Episode 4

1971 Words
It was almost nine in the evening when Nicholai's phone rang. Medyo inaantok na rin kasi siya kaya tinatamad na siyang tumayo. At isa pa, maaga pa siyang papasok sa kompanya nila bukas. Bukas na rin kasi ang opening ng bago nilang branch. Ang Samaniego Cars na bubuksan nila sa Quezon City. Well, he's the CEO of their own company. Samaniego Cars, Incorporated. By the way, He's Nicholai David Samaniego. The only son of Jenny and Roman Samaniego. Her parents were the owners of Samaniego Cars, Incorporated. One of the biggest and most reliable car companies in the Philippines. Seryoso siya pagdating sa pagpapatakbo ng kompanya nila dahil malaki ang tiwala ng mga magulang niya sa kaniya. His father is the president of Samaniego Cars, Incorporated while he's the Ceo. Ang mama niya naman ay nanatili lang sa bahay nila dahil medyo seloso ang daddy niya. Ayaw raw nito na may mga lalaking napapatingin sa mommy niya kahit pa nga may edad na ang mga ito. Kahit may edad na ang daddy niya ay napaka-possessive pa rin nito kapag ang mommy niya na ang pinag-uusapan nila. Kinakatakutan siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya dahil kagaya ng daddy niya ay lagi rin siyang seryoso. Makita pa lang ng mga ito ang bulto niya ay nagtatakbuhan na ang mga ito na para bang may nakakahawa siyang sakit. Minsan pa nga ay nanginginig ang ibang tauhan nila kapag kinakausap niya ang mga ito. Kulang na lang kapusin ang mga ito ng hininga at bumulagta sa harapan niya. Kilalang-kilala rin siya bilang isang magaling na racer dito sa bansa. Halos tinitingala at pinapangarap siya ng karamihan lalong-lalo na ng mga kababaihan. Sadyang isang tao lang ang walang pakialam sa kaniya at 'yon ay si Bea Clarisse Evangelista. Ang babaeng gustong-gusto niyang asarin dahil napakabilis nitong mapikon. Ang kapatid ng bestfriend niyang si Francis na laging galit sa tuwing nakikita nito ang anino niya. Wala pa man siyang ginagawa ay mainit na kaagad ang ulo nito sa kaniya. Lahat ng tungkol sa kaniya ay kinaiinisan nito kaya naman imbes na iwasan ito ay mas lalo niya pa itong nilalapitan. Hanggang sa ngayon ay gano'n pa rin ang sitwasyon nila ni Clarisse. Simula noon hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago. They were like cats and dogs. Kapag wala siyang ginagawa ay bigla na lang siyang napapadpad sa bahay ng bestfriend niya para lang asarin si Clarisse. Anytime naman ay welcome siya sa bahay ng mga ito kaya wala siyang problema kahit pumunta pa siya kahit alanganing oras na. Muling bumalik ang atensiyon niya sa nagwawala niyang cellphone. Buti hindi napupudpod ang daliri ng taong tumatawag sa kaniya ngayon. "f**k!" Hindi kasi naka-silent ang cellphone niya dahil in-a-update siya ng mga tauhan niya tungkol sa magiging opening nila bukas. Nang sabihin ng mga tauhan niya na 'It was all set, especially the whole security' doon lang siya nakahinga nang maluwag. Sigurado kasing dudumugin na naman ng mga mayayamang negosyante ang mga sasakyan nilang bagong modelo na sila pa lang ang unang maglalabas. "What the hell! Who the f**k is calling to me at this f*****g hour!" Napabuga na siya ng hangin at marahas na tumayo mula sa pagkakahiga niya sa kama. Naiinis siyang dinampot ang cellphone niya na nakapatong sa mini table niya. Ang aburido niyang mukha ay napalitan ng ngisi matapos niyang matingnan kung sino ang tumatawag. The person who was calling right now is his best friend named Francis Josh Evangelista, Bea Clarisse's brother. Ang nakatatandang kapatid ng babaeng sinasabihan niya lagi na may galis kahit wala naman talaga. Ang isa sa mga kaibigan niya na chef sa sarili nitong restaurant Marami na ring branch ang restaurant ng mga ito dahil talaga naman seryoso ito sa buhay. Halos hindi na nga rin yata nagpapahinga ang kaibigan niya para lang mapalago ang negosyo ng pamilya nito. "Dude," bungad niya mula sa kabilang linya nang pindutin niya ang answer button. "Bakit ka napatawag?" "Naistorbo ba kita?" "Hindi naman. Sa katunayan, medyo bored nga ako ngayon, eh," pagsisinungaling niya pero ang totoo ay kanina pa gustong pumikit ng mga mata niya. "Bakit? May problema ba?" "Meron." "Hindi mo ba kayang solusyunan mag-isa?" "Hindi, eh. Puwede bang pumunta ka muna rito sa bahay namin sandali? May itatanong lang sana ako sa 'yo." "Bakit hindi mo pa itanong ngayon?" tanong niya kay Francis. "Confidential ba 'yan?" Narinig niya mula sa kabilang linya na mariing tumututol si Clarisse na papuntahin siya sa bahay ng mga ito na lihim niyang ikinatawa. Takot na takot kasi ang babaeng 'yon sa kaniya dahil isa raw siyang demonyo na nagkatawang tao. "Bakit ba kasi kailangan mo pa siyang papuntahin dito, Kuya? Gabing-gabi na ang dami mo pang iniistorbong tao." "Will you shut up, Clarisse? Kanina mo pa ako kinukulit sa ginagawa ko, 'di ba? So do me a favor, will you? Now, go back to your seat and relax!" narinig niyang singhal ni Francis sa babaeng paborito niyang asarin. "Ano ba kasi ang problema, Pare?" nagtataka niyang tanong sa kaibigan niya. Bakit nito pinapagalitan ang kapatid nito? At bakit ayaw siyang papuntahin ni Clarisse sa bahay ng mga ito? Ay, Oo nga pala! Ayaw nga pala nito sa presensya niya. Hindi kaya may ginawang kabulastugan si Clarisse at magpapatulong ang kaibigan niya sa kaniya? Pero imposible rin naman ang iniisip niya dahil alam niyang matinong babae si Clarisse. "Hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo sa cellphone lang. As I said earlier, can you come here to our house right now, Dude?" Huminga siya ng malalim. "Oo naman! Malakas ka sa akin, eh!" "Thank you. I will wait for you in the living room. Bye." "Alright, Bye." Habang nagda-drive papunta sa bahay ng bestfriend niya ay hindi niya maiwasang hindi mapangisi. Makikita niya na naman kasi si Clarisse. Hindi niya kasi alam kung bakit ang laki ng galit nito sa kaniya. Alam niya kasi ang mga buladas ng mga lalaking gustong makipaglapit dito kaya bago pa man makaporma ang mga iyon ay lagi siyang umeeksena. 'Yon siguro ang dahilan kaya halos isumpa siya nito na labis niya naman na ikinatutuwa. "Good Evening, Sir," magalang na bati sa kaniya ng security guards na nakatoka ngayon sa subdivision kung saan nakatira ang matalik niyang kaibigan. "Good Evening, too," balik niyang bati sabay ngiti ng matipid. Nakabukas naman ang entrance door kaya tumuloy na kaagad siya sa loob. Biglang naningkit ang mga mata niya nang makitang palakad-lakad si Clarisse na tila hindi mapakali. Ano kaya ang ginawa ng babaeng 'to? Mukha kasing lugmok ang hitsura nito ngayon, eh. Samantalang magkakatabi naman sa upuan sina Mang Rogelio at Mang Tacio, ang mga taong katulong ni Francis sa restaurant na tila aburrido. Naroon din si Mang Adolfo na isang hardinero. Si Mang Nicanor naman na isang karpintero. Si Mang Ben naman ay ang personal driver ng kaibigan niya na kulang na lang ay humilata na sa sofa kung saan ito nakaupo. May edad na kasi ang mga ito kaya nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon ay gising pa ang mga ito. "Hi," untag niya sa mga taong naroon. Napansin niyang tila nagliwanag ang hitsura ng mga taong naroon maliban kay Clarisse. Halata kasing nagulat ito nang magsalita siya dahil bahagya pa itong napasigaw sabay lundag. Tsk! "May problema ba, Francis?" tanong niya sa kaibigan niya pero ang atensiyon niya ay nakatutok lang kay Clarisse. Namumutla na kasi ito ngayon at hindi makatingin ng diretso sa kaniya na ikinataas ng mga kilay niya. Nakapagtataka naman yata! Ang Clarisse kasi na kilala niya ay laging masama ang tingin sa kaniya. Daig pa kasi nito ang mga mata ng kuwago kung makasulyap sa kaniya. Eh, bakit ngayon, hindi nito magawa? "There you are, Nicholai," saad ng kaibigan niyang si Francis. Kumunot ang noo niya. "Ano'ng meron?" "May mahalaga kasi akong itatanong sa 'yo. I want you to be honest with me, Nicholai." "Kailan ba ako nagsinungaling sa 'yo?" "Totoo ba?" "Ang alin?" "Na bakla ka?" walang habas nitong tanong dahilan para umurong ang laway niya. Hindi niya kasi makapa kung ano ang susunod niyang sasabihin. Pati yata itlog niya umurong dahil sa sobrang hiya! f**k! Nang mag-sink in sa utak niya ang naging tanong nito ay napasigaw siya nang malakas. "Who told you? 'Yon ba ang dahilan kaya pinapunta mo ako rito? Matagal na tayong magkasama, Francis, 'di ba? Minsan ba napansin mong nagpantasya ako sa kapwa ko lalaki?" Parang gusto niyang ingudngod sa lupa ang taong nagsabi kay Francis na bakla siya. "Totoo rin ba na puro matatanda ang mga tipo mo, Nicholai?" pagpapatuloy nito sabay nguso sa mga matatandang lalaki na halos mga nakapikit na kaya napangiwi siya. Pati 'yong mga taong maghapon na nagtrabaho ay nadamay pa sa kabaliwan ng mga ito. "Kuya, stop it!" pigil ni Clarisse sa kuya nito. "Tangina! Sino'ng nagsabi sa 'yo? Sabihin mo sa akin kung sino ang nagsabi sa 'yo na bakla ako para masikmuraan ko! Sisikmuraan ko siya ng sampung beses sa harapan mo kapag hindi niya napatunayan na bakla ako!" Ang mga taong naroon ay palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Francis at bakas sa mga mukha nito ang pagtataka. Biglang nabaling ang atensiyon niya kay Clarisse nang lapitan nito si Francis. Kalaunan ay hinatak-hatak nito ang laylayan ng damit ng kapatid nito. "Si Clarisse ba ang nagsabi sa 'yo na bakla ako, ha?" tanong niya kay Francis na ikinapitlag ng nakababata nitong kapatid. Bigla naman na nanlaki ang mga mata ni Clarisse at kasabay noon ay ang panlalaki pati ng mga butas ng ilong nito. "Why me?" Tumayo siya ng deretso at humalukipkip habang nakatingin dito. She looks guilty for him. Binalingan niya ang mga matatandang naroon. "Magpahinga na po kayo dahil medyo malalim na po ang gabi," aniya sa mga lalaking may edad na dahilan para tumayo na ang mga ito at isa-isa ng nagpulasan. Nang mawala sa paningin niya ang mga matatanda ay ibinalik niya ang paningin niya sa magkapatid. "Clarisse told me that you're a gay," panimula ni Francis. "Nakita ka raw niyang nakatitig sa mga tauhan namin kaya naman pinapunta ko sila rito para makita ko kung ano ang magiging reaksiyon mo." Inismiran niya si Francis. "Dinamay niyo pa 'yong mga matatanda sa kabaliwan niyo." Tumingin siya kay Clarisse na ngayon ay halatang nagsisisi na. "I'm gay, huh! Gagawa ka na nga lang ng kuwento hindi mo pa ginalingan." "Wala nga akong sinasabi na bakla ka!" "Huwag ka nang magpaliwanag dahil nangyari na ang mga 'di dapat mangyari, Clarisse. Iniisip ko tuloy ngayon na baka gusto mo lang mahalikan kaya ipinagkalat mo na bakla ako. Gusto mo bang halikan kita, ha, Clarisse?" "Hoy! Hindi ko kailangan ng halik mo dahil busog na busog ako sa halik ni Berting!" "Sino? 'Yong basurero mong boyfriend? 'Yong supot na tapos mabaho pa ang kilikili?" "A-ano?" "Talaga naman, ah! May galis ka, may anghit siya. Oh, 'di ba, bagay kayo?" "Maiwan ko na kayong dalawa. Magbangayan kayo riyan magdamag kung gusto niyo," pahayag ni Francis sabay alis bitbit ang laptop nito. Sanay na sanay na kasi ito sa kanilang dalawa ni Clarisse. "Bakla ka naman talaga, eh." Nang akmang magsasalita siya para sitahin si Clarisse ay bigla na lang itong kumaripas ng takbo paakyat. Kaya ang nangyari ay bahagya nitong nabangga si Francis na naging dahilan para mapaupo ito sa hagdanan. Makakabawi rin siya sa babaeng 'yon sa ibang araw. Sabagay, mabilis din naman siyang makakabawi kay Clarisse, eh. Ang branch kasi ng Samaniego Cars, Incorporated na bubuksan nila bukas ay harap lang ng isa sa mga restaurant ng mga Evangelista kung saan si Clarisse ang chef. Kaya ngayon, hahayaan niya na muna itong magsaya sa ginawa nitong paninira sa maganda niyang imahe. Dahil sa mga susunod na mga araw ay sisiguraduhin niya na ang babaeng galis na 'yon ay mas lalo niya pang iinisin hanggang sa magmakaawa ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD