Chapter 6

992 Words
"Naisip kong magpaalam na kina Senyor Rizaldo at Senyora Ofelia pero inaalala ko naman si JM. Sa edad niya, baka hindi pa niya maintindihan ang gagawin kong pag-alis sa Mansion." Sabi ni Audrey kay Marge habang inihahanda nila ang social hall na nasa seventh floor ng Araneta Tower. Tumawag ng meeting si Senyor Rizaldo para pormal na ipakilala sa lahat si Adonis. Nagpa-cater siya ng meryenda para sa lahat ng empleyado. "Eh di isama mo ang bata. Tutal ikaw na ang kinikilala niyang ina." Suhestiyon ni Marge. "Mabuti kung pumayag sila. Lumalabas na apo na nila si JM kahit hindi tunay na Araneta si Wacky. At kahit kasal kami ni Wacky, legally ay hindi pa rin ako ang mother ni JM. Lalo na't buhay pa pala ang ina ng bata." "Si JM ba talaga ang dahilan kaya hindi ka makaalis ng mansion..o si Adonis?" Tila nanghuhuling tanong nito. "Ate Marge naman, pagkatapos ng ginawa niya sa akin..." "Sabihin nanating masama ang loob mo sa kanya, or galit ka pa rin sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun na zero na ang feelings mo sa kanya. Lalo na ngayong mas gumwapo ang loko. If I know, gusto mong samantalahin ang pagkakataong makasama sa iisang bubong si Adonis." "Hindi na siya ang dating Adonis na kilala ko ate Marge," nakaingos na sabi nito. "Mukhang hobby na niya ngayon ang mangolekta ng mga babae." "Ewan ko Audrey, pero kung ako ang nasa kalagayan mo aalis na ako ng Mansion. Dahil habang araw-araw mong makikita si Adonis, maaalala mo lang ang sakit ng pagtalikod niya sayo. At manghihinayang ka lang sa tuwing babalikan mo yung mga happy moments ninyong dalawa." May katwiran nga marahil ang kaibigan. Para lamang siyang naghahasa ng patalim na itatarak niya sa kanyang dibdib kapag hindi pa siya umalis ng mansion ng mga Araneta. Bago pa dumating si Adonis ay usap-usapan na ng lahat ng mga empleyado ang tungkol sa pagtatagpo sa tunay na anak ng mag-asawang Araneta. Iyon ang naobserbahan ni Audrey. Excited ang lahat na makilala ang tunay na Joaquin Araneta na magiging bagong President ng realty company. "Akalain mong matrace pa siya nina Mr. Aranera," sabi ng babaeng taga-personnel department na kaumpok ang mga kasamahan. "Oo nga, ang ganda ng kuwento ng mag-anak na iyon ano?" "At hindi natin alam na si Sir Wacky pala ay hindi tunay na Araneta." "At balita ko guwapo raw iyong tunay na Joaquin Araneta. Wala sa kalingkingan ni Sir Wacky." "Hoy, huwag mo namang ikumpara iyong dalawa. Ang tanong kung kasimbait din kaya ni Sir Wacky?" Nagkatinginan si Audrey at Marge dahil pati pala mga empleyado ay naiintriga sa pagdating ng tunay na tagapagmana ng Araneta. "Ngayon pa lang ay topic na si Adonis. What more kapag nakita na nila ito? For sure, wala nang makakapag-concentrate sa trabaho," sabi ni Marge habang hinihintay nila ang pagdating ni Adonis. Guwapo nga. Mayabang naman. Sa loob-loob niya. At siya, makakapag-concentrate pa ba siya kung si Adonis na ang magiging immediate boss niya? Nakpakaliit na ba talaga ng mundo para magmistula silang mga isdang lalangoy sa iisang aquarium? Panay na ang tingin niya sa kanyang wristwatch. Four o' clock ang usapan na darating si Adonis pra pormal na magpakilala at humarap sa mga stadd ng Araneta realty. Pinatigil na ang lahat sa pagtatrabaho para sa pagtitipong iyon. "Tingnan mo naman kung paano nagbago ang unggoy na iyon. Masyado nang paimportante. Samantalang dati masyadong partikular niyan sa oras," inis niyang sabi kay Marge matapoa humingi ng dispensa sa staff ng kumpanya. Naghihintay na ang mga ito dahil pumayag si Adonis na i-feature sa nasabing programa. Kukuhanan ng video ang ilang bahagi ng pagtitipon para isama sa ipi-feature. Nakaschedule din ang interview rito pagkatapos ng pagtitipon. "Palibhasa'y iba na ang status niya. Akala niya ay may karapatan na siyang magpahintay." Nakasimangot niyang dagdag. Hawak niya ang kanyang cellphone at naghihintay ng tawag mula kay Adonis o di kaya ay kay Senyor Rizaldo. "Bakit ka ba naiinis diyan? Baka naman may valid reason yung tao kaya siya na-late," reaksyon ni Marge. "Para namang hindi mo alam kung gaano katraffic dito sa Metro Manila. Noong nasa Batangas kayo hindi nga siguro siya nalalate." "Pero iba na siya ngayon kaya ganon. Feeling niya may karapatan na siyang magpahintay ng mga tao. Ni wala siyang explanation kung na-tradfic ba siya. Kunsabagay, hindi naman niya ugaling magpaliwanag sa mga kasalanang nagagawa niya," dagdag pa nito. "Audrey bakit ka ba ganyan katensyon at kainis? Tingnan mo nga ang hitsura mo, nawawala ang poise dahil sa pagkakakunot ng noo mo," pansin nito sa kanya. "Ngayon lang kita nakitang ganyan, ano bang nangyayari sayo?" Hinawi niya ang kanyang bangs at inipit iyon sa likos ng kanyang tainga. Ano nga ba ang nangyayari sa kanya? Kahit siya ay hinsi niya maintindihan kung bakit naiinis aiya nang ganoon kay Adonis. Samantalang fifteen minutes pa lang naman itong late. Kalaunan ay tumunog ang cellphone niya. Si Senyoe Rizaldo ang tumatawag. "Pasensya ka na iha. Medyo malalate kami dahil hindi kami agad nakaalis ng Mansion. Hinintay pa naming makaalis si Natalie Ocampo." "Natalie Ocampo? Ano pong ginagawa niya diyan?" Hindi niya alam kung bakit napalakas ang boses niya ng marinig ang pangalan ng dating beauty queen na ngayon ay isang tanyag na host sa isang programa. "Dumating kasi dito ang staff ng Goodmorning People at ininterview kami ni Adonis. Kaya hindi agad ako nakatawag sayo," paliwanag ng Senyor. "Pero may maghihintay din po sa kanya ditong tagakabilang station papa. Gusto rin nilang kuhanan ang event na ito para isama sa ipi-feature nila kay Adonis sa program nila. Half an hour na nga po silang nandito." "Alam ba yan ni Adonis?" "Yes pa, infact ito ang una niyang sinagutan." "Well according to Adoni, mahirap tanggihan si Miss Natalie Ocampo kaya pinaunlakan na niya. Nahihiya rin naman siyang paghintayin ito." Pero kami rito, pinaghintay niya! Lihim niyang himutok. Nakakita lang ng beauty queen, kinalimutan na niya ang first appointment niya. Huh, kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD