Chapter 12

836 Words
Nagkikita sila araw-araw ni Adonis sa opisina. Ngunit sa tuwina ay umiiwas na si Audrey. Superior-subordinate na lamang ang relasyon nilang dalawa. Nagkikita sila sa mga meetings, sa tuwing ipatatawag siya nito, at kung minsan ay nagkakasabay sila sa elevator o sa canteen. Nakapagtatakang bumababa na rin ito sa canteen at doon nagla-lunch kasabay ng mga empleyado. Doon sila madalas na magkita. At hindi iilang ulit na nagtagpo ang mga mata nila. Siya ang palaging unang nagbabawi ng tingin. Nang araw na iyon, isang linggo makalipas na lumipat siya ng tirahan, ay sumulpot si JM sa kanyang opisina. "Mommy!" Masayang bungad nito sa pintuan. Payakap na sumugod ito sa kanya. "What are you doing here baby?" Mahigpit niya itong niyakap at kinalong, saka hinalikan sa ulo at sa noo. "I miss you na kasi eh," malambing na sabi ng bata. Noon naman sumulpot si Adonis sa nakaawang na pinto. "Kahapon pa niya kinukulit sina mama. Naawa na ko sa bata," sabi nito habang palapit sa kanyang mesa. "Sabi ko matigas kasi ang ulo ng mommy niya, mayabang at mataas ang pride." Walang kangiti-ngiting sabi nito. Naupo ito sa gilid ng mesa niya. Bilang sagot ay inirapan niya ito. At muli niyang hinarap si JM. "Talagang pupuntahan kita tomorrow eh, ipapasyal kita. Kung gusto mo sa bahay ka na matulog after nating mamasyal. Busy lang talaga si mommy ngayon." "Hindi sapat ang alibi na yan para maintindihan ni JM, Audrey. Kahit ano pang sabihin mo, hinahanap pa rin ng bata ang presensya mo. Sinanay mo kasi siyang bago matulog ay katabi ka." Patuloy ni Adonis. Pakiramdam niya ay kinokonsensya siya nito. Para ano? Para bumalik siya sa mansyon? "Naglalambing ang bata. Gusto raw niyang manuod sa sine at mag ice skating pagkatapos," dagdag nito. "Kaya ang sabi ko, ipapasyal natin siya ngayon. Maaga tayong lalabas ng office. Manonood tayo ng sine at pupunta sa ice skating rink." "Ano?" Gulat niyang reaksyon. Ano bang karapatan niya para pangunahan siya sa pagpaplano para sa kanila ni JM? "Nagkausap na kami ni JM at nagkaintindihan na rin kami para sa schedule ng pagsasama namin," paasik niyang sagot dito. "Nakapag-decide na ko at umaasa na ang bata. Kaya nga sumama na siya sa akin ngayon." "Pero anong gagawin niya rito? May mga trabaho pa kong dapat tapusin." "So, wala ka na palang panahon sa bata? Sige ako na lang ang bahalang magpasyal sa kanya." Natigilan siya. "Nakalimutan mo na bang ako ang boss mo? At puwede kong sabihin na hanggang twelve ka lang ngayon para makapamasyal tayo nina JM." "Tayo? At sino naman ang may sabi sa iyong kasama ka?" "Ako ang nagplano ng lakad na to, hindi ba JM?" Baling nito sa bata. "Yes Uncle Handsome." "Uncle Handsome?" Halos mag-isang linya ang kilay niya sa sinabi ng bata. "Huwag mo kong tingnan ng masama, Audrey. Hindi ako ang nagturo sa bata na tawaging ako ng ganyan." "Handsome naman talaga si Uncle, di ba mommy?" Tanong ng bata "Ewan, no comment." Nakaingos niyang sabi. Muli niyang binalingan si JM. "Ano ang gagawin mo rito sa office habang nagwowork si mommy? Nasaan si yaya?" "Hindi ko na isinama ang yaya niya. Sa edad ni JM, kailangan na siyang unti-unting maging independent. At huwag mo na rin siyang problemahin. Maglalaro kami ng computer habang hinihintay ka namin." Niyaya na ni Adonis si JM na sumama rito. Hindi niya mapigilang ngumiti habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Bagama't ipinakita niya kay Adonis na naiinis siya rito ay hindi naman niya maitatangging natutuwa siya sa nakikitang pagkagiliw nito kay JM. Ang nagbibigay kalituhan sa kanya ay kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito. Gusto ba nitong muli silang magkalapit at ginagamit lamang nito si JM para magawa iyon? Bigla siyang naging ganado sa pagtatrabaho. Hindi niya alam kung excitement ang nararamdaman niya. Magkakasama sila ni Adonis sa pagpapasyal kay JM. Magkakaroon na sila ng pagkakataong pag-usapan kung ano ang nangyari sa relasyon nila. Eksaktong twelve o' clock ay iniligpit na ni Audrey ang mga paperworks sa ibabaw ng kanyang mesa. Alam niyang naghihintay na sa kanya si Adonis at JM kaya nagmamadali siyang nagretouch ng makeup nito. Paglabas niya ng kanyang opisina ay sinalubong siya ni JM na galing mula sa opisina ni Adonis. "Mommy, tayo na lang daw po ang mamamasyal." Sabi nito na humawak sa laylayan ng kanyang blazer. "Ha? But, why?" Bago pa makasagot ang bata ay lumabas ng opisina si Adonis kasama si Jackie na nakakapit pa sa braso ng binata. Nalaglag ang excitement niya pagkakita sa babaeng girrafe. Lumapit ang mga ito sa kanila ni JM. "I'm sorry, I can't go with you. I can't say 'No' to Jackie. Matagal na niyang inire-request na manood ako ng fashion show na siya ang nag-produce. Next time na lang ako babawi. Nagbigay na ako ng pera kay JM para sa pamamasyal ninyo." Sumama na ang kanyang mood. Kahit ano pa ang sabihin ni Adonis ay hindi na niya matatanggap ang katwiran nito sa pagsira nito sa pangakong sasama sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD