Chapter 13

946 Words
Dala pa rin ni Audrey ang galit kay Adonis hanggang sa makauwi sila ni JM sa kanyang town house. Minabuti niyang doon na muna iuwi ang bata. Bukod sa namiss din niya ito, ayaw din niyang magpunta sa mansion ng mga Araneta dahil maiimbyerna lamang siya kapag nakita niya si Adonis. "Ang unggoy na yun, mabangga sana sila ng giraffe na yun. Kunsabagay, bagay naman sila. Pareho silang pang-super star ng zoo." Panay pa rin ang bulong niya habang nagtitimpla ng gatas para kay JM. Patutulugin na niya ito. Napahinto siya sa ginagawa dahil narinig niyang may nagdoorbell sa labas ng apartment niya. Baka si Adonis. Ang kapal ng mukha ng unggoy na yon. Nakuha pa niyang pumunta rito pagkatapos ng ginawa niyang pagpapaasa kay JM. Lumabas siya ng kusina at lumapit sa pinto. Ngunit pagbukas niya ay hindi si Adonis iyon. Si Jin ang panauhin niya. Nakilala niya ito sa parking lot ng Megamall noong nakaraang linggo nang di sinasadyang nalaglag ang mga pinamili niyang groceries at tinulungan siya nito. Nakipagkilala ito sa kanya at kinuha ang address niya. Hindi niya inaasahang bibisita agad ito. "Goodevening Audrey." Smiling face ito. Clean-cut ang buhok nito at guwapo. Nalaman niyang manager ito ng insurance company. "Nagulat ba kita?" Anito nang hindi agad siya nakapagsalita. Iniabot nito sa kanya ang dalang mga bulaklak. Pati na rin ang isang kahon na nakabalot sa makintab na giftwrapper. "Well, gusto talaga kitang sorpresahin." "You really surprised me. Come in." Niluwagan niya ang pagkakaawang ng pinto. Nagpaalam muna ito sandali para asikasuhin si JM. At nang makatulog ito ay saka siya bumaba para harapin si Jin. Malakas ang sense of humor nito, and at the same time ay intellectual kaya hindi boring kausap. Ipinapasalamat niya ang pagdating nito dahil natabunan ang galit na nararamdaman niya kay Adonis. Hindi niya namalayan ang paglipas ng mahigit isang oras na magkausap sila ni Jin. Paalis na ito ng may marinig siyang ugong ng sasakyan. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa pagbungad ni Adonis. Agad na nalipat ang tingin nito kay Jin. At napansin niya ang tila pag-iisang guhit ng mga labi nito. "Nakakaistorbo pala ako," salubong ang kulay na sabi nito. "Medyo nga," sabi niya kahit hindi naman totoo. Nakasilip siya ng pagkakataong gantihan ito sa ginawa sa kanya kanina. "Anong ginagawa mo rito?" "Susunduin ko lang si JM." Matigas ang anyo nito. Mula sa sulok ng mga mata niya ay nakatingin ito kay Jin. "Audrey, mauna na ko late na pala." Singit ni Jin sa kanilang dalawa. Nakita niya ang tensyon sa dalawa. "Sige Jin, ingat ka." Nakangiting paalam nito. Nang makaalis si Jin ay pumasok sa loob si Adonis at galit ang mukha nito. "Tulog na si JM." "Wala naman sa usapan na dito siya matutulog ah," tumaas ang boses nito. Ipapasyal mo lang siya hindi ba?" "Ipapasyal natin, yun ang sabi mo, hindi ba? Pero dumating lang ang babaeng giraffe ay nakalimutan mo na ang pangako mo sa bata." "Kinukulit ako ni Jackie, kaya pinagbigyan ko na lang siya. Nawala sa isip kong nakapagbitaw na pala ako ng pangako sa kanya para hindi na niya ko ulit kulitin... Wait, why do I have to explain to you?" "Tulog na si JM. Tumawag na naman ako kay mama at sinabi ko sa kanyang sa Sunday na ng hapon ko ihahatid sa mansion ang bata. Tutal weekends naman, walang pasok." Hindi ito kumilos sa kinatatayuan. Naggalawan ang mga muscles nito sa panga. Batid niyang galit ito. Hindi nga lamang siya sigurado kung dahil sa hindi niya maisama si JM, o dahil naabutan niya si Jin sa kanyang town house. "Pasensya ka na ha, pagod na ko at gusto ko ng magpahinga. Baka puwedeng umalis ka na." "Pagod ka? Bakit, pinagod ka ba ng kasama mo kanina?" Isang matalim na tingin ang ibinigay niya dito. "Anong sinasabi mo? Kunot noong tanong ni Audrey. Hindi kaya nagseselos ito kay Jin? Isang ngisi ang ibinigay ni Adonis. "Ibang klase ka rin talaga, wala pang isang taon pero naghahanap ka na agad ng ipapalit kay Wacky. Yan ba ang sinasabi mong pagmamahal sa kanya? Kung sabagay ganyan din naman ang ginawa mo sakin." Sumakit ang pandinig ni Audrey sa mga sinasabi ni Adonis. Inaakusahan nanaman siya nito ng kung anu ano. "Ano bang pinagsasabi mo? Wala kaming ginagawang masama ni Jin. At wala rin akong dapat ipaliwanag sayo dahil madumi ang utak mo." Sigaw niya. "Really? Oh come on Audrey, hindi mo na ko maloloko sa mga painosente mo." Lumapit siya unti unti kay Audrey. Umatras si Audrey nang unti unting lumalapit si Adonis sa kanya. Hanggang sa wala na siyang maatrasan dahilan para ma-corner siya ni Adonis. Ramdam niya ang lakas ng t***k ng puso niya. "Puwede ba Adonis umalis ka na." Itinulak niya ito pero ni hindi man lang ito natinag. Iniharang pa nito ang dalawang kamay niya para hindi ito makawala. Halos hindi na huminga si Audrey dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Nanginginig na rin ang tuhod niya sa takot kung anong gagawin ni Adonis. "Bakit kailangan mo pang maghanap ng iba?" Malamlam ang mata nito at nakatingin sa mga labi niya. "Audrey," sigaw ni Marge sa labas. Sabay silang natauhan ng marinig si Marge mula sa labas. Nag-iwasan sila ng tingin. "Aud..ay sir Adonis nandito po pala kayo." Nanunuri ang tingin nito. "Yeah, susunduin ko sana si JM pero tulog na pala. I have to go." Mabilis na lumabas si Adonis at pinatakbo agad ang kanyang sasakyan. Saka lang nakahinga si Audrey nang makaalis si Adonis. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko sa mga mata nito kanina. Punong-puno yun ng emosyon. Namalik mata lang siguro ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD