Chapter 19

888 Words
Gustong pagsisihan ni Audrey ang muli niyang pagbalik sa mansion ng mga Araneta dahil sa halos araw-araw na ginawa ng diyos ay nakikita niya si Adonis na may kasamang babae. Kung hindi sa opisina ay sa mansion. Hindi niya alam kung sinasadya nitong ipakita sa kanya na kahit ilang girlfriends ay kaya nitong magkaroon dahil isa na itong Araneta. Kasalukuyan siyang nagmumukmok sa silid nang hangos na pumasok si JM. May bitbit itong laruan. "Mommy, look o." Excited na ipinakita nito sa kanya ang malaking robot. "Who gave that to you?" "Tita Faye." "Sinong Tita Faye?" "Uncle handsome's girl. She's so kind. She has a toy factory." Ang unggoy. Pati yata si JM ay ginagamit para lalo akong inisin. Lalong tila kumulo ang dugo nito. "Ibalik mo iyan sa kanila. It's not ideal for your age." Utos niya kay JM. Kumunot ang noo ng bata. Agad nitong niyakap ang hawak na laruan na akmang kukunin niya. "Give back to them. Sabihin mong marami ka nang toys na ibinigay sa iyo ng daddy mo." "No." Protesta nita. "I like this robot, mommy." Dahil sa inis niya ay tinawag niya ang yaya ni JM. Dito niya iniutos ang pagsasauli ng laruan. Umiyak ng umiyak ang bata. Mayamaya lang ay kumakatok na si Adonis. "What the hell is happening to you? Bakit ipinasauli mo ang laruan, eh nakita mo nang gustong-gusto ng bata?" "Hindi bagay yan sa age niya." Hindi siya nakatingin dito habang sinasabi iyon. Nakatayo siya sa tabi ng bintana. "Hindi bagay sa age ni JM? Or naiinis ka dahil galing iyon sa girlfriend ko?" Doon niya nilingon si Adonis. "Anong pakialam ko kung kaya mang magbigay ng isang sakong laruan ng girlfriend mo?" "See? You're jealous," nangingiting sabi nito. "Nagba-blush ka kaya you can't deny it. Pero sana, huwag mong idadamay ang bata sa pagseselos mo." Pagkasabi niyon ay agad ding siyang lumabas ng silid. Naiwan si Audrey na tulala. Gusto niyang ipagbabato ang anumang makita. Gusto niyang suntukin ang dingding. Ngunit magmumukha lamang siyang katawa-tawa, lalo na kapag nalaman ni Adonis na totoong nagpuputok ang butse niya sa swlos. Nakakainis. Natutuwa pa ang unggoy na iyon kapag nakikitang nasasaktan ako. Namalayan na lamang niyang umiiyak na pala siya sa inis. Maagang umalis ng mansion si Audrey kinabukasan para pumasok sa opisina. Iniiwasan kasi niyang magkasabay sila ni Adonis. Galit siya rito at gusto niyang ipadama iyon sa binata. Ang yaya na lamang ni JM ang inutusan niyang maghatid sa bata sa eskuwelahan. Pero nag-iwan siya ng pangako rito na magsa-shopping sila mamayang hapon bilang pagbawi niya sa kasalanan dito nang ipabalik niya ang laruang ibinigay rito ng isa sa mga girlfriend ni Adonis. Pati ito ay nadadamay sa inis niya sa binata at sa mga bangayan nila. Hindi pa natatagalan mula nang dumating siya sa opisina nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone niya na galing sa mansion. "M-Ma'am...si JM po...n-nakidnap..." Nanginginig ang boses na pagbabalita sa kanya ng yaya nito. "What?! Oh my god!" Nashock na bulalas niya. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na cellphone. Pakiramdam niya ay pinagtakluban siya ng langit at lupa. "A-anong...p-paanong nangyari? Hysterical nang tanong niya sa kausap na yaya. "M-may humarang po na sasakyan sa amin habang papunta kami sa school..." Oh my god! My baby! Iyak ng iyak si Audrey nang makauwi siya sa mansion at makompirmang nakidnap nga si JM. "Sino ang kumuha sa bata?" Galit na tanong ni Adonis sa yaya. "B-babae po... Nakashades at mahaba ang buhok na halos nakatakip na sa mukha. Hindi ko po kilala iyon. Ngayon ko lang siya nakita. N-nagulat na nga lang po kami nang lumapit siya at tutukan ako ng baril..." Umiiyak na salaysay nito. Muli siyang napahagulgol. "Dios mio! Naulit ang nangyari kay Joaquin, Rizaldo!" Halos hysterical naman si Senyora Ofelia habang palakad-lakad sa sala. Napatakbo siya sa itaas. Sa isang sulok malapit sa veranda siya napunta at nagpatuloy sa pag-iyak. Alalang-alala siya kay JM. Baka matulad ito kay Adonis noon na nagawang ilayo ng mga kumidnap hanggang sa bumilang na ng mga taon bago ito matagpuan. Hindi ko kakayanin ito. I love JM so much... Pagkatapos ng kabiguan niya kay Adonis---at dumating sa buhay niya si JM nang magpakasal siya kay Wacky. Muling nagkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay. Nakaya niya ang sakit na ginawa ni Adonis. Ngayon ay may panganib na mawala sa kanya ang anak-anakan... "Huwag kang iyak ng iyak diyan. Wala namang maitutulong ang pag-iyak mo eh. Hindi tayo makakapag-isip ng gagawin kapag hysterical kayo ni mama.," Galit na sabi ni Asonis. Hindi niya namalayang nakasunod ito sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Tuloy pa rin ito sa pag-iyak. "I said stop crying Audrey!" Muli nitong saway sa kanya. Nang patuloy pa rin ito sa pag-iyak ay lumapit ito sa kanya. Inabutan siya nito ng panyo. "S-si JM, Adonis... Hindi ko kaya kapag nawala siya sa akin. Gawin niyo lahat para mabalik sa akin si JM..." Sabi niya sa pagitan ng impit na pag-iyak niya. Marahan siya nitong kinabig sa ulo. "Come on, that's enough. Ofcourse, gagawin namin ang lahat para maibalik si JM dito." Bahagyang naibsan ang pag-aalala niya sa gesture ng sinabi nito. Pero agad din siyang lumayo rito nang maalala ang girlfriend nitong nakita niyang kasama nito. Baka isipin ni Adonis na dahil may problema ay vulnerable na siya at madaling matangay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD