Chapter 7

865 Words
Makalipas ang kinse minutos ay dumating din ang mag-amang Rizaldo at Adonis. Kitang-kita ni Audrey kung paanong napa-"oh!" ang mga empleyadong babae pagkakita kay Adonis. No wonder, sa lakas ng dating ng personality nito ay para itong matinee idol nang pumasok sa social hall. "Hoy Audrey, ipakilala mo na si Adonis. Hindi ba't ikaw ang naka-assign na magpakilala sa kanya sa mga empleyado?" Untag ni Marge sa kanya. "Ha? Oo nga pala.." parang bigla siyang nagisinh nang sikuhin siya nito. Inayos niya ang sarili. Pinagpag niya ang likuran ng miniskirt bago nagpunta sa platforn at kinuha ang microphone. "L-ladies and gentlemen, you all know why we are gathered here. Ngayong hapon na to...g-gusto kong makilala niyo si Joaquin Paolo Araneta." Nanginginig ang boses niya habang ipinapakilala si Adonis. Lalo na nang ituro niya ito. Lumapit ito sa kanya. Makisig na makisig ito. Stunningly gorgeous. Nakatuon ang paningin ng lahat dito habang humahakbang palapit sa kanya. Parang kailan lamang, sa kanya ang lalaking ito. He was the man of her dreams. He was the fulfillment of her every dream. Naghatid ng panibugho sa kanya ang atensyong ibinibigay rito ng lahat ng kababaihang naroon. Pati na rin ang mga camerang nakatutok dito. Celebrity na nga si Adonis. Pangalan pa lamang nito ay tinitingala na. Batid niyang palilibutan na ito ng magagandang babaeng nabibilang din sa mataas na lipunan. Mga babaeng kapag inihelera siya ay magmumukha na lamang siyang tagabitbit ng coat. Yumuko na lamang siya habang nagsasalita si Adonis. Ayaw na niyang makita kunga paano itong umaagaw ng atensyon ng lahat. Sandali lamang itong nagsalita ngunit umani naman ng masibagong palakpakan tanda ng mainit na pagtanggap dito ng lahat. Pagkatapos ay si Senyor Rizaldo naman ang nagbigay ng maikling pananalita. At ipinakilala na nito si Adonis sa lahat ng mga empleyado. Lahat ng kamayan ng binata ay mainit itong binabati ng "welcome." "Si Audrey ang magrereport sayo ng takbo ng operations, especially ang sales iho." Sabi ni Senyor Rizaldo nang mapatapat ang mag-ama sa kanya. "Siya ang humahawak ng reports ng iba't-ibang branches. Puwede mo rin siyang hingan ng opinyon sa ilang project proposal. Just work as partners and I know it will benefit the company. Kapag busy ka sa iba nating kumpanya, maipagkakatiwala mo rin sa kanya ang lahat dito." Tumango lamang si Adonis habang nakatingin kay Audrey. "Ang bilis naman yata ng promotion mo," mahinang sabi ni Adonis sa kanya nang malipat ang atensyon ni Senyor Rizaldo sa isang kaibigang investor. "It seems you're a vital person in this company." Nag-init ang ulo niya sa sarkasmong ipinakita nito sa kanya. "But that's the price of marrying an Araneta," patuloy na panunuya nito. "Kung sa isang lalaking walang sinabi ka nga naman nagpakasal, baka hanggang ngayon ay clerk ka pa lang." Habang sinasabi iyon ni Adonis ay nakatingin ito at parang kaswal lamang silang nag-uusap. Hindi halatang hinahamak nito ang pagkatao niya. Ipokrito! Ayaw nitong mahalata ng iba ang hostility na ipinakikita nito sa kanya. Ginantihan niya ang hostility nito nang nakangiti rin habang palingon-lingon sa paligid para magkunwaring masaya ang pag-uusap nila. "For your information, hindi ko hiningi ang posisyong ito sa papa mo." Sabi niya rito. "Oh really?" Tila lalo pa siya nitong inaasar. Bagama't nanunuya ito ay nakakatawag pa rin ng pansin ang tila nang-aakit nitong labi. Mabuti na lamang at tinawag ito ng staff ni Candy para simulan na ang interview rito sa isang sulok ng social hall. Naisip niyang muling hawakan ang microphone. "Every one, ngayong nandito na ang tunay na Joaquin Araneta. Isa lang ang ipapakiusap ko sa inyo..." Lahat nang empleyado na nagmemeryenda ay nalipat ang atensyon sa kanya. Pati na si Adonis. "Huwag pa rin sana ninyong kalilimutan si Wacky na minsan ay naging bahagi ng buhay nating lahat. Naging mahusay siyang boss, magaling makisama, at minsan naging kaibigan. Kahit na nalaman nating hindi pala siya ang dapat naupo rito at tinawag nating Sir," Nagpalakpakan ang lahat ng empleyado bilang pagsang-ayon sa pakiusap niya. Pagkatapos niyon ay nagpasalamat siya. Pagbitaw niya ng microphone ay nilingon niya si Adonis. Small world nga. Dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bukod sa magkasama na sila ni Adonis sa Mansion ay araw-araw pa silang magkikita sa opisina. Ano kaya kung umalis na lang ako ng mansion? Gabi na pero hindi pa rin ito makatulog sa dami ng agam-agam niya. Gusto man niyang umalis pero iniisip niya si JM na panigurang mas maaapektuhan sa desisyon niya. Isa pa ay hindi niya alam kung paano siya magpapaalam sa mag-asawang Araneta na itinuring na siyang anak at itinuring na rin niyang pangalawang magulang. Naguguluhan na siya at hindi na alam kung ano ba ang tamang gagawin. Ngayong si Adonis na ang magiging Boss niya ay siguradong hindi siya makakapagtrabaho ng maayos nito. Malamang na iinisin lang siya nito ng iinisin. At hindi malayong palagi kaming magkakabangga. May kasalanan siya sa akin kaya kaunting provoke lang sa akin ay sasabog na ko. Pero bakit ganun, kung umasta ito ay parang ito pa ang galit. Saan ba nanggagaling ang galit niya sa akin? Wala akong matandaang ginawang masama sa kanya. Nakatulog siya na madaming iniisip. Hinihiling na lang niya na sana ay maging maayos siyang katrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD