," natatawang sabi ng matanda nang maupo sa silyang kaharap ng kinauupuan niya sa tapat ng desk ni Adonis. "Mukhang mas strikto itong bagong boss natin. Bumawi ka na lang kapag nasa mansyon kayo. Siya naman ang pagalitan mo roon." Pinilit niyang ngumiti para itago rito ang tunay na sitwasyon. "It's ok papa, I know Adonis. Pagdating po talaga sa trabaho, perfectionist siya." "You can go back to your office Audrey," pormal na sabi ng binata. "Thank you." Akala niya ay hindi na niya magagawang iahon ang sarili sa kinauupuan dahil pakiramdam niya ay gumuho ang buo ng Araneta Towers sa kanya sa nararamdaman niyang pamimigat ng dibdib nang mga sandaling iyon. Nagmamadali na siyang lumabas pagkatapos i-excuse ang sarili. I hate you Adonis! Hiyaw ng isip niya. Sobra-sobra na ang sakit na ibinibigay mo sakin. I hate you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD