Chapter 14

802 Words
Nang ihatid ni Audrey sa mansion si JM kinalingguhan ay wala roon si Adonis. Nasa Villa Royale daw ito at sa Lunes na ang balik. "For sure, kasama niya ang kanyang girlfriend." Sabi ni Senyor Rizaldo. Doon na siya naghapunan sa mansion dahil na rin sa imbitasyon ni Senyora Ofelia. "Mukhang palikero ang anak mo, Rizaldo. Nabalitaan kong may girlfriend din siyang iniwan sa New York. Panay ang long distance call no'ng babae at balak daw sumunod dito sa Pilipinas." "Anak ko nga si Joaquin, kuhang-kuha niya ang kalokohan ko sa babae noong kabataan ko." Natatawa at naiiling na sabi nito. "At inaamin mo yan ngayon sa harap pa mismo ni Audrey." "Okey lang ho, hindi naman po ako iba sa inyo." "Pero noon iyon iha, noong kabataan ko pa. Nang makilala ko ang mama mo, wala na kong ibang babaeng tiningnan." "Hmmp..." Natatawa ngunit nakairap na reakayon ni Senyora Ofelia. Bahagya lamang siyang ngumiti. Kahit na ang pagkain ay wala sa loob niya. Parang may kulang ang dinner na iyon. Si Adonis ba? At pakiramdam niya ay magkakasakit siya kapag naiisip na kasama nito si Jackie sa romantikong isla ng Villa Royale. "Iha, sa saturday morning ang punta natin sa Villa Royale Island." Paalala ni Senyor Rizaldo. "Don't worry, hindi natin kailangan ang hassle ng mahabang land trip. May private plane naman ang pamilya." Sasama ba siya? Tiyak na naroon si Jackie. At maiinis lamang siya. "Sige ho, sasama po ako." Ang dahilan ng kanyang pagsama ay para mabantayan si Adonis at makilatis ang mga babaeng napapalapit dito. Lunes na nang hapon pumasok sa opisina si Adonis. Nalaman ni Audrey ang pagdating ng binata mula sa sekretarya nito. After an hour ay ipinatawag siya ni Adonis sa opisina nito. Matagal siyang tumayo sa tapat ng pinto niyon bago tuluyang pumasok. "Kailangan mo na ba ang report for this quarter Sir?" Bungad niyang tanong dito. Hindi siya makatingin nang tuwid sa mga mata nito. "Hindi ang report ang kailangan ko Audrey. Ang apology mo ang kailangan ko." "Apology? At bakit naman ako mag-a-aplogize sa iyo?" Nagtatakang tanong nito. "Don't you think na binastos mo ako nang magpunta ako sa town house mo para kunin si JM?" "Wala akong natatandaan na binastos kita Sir, sinabi ko naman sayo na pagod ako at gusto ko nang magpahinga." "Oh really? Ni hindi ka man lang nag-alok kahit lason." "Iyon ba? Gusto mo pala ng lason hindi mo naman sinabi." Nang-aasar pa niyang sagot. Lalong nagsalubong ang makapal na kilay nito. Galit itong umahon sa swivel chair at ipinalo pa ang dalawang palad sa desk nito. "Kaya pala ipinilit mong umalis ng mansion dahil nahihiya kang makita nina papa at mama ang paghahanap mo kaagad ng kapalit ni Wacky." "Hindi ako nag..." Napahinto siya sa sinasabi. Selos nga ba ang nasisilip niya sa mga mata ni Adonis? Kung selos nga, sasamantalahin niya ang pagkakataon. "Well, anong masama kung mag-entertain uli ako ng suitors? Dalaga na uli ako. At maganda. Nakapagtataka ba kung pumila ang suitors ko? Nakakahiya naman kina mama kung sa mansion pa magpunta ang mga admirers ko." Sinabi lamang niya iyon para asarin si Adonis "Mas mabuti pang bumalik ka na sa mansion." Hindi iyon suhestiyon kundi utos. "Wala akong nakikitang karapatan mo para idikta kung saan ako titira. Buhay ko ito at wala kang karapatan." Maigting niyang sabi. He stared at her for a long moment. Naniningkit ang mga mata nito. He made two steps palapit sa kanya. Napaatras siya. "Gusto mong hindi na makita si JM?" "What are you saying, Adonis?" "Matamlay si JM kapag hindi ka nakikita araw-araw. May mga pagkakataong hindi siya kumakain at umiiyak na lang sa kuwarto niya. Naalala raw niya ang daddy niya. Hindi pa rin siya nakakapag-adjust sa pagkawala ni Wacky. At alam naming ikaw lang ang makapagpupuno niyon." Natahimik siya, bigla siyang nag-alala para kay JM. "Totoo ba yang sinasabi mo?" Tumango siya. "I suggest na alalayan mo si JM sa paglaki niya hanggang sa kaya na niya. Kahit hindi siya tunay na Araneta, katulad ni Wacky, itinuring na siya nina mama na sarili nilang apo. Mahal na mahal nila ang bata and they wanted the best for him." Totoo bang si JM ang dahilan kaya siya pinababalik ni Adonis sa mansion? Hindi kaya gusto lamang siya nitong bantayan para hindi maligawan ng iba? Lihim siyang napangiti. Pero siyempre hindi niya iyon ipinahalata kay Adonis. "S-sige. Babalik na ako sa mansion." Kinagabihan. Hindi makatulog si Audrey. Nabigla yata ng desisyon na bumalik ng mansion. Nalilito siya sa pinapakita ni Adonis. Ngunit iniisip niya din na magkakaroon na sila ng pagkakaton para makapag-usap ng maayos. Sa kung anong nangyari sa kanilang relasyon. Hindi niya hangad na makipagbalikan kundi magkaroon sila ng maayos na paghihiwalay bagay na hindi nangyari sa nakaraan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD