Chapter 15

850 Words
Tuwang-tuwa ang lahat sa mansion nang magdesisyon si Audrey na bumalik roon. Lalong-lalo na si JM. Bahagi na pala talaga siya ng pamilyang iyon. Hindi na siya basta makakalayo pa. "Bakit hindi mo sinabi sa akin minsan pala ay hindi na kumakain si JM, yaya?" Tanong niya sa tagapag-alaga ni JM habang inaayos ang mga gamit niya sa silid ng bata. Doon na lamang siya tutuloy. Masyadong malaki para sa kanya ang dati nilang silid ni Wacky. Nagsuggest siya na gawin na lamang guest room iyon. "Saka madalas palang umiiyak si JM. Bakit hindi mo ako tinawagan?" "Sino ba ang nagsabi sayo ma'am na umiiyak at hindi kumakain si JM ma'am?" Naguguluhang tanong ng yaya ni JM. "Si Adonis, kaya nga kinumbinsi niya akong bumalik dito dahil nag-aalala ako kay JM." "Ma'am, matalinong bata po si JM. Saka maganda naman ang explanation ninyo sa kanya kung bakit kayo lumipat ng tirahan. Kapag namimiss ka niya, kinukulit niya akong tawagan ka. Pero hindi ko naman nakitang umiyak siya o hindi kumain." Mahabang salaysay nito kay Audrey. Bigla siyang natigilan sa pag-aayos ng mga gamit niya sa closet. Kinutuban siya. Kung ganun ay gimmick lamang pala ni Adonis ang mga pinagsasabi nito. Nagmamadali siyang lumabas ng silid at sumugod sa silid nito. Malakas na kinatok niya ang pinto. Matagal bago siya pinagbuksan ni Adonis. At wala pa itong suot na pang-itaas. Nakatapis lamang ito ng tuwalya sa baywang. Tumutulo pa ang buhok nito. Parang may kung anong hatid na kiliti sa kanya ang bawat patak ng tubig mula sa tumutulong buhok nito, pababa sa balikat at dibdib nito. Sexy! Gorgeous! Bawat sulok ng katawan nito ay tila nang-aakit. Biglang bumalik sa isip niya ang mga sandaling pinagsaluhan nila bago ito umalis papunta sa Amerika three years ago. At ngayon ay gusto niyang ihilig ang ulo sa matipunong dibdib nito; yakapin ito at magpailalim sa kapangyarihan ng p*********i nito. Parang gusto niyang mapapikit sa mabangong amoy na sumalubong sa kanya. Bagay sa personalidad nito ang amoy ng sabon at shampoo na ginamit nito. "Yes? Saan ang sunog? Nakakalokong tanong nito Biglang napalitan ng inis ang paglilikot ng kanyang imahinasyon. "Bakit ka nagsinungaling sa akin? Ginamit mo pa si JM para paikutin ako?" "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sinuklay nito ang basang buhok papunta sa likod. Isang simpleng gesture lamang iyon pero lalong nagpalutang sa nag-uumapaw nitong s*x appeal. "Hindi naman pala totoo ang mga sinabi mo eh. Normal naman pala ang mga ikinikilos ni JM. Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin para lang bumalik ako dito?" "Totoo naman ang sinabi kong kailangan ka ni JM, what's wrong with that?" "Alam mo, hindi ko alam kung anong agenda mo at ginawa mo ito Adonis. Pero ito na ang huling pagkakataon na pakikialaman mo ang buhay ko." "Ibang-iba ka na talaga Audrey." Nakakiling ang ulo nito habang tumaas-bumaba ang tingin niyo sa kabuuan niya. "Pero gusto ang pagiging mataray mo. Lalo kang gumaganda." "Tse!" Tinalikuran na niya ito. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay naagapan siya nito sa isang kamay at hinila paloob ng kanyang kuwarto. Pagkasara ng pinto ay isinandal siya nito sa pinto. "Let go of me!" Pinilit niyang patapangin ang anyo kahit ang totoo ay parang unti-unting nalulusaw ang mga buto niya sa mga binti. What she wanted to do was run away; ilayo ang sarili rito at sa lahat ng masasakit na alaalang iniwan nito sa puso niya. Pero ayaw niyang ipahalata rito na ganoon pa rin kalakas ang epekto ng nearnes nito sa kanya. Ngunit sa halip na bitawan siya ay marahas siya nitong kinabig at walang kaabog-abog na kinamkam ang mga labi niya na parang pag-aari pa rin siya nito. She stiffened. Shock, excitement... Iyon ang mga damdaming bumuhay sa buo niyang pagkatao sa kapangahasan ni Adonis. Ngunit bakit wala siyang ginawa para bawiin ang mga labi niya at makawala sa mga yakap nito? Dahil ba walang papantay sa sarap ng halik nito na isa sa mga dahilan kaya nahihirapan siyang kalimutan ito nang lubusan? Ilang minuto nang magkahinang ang kanilang mga labi ngunit sa wari ay walang gustong bumitaw. Hanggang sa naramdaman niyang unti-unti na pala siyang inihiga sa kama at kinubabawan. Naging mas erotiko ang paraan nito ng paghalik. Hindi nito maitatago ang pananabik sa mga halik na iyon. Pero nang maalala niyang marami nang nahalikan ang mga labi nito, lalo na ang Jackie na yun. Bigla siyang nagkaroon ng lakas para itulak si Adonis. Nagawa pa niya itong sampalin. Pero sampal ba ang tawag doon? Parang sampal ng isang taong tatlong araw ng hindi kumakain. Walang kapuwersa-puwersa at halos sumampi lamang sa pisngi nito. "Huwag kang magkakamaling ulitin iyon." Pinilit niyang magmukhang galit kahit na ang totoo ay nanginginig pa ang mga labi niya dahil sa naiwang epekto ng halik nito. Matagal din niyang pinanabikan ang mga halik nito. "Or else..." "Or else what?" Nakangising tanong nito habang muling inilalapit ang mukha sa kanya Itinulak niya ito. Nakasilip siya ng pagkakataong makawala mula sa kuwartong iyon ng binata. Halos patakbo siyang lumabas ng silid nito. Ngunit dinig na dinig niya ang nakakalokong halakhak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD