Chapter 17

841 Words
Audrey POV Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkulong si Audrey sa kanyang silid. Inis na inis siya sa kanyang sarili dahil nagpatalo siya kay Adonis. Hindi niya natanggihan ang charm nito, ang panunukso nito... Baka sinusubukan lang ako ng unggoy na iyon kung may feelings pa ako sa kanya, naisip niya habang hawak ang larawan nitong matagal na niyang pinakatatagu-tago. Pero ano kaya ang ibig sabihin ng halik niyang iyon? Does it mean he still cares? Napangiti siya at parang teenager na kinilig. Bumalik sa isip niya ang kanyang first kiss. Siyempre pa ay si Adonis iyon. At ginawa iyon ng binata nang panakaw. Ginulat siya nito nang pumasok ito sa ladies room ng campus dahil nagalit siya nang sabihin sa kanya ni Marge na nakita nito si Adonis na nanonood ng sine kasama ng ibang babae. Two days pa lamang silang mag-boyfriend noon. Hindi niya ito pinansin habang nagpapaliwanag kung kaya't sinundan siya nito sa ladies room. At doon siya hinalikan nito. Kung gaano kalakas ang epekto ng unang halik ni Adonis sa kanya ay ganoon pa rin ang epekto ng halik nito. Ang sarap pa ring humalik ng loko, ha! Nangingiting naisip niya habang dinadama ng mga daliri ang kanyang labi. Tila nakadikit pa rin doon ang mainit na halik ni Adonis. Ngunit agad ding nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala niya ang nasaksihan sa pagitan ni Adonis at Jackie. Nakaramdam siya ng sobrang selos. Kahit kailan parang alintana talaga yang Jackie na iyan. What more pa na single na si Adonis? Nung mga panahong boyfriend niya si Adonis ay hindi siya nakaramdam ng selos sa kahit na sinong babae dahil alam naman niya na siya lang ang mahal nito. Pero ngayon na wala na nga sila ay sobra siyang nagseselos. Knowing na wala naman siyang karapatan dahil matagal na silang tapos. Mahirap pala kapag wala ka nang karapatan sa taong mahal mo. Bigla siyang nalungkot dahil sa takbo ng kanyang isipan. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya. Agad niyang pinunas ang kanyang luha ng narinig niyang nagbukas ang pinto. Si JM ang pumasok sa kanilang silid. "Mommy let's swim." Aya ng bata kay Audrey. "Baby puwedeng tomorrow na lang? Masama kasi pakiramdam ko. Besides bukas naman ang punta natin sa resort ng Tito Adonis mo." "Ok mommy, let's take a snack na lang po I'm hungry na kasi eh." Nag-isip pa si Audrey kung lalabas ng silid. Ayaw niya kasing makita si Adonis dahil hindi niya alam kung paano haharap dito pagkatapos ng nangyari. "Sige na mommy please... Wala po akong kasama mag-snack umalis kasi sila Tito Adonis kasama sila lolo and lola.." pagsusumamo ng bata. "Umalis sila? Saan daw pupunta? Usisa niya. "I don't know po eh.. Let's go na mommy i'm so hungry." Tumayo naman siya para lumabas at samahan ang bata kumain. Wala naman pala siyang dapat ikabahala dahil umalis ang taong iniiwasan niya. Ang totoo ay gutom na gutom na rin siya dahil pasado alas diyes na ng umaga ay hindi pa siya nag-aalmusal. Nagpasabi na lang siya sa yaya ni JM na nakapagalmusal na siya ng maaga dahil mag-aayos pa siya ng ilang gamit na dala niya. Pagkarating nila sa kusina ay nakita niyang may mga nakatakip na pagkain. May egg, bacon, pan cake at sausage roon. Nagsalin lang siya sa isang plato ng kanyang kakainin at kumuha ng isang slice ng banana cake para kay JM. "Naku mam Audrey mabuti naman po at bumaba ka na para kumain." Nakangiting sabi ng isang maid. "Bakit ho? Hindi po ba sinabi ng yaya ni JM na nakapag-almusal na ako? Tanong niya rito. "Ay mam sinabi po, kaya lang ang sabi ni Sir Adonis ay hindi ka paw bumaba dahil maaga pa lang ay nasa kusina na siya. Kaya ipinagtabi ka niya ng almusal dahil baka magutom ka raw." Mahabang sabi ng kanilang maid. Napangiti lang si Audrey at tumalikod na para puntahan si JM sa tabi ng pool. Duon kasi nila naisipang kumain. Hindi niya alam kung anong mararamdaman ng mga sandaling iyon. Kinikilig siya oo, pero bakit iyon ginagawa ni Adonis ngayon? Kailan lang galit siya tapos ngayon bigla na lang siyang magpapakita ng concern? Nagsimula silang kumain ni JM. Sa sobrang gutom niya ay naubos niya agad ang pagkain na kinuha niya. Ni hindi na nga niya naiintindihan ang mga kuwento ng bata dahil nasa pagkain ang focus niya. "Mabuti naman at bumaba ka na para kumain." Nanlaki ang mata niya nang marinig ang boses ng nagsalita sa likod niya. Bakit siya nandito? Akala ko ba ay umalis siya ng mansion? Naupo si Adonis paharap sa kanya at tila ba sinusuri siya sa mga titig nito. Nagmadali siyang tumayo at nagpaalam kay JM na aakyat na muna dahil may gagawin pa siya. Ni hindi siya lumingon sa mga ito. Lakad takbo ang ginawa niya dahil ayaw pa niyang makaharap si Adonis.Pagpasok sa silid ay saka lang siya nakahinga ng maayos. Sobra ang kaba na naramdaman niya kanina. Paano ko ba siya maiiwasan? I'm so dead...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD