Chapter 10

851 Words
"Mabuti at narito ka iho. Hindi ko alam kung papayagan ko si Audrey, biglang-bigla ay gusto niyang umalis ng mansion." Naupo si Adonis sa silyang katabi ng kinauupuan ng Senyora Ofelia. "Bakit bigla ang desisyon mong umalis, Audrey?" Ang tsonggo, nagtanong pa! Parang hindi naman niya alam na siya ang dahilan kung bakit gusto kong umalis na lang. Palihim niya itong inirapan. "I don't think I have a place in this house." "At paano si JM? How selfish can you get para hindi isaalang-alang ang damdamin ng bata." "Hindi ko naman siya pababayaan. Kahit hindi ako ang tunay niyang ina ay madalas ko pa rin siyang dadalawin dito." "Biologically and legally, hindi nga ikaw ang mother niya. Pero kasalanan mo na rin kung bakit masyado siyang naging malapit sayo. Ngayong mahal ka na ng bata at wala na ang kanyang ama, saka mo naman siya iiwan?" Natulala siya, sinusumbatan nanaman siya ni Adonis. Pinalalabas nitong napaka-inconsiderate niyang ina-inahan sa isang limang taong gulang na bata. Alam ba nito kung gaaong magiging mahirap din sa kanya ang pag-alis niya ng mansion at pagkakahiwalay niya kay JM? "Hindi ko siya gustong iwan. Kung may karapatan nga lang ako sa kanya ay kukunin ko siya rito. Don't accuse me na parang wala akong pakialam sa damdamin ng bata. Hindi mo alam kung gaano ko kamahal si JM." "Iyon naman pala eh, bakit aalis ka pa?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Senyora ofelia sa kanilang dalawa habang sumisipsip ng juice. "Wait, nag-aaway ba kayong dalawa?" Kunot noong tanong nito. Tila pareho silang napahiya ni Adonis. Nagkatinginan sila, saka siya nagbaba ng tingin. Si Adonis naman ay humingi ng almusal sa isang katulong. "Iha, naiintindihan ko ang katwiran mo, pero may punto si Adonis. Kawawa naman si JM. Kamamatay lang ng daddy niya." "If you really love the child, hindi ka aalis dito." Sabad ng binata. Sa pandinig niya ay isa itong utos na hindi niya puwedeng baliin. Na para bang hindi siya papayag na umalis ng mansion si Audrey. Bakit pinipigilan mo akong unggoy ka? Eh ikaw itong dahilan kung bakit naisip kong umalis ng mansion dito. Gusto niyang sabihin ngunit nagpigil siya dahil baka makahalata ang Senyora sa bangayan nilang dalawa. Saka ano ba talaga ang pinaplano nito sa kanya? Mukhang ang plano lang naman nito ay makipag-iringan sa kanya araw-araw. At paratangan siya sa pagpapakasal niya kay Wacky dahil isa itong millionaire's son. "Audrey...?" Nagtatanong ang tingin ni Senyora Ofelia. "Nakapag-decide na po ako mama. Iniisip ko po kasi, paano kung sakaling mainlove ako ulit? Nakakahiya naman po kung dito pa ako liligawan sa bahay ng dati kong asawa?" Sadya niyang ipinarinig iyon kay Adonis. Sa isang sulok ng kanyang mga mata ay alam niyang mataman itong nakatitig sa kanya at nikikinig nang mabuti sa sinasabi niya. "I hope you understand ma, wala naman hong magbabago sa atin. Regular po akong dadalaw dito. At ako na rin ho ang bahalang kumausap kay JM. Kung papayag po kayo ay hihiramin ko po siya every weekend para sa bahay matulog. Kapag kailangan niya ng presence ng magulang sa school, ako ang aattend." Halata niyang nalungkot ang kanyang biyenan sa kanyang desisyon. Muli nitong ginagap ang kamay niya at pinisil iyon. "I have to respect your decision iha. Your'e entitled to live your own private life. At may karapatan ka rin namang magmahal ulit pagkatapos ni Wacky." Napangiti siya, hindi sinasadyang napatingin siya kay Adonis. Nakasimangot nitong hinarap ang almusal na pinakuha niya sa katulong. "Ning, hindi ba ang sabi ko ayoko ng toasted bread with butter?" Bagamat pinilit nitong maging malambing ang tono ay halatang galit ito. Hindi nga lang niya alam kung sa kanya ba ito galit o sa katulong. "Thank you sa pag-unawa ninyo, mama." Nakangiting sabi nito. Sinadya niyang lakasan ang boses. "Hindi naman ho ibig sabihing pag-alia ko dito ay kalilimutan ko na si Wacky. Kahit na may mahalin pa kong iba, Wacky is always in my heart." "Alam ko naman iyon iha, at dahil kulang na lang sa akin lumabas si Wacky. Nagpapasalamat kami ng papa mo sa pagmamahal na nakita naming ibinigay mo sa kanya nuong nabubuhay pa siya." "Yes mama, minahal ko po si Wacky. Dahil minahal niya rin po ako. And I will treasure the days that we've been together." Sinadya niyang iparinig kay Adonis na minahal at mananatiling espesyal sa kanya si Wacky. Ganti ko yan sa sakit na inihahatid mo sa damdamin ko kapag ipinapakita mo sa akin na magkasama kayo ni Jackie the Giraffe; sa loob-loob niya. "You will remain our daughter-in-law, iha." Sabi pa ni Senyora Ofelia. "Alam mo bang mula nang maging member ka ng pamilyang ito, natupad ang pangarap kong magkaroon ng anak na babae?" "Don't worry mama." Sabad ni Adonis. "Hindi naman magtatagal at magkakaroon na kayo ng daughter-in-law. Isang tunay na daughter-in-law." Pasaring sa kanya ni Adonis. At aaminin niya, siya ang nagpapasaring kanina at natutuwa siya sa reaksyon nito. Pero ngayong siya naman ang pinasaringan ay napipikon din siya. Tama lang ang desisyon kong umalis na lang dito. Wala tayong gagawin sa araw-araw na ginawa ng Diyos kundi mag-asaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD