Chapter 20

809 Words
Nai-report na sa mga awtoridad ang pag-kidnap kay JM. Kumilos na ang mga ito at ginamit na ng mga Araneta ang resources nila para mapadali ang pagliligtas kay JM. Dalawang araw nang nawawala si JM. Namumugto na ang mga mata ni Audrey sa kaiiyak. Bukod sa kidnap for ranson, isa pang tiningnang motibo ay ang posibilidad na ang sariling ina ni JM ang dumukot dito. Lalo na at babae raw ang sapilitang nagsama sa bata, ayon sa kuwento ng yaya nito. Hindi pamilyar sa kanya ang rumehistrong number caller nito. Ngunit sinagot niya iyon sa kutob na baka may kinalaman sa pagkawala ni JM ang tumatawag. "He-hello..." Sagot niya sa kabilang linya habang palabas siya ng chapel. Kinabahan siya nang marinig ang boses ng isang lalaki. Sigurado siyang hindi iyon boses ni Adonis. Bahagya niyang inilayo sa kanyang tainga ang cellphone. "Audrey..." "S-sino ito?" "Your avid admirer, babes." Kinilabutan siya nang magkahinala kung sino ang caller. Muli niyang inilayo sa kanyang tainga ang cellphone. Sana ay nagkakamali lamang siya ng hinala. "Babes, siguraduhin mong walang ibang makakaalam ng pagtawag ko sayo. Kung may mga kasama ka, lumayo ka sa kanila. At huwag magpapahalata." Utos ng caller. "Francis..?" Tanong niya sa caller. "Wow, na-touch naman ako at naalala mo pa ang boses ko" Bakit alam ni Francis ang number ko? Kung sabagay, wala namang imposible rito basta pinagana nito ang pera at impluwensya. Sa dami ng pagkakataon na puwede siya nitong tawagan, bakit ngayon pa ito tumawag? "Please... May problema ako. Wala akong panahong makipaglokohan sayo." "Teka babes, masyado kang mataray. Pakinggan mo muna ako. Ayaw mo bang mabawi ang anak-anakan mom?" Natulala siya. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone na hawak. Ibig sabihin ay may kinalaman si Francis sa pagkawala ni JM. Hindi niya ito mapapatawad kung sakaling tama ang hinala nito. "Ikaw ang kumuha kay JM?" Bagama't hindi niya gustong isipin ay itinanong niya iyon kay Francis. "Ang galing, paano mo nalaman, babes? Tanong nito. "At kung gusto mo pang mabawi siya ng buhay, huwag mong babanggitin kahit kanino ang tungkol sa pag-uusap nating ito." "Walanghiya ka, Francis! Demonyo ka! Bakit pati ang bata idinamay mo?" Hindi niya naiwasang masigawan ang kausap. "O, huwag ka munang magalit. Hindi ko naman sinaktan ang bata. Hindi ako pumapatol sa bata babes. Isa pa, hindi naman siya ang kailangan ko kundi ikaw." "Ako pala ang kailangan mo, idinamay mo pa ang bata!" "Dahik kung hindi ko gagawin ito, alam kong hindi ka lalapit sa akin. Right, babes? Ngisi ng lalaki. "Isauli mo na si JM. Ako na lang ang kunin mo kung gusto mo. Please huwag mo na siyang idamay." "Sabi ko na nga ba at magiging masunurin ka sa akin kapag kinuha ko ang anak-anakan mo." Tumawa ito na parang nasisiraan na ng ulo. Tuluyan na siyang umiyak dahil sa awa kay JM, dahil sa kanya ay nadamay pati ang bata. Kinabahan siya, noon pa man ay takot na siya kay Francis. Akala niya pagkalipas ng mahabang panahon ay tuluyan na siyang pinatahimik at kinalimutan nito. Hindi pa rin pala namamatay ang obsession nito sa kanya. At mukhang desperado na ito dahil pati na ang mga taong mahal niya ay ginagamit na panggipit nito sa kanya. "Makinig kang mabuti Audrey. Wala kang pagsasabihan nito kung gusto mong mabawi ang anak-anakan mo." Batid niyang mahirap magtiwala sa isang katulad ni Francis na obsessed sa kanya. Pero iisipin pa ba niya ang sarili kung kaligtasan naman ni JM ang kapalit? "Paano naman ako makakasigurong hawak mo nga si JM?" Paniniguro nito sa kanya. "You want proof?" Napalunok siya. Hindi niya gustong marinig ang boses ni JM sa cellphone ni Francis. Ngunit napapikit siya nang marinig ang iyak nito sa kabilang linya. "God.." tanging nasambit niya. Hindi naman niya nakausap ang bata. "Francis, please... Huwag mong takutin ang bata." Pagmamakaawa niya. "Hindi ko siya tinatakot babes, pinatatahan ko nga eh.. Hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo. Gusto lang kitang makasama kahit isang gabi lang. Saka tatahan din yan kapag sinabi kong pupunta ka dito" Ngisi ng lalaki. "Nasaan kayo? Sabihin mo agad at pupunta ako." "Good. Hihintayin kita, sa Isla Romasanta. Kung aalis ka riyan ngayon, bago magdilim ay narito ka na. Sa Pier South, may susundong yate sayo." Ibinigay nito ang iba pang detalye. Natatakot siya sa posibilidad na mangyari sa kanya. Pero hindi niya puwedeng pabayaan na lamang si JM sa kamay ng lalaking iyon. Dahil kung may mangyaring masama kay JM ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Mahal na mahal niya ang bata na parang isang tunay na niyang anak. Kaya gagawin niya ang lahat maibalik lang niya ito sa mga Araneta. Ipinag-dasal na lamang niya na sana ay walang mangyaring masama sa kanila ng bata. At makauwi ng ligtas. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot agad iyon papunta sa lokasyong ibinigay ni Francis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD