Chapter 18

848 Words
Linggo nang umaga ay lumipad na ang mag-anak na Araneta patungo sa Villa Royale Island. Balak magtagal doon ng mag-asawang Rizaldo at Ofelia. Si Audrey naman ay titingnan kung anong plano ng villa ang ipagagawa. Doon sila tumuloy sa villa ni Adonis. Sobra silang nag-eenjoy sa kagandahan ng isla. Nag-swimming, nag-golf, at namasyal sa kabilang isla at kung anu-ano pa. Pero nasira lamang ang pag-enjoy ni Audrey dahil wala sa kanya ang atensyon ni Adonis. In fact, kahit nasa villa sila nito ay malimit itong may kasamang ibang babae. At hindi si Jackie, kundi iba't-ibang babaeng turista sa isla. Para bang naging hobby na lamang nito ang pangongolekta ng girlfriends. To think na hindi siya halos pinatulog ng epekto ng halik nito, pagkatapos ay makikita lamang niyang kung sinu-sinong babae ang kasama nito. Nangangahulugan lang na karaniwan na rito ang humalik ng babae; kasing karaniwan ng pagnguya ng chewing gum. Walang meaning, walang emotion na kasama. At dahil sa namumuong ngitngit ay nagyaya na siyang bumalik ng Maynila nang sumunod na araw. Pero tumutol si Adonis. "We still have 2days, everybody's still enjoying. Ikaw lang itong mukhang nabobore." Sabi nito habang magkakaharap sila sa isang masarap na merienda sa ilalim ng nipa hut na nasa harap ng villa nito. Naiinis ako dahil ipinakikita mo lang sa akin ang pakikipaglaro mo sa kung sinu-sinong babae. Kagabi lang nahuli kitang may kahalikan sa loob ng kotse mo, gusto sana niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip na magmukmok ay nilibang na lamang niya ang sarili sa pamamasyal sa villa. Marami naman siyang nakilalang villa owners. Partikular na na-enjoy niya ang company ni Jeremiah na binata pa pala. Nang yayain siya nitong magdinner sa floating restaurant ay nagpaunlak siya. At nang ihatid siya nito sa villa ay nagulat siya nang salubungin siya ng galit ni Adonis. Inabutan niya ito sa sala. "Baka nakakalimutan mong wala pang isang taon mula nang mamatay si Wacky," sita nito sa kanya. "Alam ko. Wala naman akong ginagawang masama. Pinaunlakan ko lang iyong tao sa invitation niya. Masama na bang magdinner ngayon?" "I'm just reminding you. Mukhang napakadali sa iyo ng pagpapalit ng lalaki sa buhay mo." Galit na pumihit aiya paharap dito. "How dare you to say that to me?" Akma niya itong sasampalin pero napigil nito ang kamay niya at sa halip ay kinabig siya nito. Umakma itong hahalikan siya ngunit itinulak niya ang mukha nito. At nagtatakbo na siya papunta sa kanyang silid. Adonis POV Labis ang galit na naramdaman niya nang makita niyang masaya si Audrey kasama ng ibang lalaki. Galit ba ito o nagseselos? Kung ano man iyon ay wala siyang pakialam. Ang tanging alam lang niya ay ayaw niyang makita si Audrey na may kasamang ibang lalaki. Gustong-gusto na niyang sugurin si Jemeriah at pagsusuntukin pero nagpigil siya. Hindi niya gustong ipahalata kay Audrey na may nararamdaman pa rin siya dito. Naupo siya sa sala at hinihintay ang pagbalik sa villa ni Audrey. Nang bumukas ang pinto ay nanlilisik ang titig niya kay Audrey. At lalo siyang nagalit nang sagut-sagutin lang siya nito kaya nang nasalo niya ang kamay ni Audrey dahil nais siya nitong sampalin ay kinabig niya ito para halikan. Pero hindi niya inaasahan ang pagtulak sa kanyang mukha kaya natulala siya at sinamantala iyon ng dalaga para makapasok sa kanyang silid. Ngayon dalawa ang nararamdaman niya. Sobrang selos at dismayado siya. Nadismaya siya nang tanggihan siya ni Audrey. Gusto niyang halikan si Audrey, gusto niya ulit madama ang mga labi nito. Sinadya niyang magdala ng iba-ibang babae para makita ang reakayon nito. Gusto niyang malaman kung pagkatapos ng nangyaring halikan nila ay kung may epekto pa rin ito sa kanya. Pero mukhang nagkamali ito. Dahil kitang-kita niya kung gaano siya nag-enjoy kasama ng Jeremiah na yun. At halos mamatay na siya sa selos. Huling araw na nila sa villa. Nahalata ni Audrey na parang iniiwasan siya ni Adonis. Kaya naman iyon na rin ang ginawa niya. Hindi na puwedeng maulit ang nangyari. Mabuti na lang dahil nakaiwas siya dito kagabi. Gusto na niyang magmove sana. Gusto na niyang tanggapin na malabo nang mangyari na maging magkasundo sila kahit bilang magkaibigan na lamang. Kasalukuyan siyang ipinapasyal ni Jeremiah sa kanyanga villa. Nang magtatanghali na ay nag-aya itong kumain at nagulat siya dahil nasa iisang restaurant sila ni Adonis, at may kasamang babae. Nagkatitigan sila ni Adonis, ngunit siya ang unang sumuko sa titigang iyon. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito na parang nakakapaso. Magkalayo ang kanilang mesa pero kitang kita nila ang isa't-isa. Hinayaan na lamang niya si Jeremiah ang umorder at nagpaalam muna na kailangan niyang magbanyo. pagkarating sa ladies room agad siyang naghugas ng kamay at tumingin sa salamin. Naiinis siya dahil kahit saan siya magpunta ay naduon si Adonis. Pagbalik niya sa kanilang table ay nakaserve na ang mga food na inorder ni Jeremiah para sa kanila. Nagsimula silang kumain at napansin niya na nakaalis na pala si Adonis kasama ng babae nito. I wonder kung saan nanaman sila pupunta. Wala ka na dapat pakialam duon. Giit niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD