Chapter 11

824 Words
Naayos na lahat ni Audrey ang mga gamit na dadalhin sa kanyang lilipatan. Nakapagpaalam na siya kay Senyor Rizaldo at nakausap na rin si JM. Idinahilan niya sa bata na kailangan niyang lumipat sa isang tirahang malapit sa opisina, para hindi ito maaapektuhan sa pag-alis niya ng mansion. Itinapat din niyang nasa eskuwelahan ito para hindi nito makita ang paghahakot niya ng mga gamit. Nasa veranda si Adonis habang ikinakarga ang mga personal niyang gamit sa van na ipinagamit ni Senyora Ofelia sa kanya. Isang townhouse sa may Commonwealth ang kinuha niya. Katabi iyon ng tinitirhan ni Marge. Ten thousand ang renta kada buwan. Advantage din sa kanya ang pagsasarili para kung gusto ng nanay niyang maglagi sa Maynila ay may tutuluyan ito. "Okay na ba ma'am? Narito na ba lahat ng gamit ninyo?" Tanong sa kanya ng driver ng mga Araneta na ipinahiram din sa kanya para may makatulong siya sa kanyang paghahakot. Katulong din niya ang bayaw na si Louie, ang asawa ni Marge. Kailan lamang ikinasal ang mga ito sa huwes. "Okay na ho mang Greg." Muli niyang niyakap si Senyora Ofelia. Ganoon din ang tatlong katulong at mayordomang si aling Janet. "Hindi ako iiyak," pinilit ng kanyang biyenan na ngumiti habang hawak ang dalawa niyang kamay. "Dahil hindi ka naman mawawala sa amin. Lilipat ka lang ng tirahan." "Oo naman ho ma," nakangiting sabi niya. "Thank you ho sa lahat." "Bakit nagpapasalamat ka? Parang hindi ka na tuloy babalik niyan." Natawa siya sa sinabi ni Senyora Ofelia. "Anyway iha, may plano kaming magpunta sa Villa Royale Island next weekend. Nagpapatayo na rin ng villa ang papa mo. And Adonis invited us to his villa. Hindi puwedeng hindi ka sasama sa amin, ha?" "I'll check my schedule ma." Ang totoo ay gusto lamang niyang umiwas na makasama si Adonis. "I Won't accept that. Basta sasama ka sa amin sa Villa Royale Island." Lumapit na siya sa naghihintay na van. Ngunit bago siya lumulan ay hindi niya natiis na hindi tumingala sa veranda kung saan nakatayo si Adonis at nakatunghay sa nangyayari sa kanila. Agad na nagsalubong ang kanilang mga mata. Nakatitig ito sa kanya habang blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang ibig ipahiwatig nito. Ayaw niyang isiping nalulungkot ito. Mukhang galit nga ito. Galit ba ito dahil itinuloy pa rin ang pag-alis sa kabila ng pagpapakita nito ng pagtutol? Sumakay na siya sa van. Agad niyang isinara ang pinto niyon. Aaminin niya, kahit alam niyang magkikita pa rin naman sila sa opisina ay nalulungkot pa rin siya sa pag-alis niya sa mansion. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Adonis nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang van na sinasakyan ni Audrey. Adonis POV Damn! Bakit ako naaapektuhan nang ganito sa pag-alis niya? Lately ay nagiging mainitin ng kanyang ulo. Pati ang katulong na si Ningning ay napagalitan niya nang nagdaang araw gayong kay Audrey siya naiinis. Madali siyang humingi ng dispensa sa katulong at binigyan pa niya ito ng pampanood ng sine para sa day-off niya. "Umalis din siya," sabi niya sa kaibigang si Nicolei nang tawagan niya ito. Isa rin itong villa-owner sa Villa Royale Island. Ito ang una niyang naging kaibigan sa isla dahil magkalapit ang kanilang villa. Naikuwento na niya rito ang tungkol kay Audrey tungkol sa nakaraan nila. "Pagkatapos niya akong ipagpalit kay Wacky, hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam pa ako nang ganito. Naapektuhan ako sa pag-alis niya sa Mansion." "Well, siguro ay dahil inamin na kamo ni Audrey sa harap mo na hindi lang ang pagiging Araneta ni Wacky ang dahilan ng pagpapakasal niya rito." Sabi ni Nicolei. "Hindi mo lang siguro alam pero selos ang dahilan ng galit mo." "Selos?" Tinawanan niya ang sinabi ng kaibigan na nagseselos daw ito kay Wacky. "You still love her, pare. Baka ayaw mo lang aminin." Panunukso pa nito sa kanya. "No, hindi ako nagseselos pare. Galit ako dahil mababaw siya. Ipinagpalit niya ako sa kayamanan ni Wacky." "O nagagalit ka dahil nalaman mong mali ka ng akusasyon kay Audrey. Na nalaman mong mahal talaga niya si Wacky kaya siya nagpakasal dito." "Sa akin siya nangakong magpapakasal Nick." Mariing sabi niya. "Promise are made to be broken. Puwedeng ang pagkakalayo niyo ang dahilan kaya nakilala niya si Wacky." Napabuntong-hininga siya. "Mabuti na rin sigurong umalis siya rito sa Mansion." "Dahil ayaw mong nakikita siya araw-araw, o nagaalala kang mahalata niyang mahal mo pa rin siya?" "Damn this feeling pare. Pero alam kong kaunti na lang itong natitirang feelings ko para sa kanya. Maraming babae. Hindi ko siya dapat pag-aksayahan ng kahit kaunting pagmamahal." "I doubt it pare, base sa mga sinasabi mo hindi nabawasan ang nararamdaman mo sa kanya, but it's good you decide to move on. Para kapag nagkaroon siya ulit ng lalaking mamahalin hindi ka ulit masasaktan." Ilang minuto pa siyang nakatayo sa veranda. Bagong lalaking mamahalin? Ano bang mararamdaman ko kapag nasa piling nanaman siya ng ibang lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD