Chapter 21

804 Words
Nagdalawang isip si Audrey kung ililihim kina Adonis ang natanggap niyang tawag mula kay Francis. Ngunit kilala niya si Francis. Kaya nitong gawin ang anuman dahil sa pera at impluwensya nito. Ipinalangin na lamang niya na tutupad ito sa usapan pagkatapos niyang pagbigyan ang kahilingan nito ay makakabalik sila nang maayos ni JM na parang walang nangyari. Baka mapahamak ang bata kapag nagtraidor siya kay Francis. Ayaw niyang maulit dito ang nangyari kay Adonis noong ma-kidnap ito. Baon ang lakas ng loob, nagpunta si Audrey sa Pier South para hanapin ang yateng maghahatid sa kanya sa islang kinaroroonan nina Francis sa bandang Batangas. Iniwan niya ang kanyang kotse kay Jin na siyang naghatid sa kanya. "Saan ka ba pupunta Audrey?" Tanong ni Jin sa kanya. "Saka ko na sasabihin sayo, urgent lang ito." "Are you sure you're okey? Bakit namumugto ang mga mata mo?" "Wala ito, nagkasagutan lang kami ni Adonis." Pagsisinungaling niya dito. Habang sakay ng taxi papunta sa Manila Yacht Club ay nagpadala siya ng text message kay Jin. Ibinilin niya dito na kapag hindi pa siya nakatawag dito bago mag-alas diyes ng gabi ay ipagbigay alam na nito sa mga Araneta na nagpunta siya sa Isla Romasanta, isang islang malapit sa Villa Royale Island. Pagdating niya sa Manila Bay ay agad siyang sinalubong ng isang babae. "Ikaw si Audrey?" Tanong ng babae. "Oo." Sagot niya dito. "Sumakay ka na sa yateng iyon. Iyon ang maghahatid sa iyo sa Isla Romasanta." Ang babaeng kausap at dalawang cabin crew ang kasama niya sa ilang oras na paglalakbay. Alas singko pasado ng hapon nang dumating sila sa isla. Malapad ang ngiti ni Francis nang salubungin siya sa bungad ng isang log house na mukhang tanging istruktura sa islang iyon. "Mahal mo nga talaga ang alaga mo. Magsusunod-sunuran ka pala sa akin para lang mailigtas siya." Sabi nito. Hindi sumagot si Audrey. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Francis. "Dapat pala ay nuon ko pa ginawa ito gaya ng advice sa akin ng barkada ko, para hindi ka na napunta sa iba at sa akin ka nakasal..." Habang nakikinig si Audrey ay tinitingnan niya ang buong paligid. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano sila makakatakas ni JM sa mga kamay ni Francis. "Kaya lang badshot na ako noon sa papa ko. Nakikiramdam na siya kung gagawa ako ng kabalbalan kaya hindi ko naituloy ang plano ko. Sa wakas, heto ka na sa harap ko ngayon. At kahit siguro pagsayawin kita sa harap ko ngayon ay susunod ka." Biglang ngumisi si Francis sa mga sinabi niya. Kinakabahan si Audrey ngunit pinilit niyang patatagin ang sarili. Inilibot niyang muli ang tingin sa paligid. Tahimik. Mukhang sila lamang ang tao sa isla. Ang mga tauhan sa yate ay hindi nagsipagbaba. Hinila ni Francis ang braso niya papasok sa loob ng log house. "Nasaan ang bata?" Tanong niya rito. "Hindi mo kailangang manigurado. Narito siya, natutulog sa kwarto. Nakatulog siya sa kaiiyak." "Gusto ko siyang makita." "Sure, pero huwag kang maingay. Baka magising siya." Isinama siya ni Francis sa silid na nasa dulo ng mahabang hallway ng loghouse. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang ligtas naman si JM. Lalapitan niya sana ito pero inawat siya ni Francis at mahigpit na hinila papunta sa isa pang silid. Napapiksi siya sa paghawak sa kanyang braso ngunit pinilit na lamang niyang kumilos ng normal. Pilit din niyang itinago ang takot. "Gusto ko munang masolo ka Audrey." Kinilabutan siya sa sinabi ni Francis. Hindi naman nito isinara ang pinto ng silid. May isang mesang yari sa kawayan na malapit sa bintana. May mga nakahandang pagkain doon. "Alam mo bang puwede kang mabitay sa ginawa mong ito Fancis?" Ngumiti lamang ito. "Hindi baleng mabitay ako. Matikman lang kita, puwede na akong mamatay." Ang ngiti nito ay naging ngisi kung kaya't lalo siyang nakaramdam ng takot dito. "Hanggang ngayon ba naman Francis, hindi ka pa rin nag-gi-give up?" "Ewan ko ba kung anong mayroon ka at nagkaganito ako sa iyo. Hanggang ngayon, nagngingitngit ang kalooban ko kapag naiisip kong hindi ka naging akin. Lalayo na lang ako, pero ikaw pa rin ang nasa isip ko. At ito na lang ang naisip kong paraan para maging akin ka." Napaatras siya nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niyang tumabing sa kanyang mukha. Si Adonis lamang ang may karapatang gumawa ng ganoon sa kanya. "Bukas na bukas din ay aalis tayo. Sa tingin mo ba papayag ako sa kaunting sandali na kasama ka?" Muling napangisi si Francis. "Sasama ka sa akin at magpapakalayo tayo. Huwag kang mag-alala, kapalit nun ay isasauli ko sa mga Araneta ang bata. See? Hindi naman ako ganun kasama dahil hindi ko naman papatayin ang anak-anakan mo babe. Nagulat si Audrey sa mga sinabi ni Francis. "Wala yan sa usapan natin Francis. At hinding-hindi ako sasama sayo." Matapang na sagot niya dito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD