Episode 5

1734 Words
"Hi, Clarisse Galis." Kahit hindi lumingon si Clarisse ay alam na alam niya kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. Maaga kasi siyang pumapasok dito sa restaurant niya dahil naglilinis muna siya bago siya mag-umpisang magluto. Mabuti na lang at wala pang katao-tao nang tawagin siya nito sa pangalan na paborito nitong itawag sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nandito na kaagad ito ngayon samantalang alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. Mamaya pa kasing alas-nuebe ang bukas ng restaurant niya pero itong si Nicholai nakapasok na kaagad na animo'y magnanakaw. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Bestfriend nga pala ito ng kapatid niya kaya hindi na siya gaanong nagtataka. Kung umakto kasi ito ay parang isa ito sa mga miyembro ng pamilya nila. Halos araw-araw ay nandito ang lalaki para lang pintasan siya. Imagine? Ang layo ng restaurant niya mula sa bahay nito pero nakakarating pa rin ang lintik na 'to rito. Siguro mamamatay ito kapag hindi siya nito nakita at naasar sa loob ng isang araw. "Snob, huh!" anas nito. Hindi niya kasi ito binati o tinapunan man lang ng tingin. Sigurado kasing iinit lang ang ulo niya kapag hinarap niya ito. "Miss Galis, can you get my order?" Sa pagkakataong iyon ay hinarap niya na si Nicholai habang nanlilisik ang dalawa niyang mga mata. "Uh-uh! You're scary, Clarisse! Ang laki ng mga mata mo! Goodness!" bulalas nito. "Bakit ba nandito ka na naman, ha? Sisirain mo na naman ba ang araw ko, ha, Nicholai? Hindi ka na ba talaga magbabago? Hindi ka ba talaga titigil sa katatawag ng galis sa akin, ha?" "Maganda naman, ah. Bea Clarisse Galis. Ang ganda ngang pakinggan, eh. Magkatunog kasi kaya ang gandang pakinggan sa tainga," balewala nitong sabi na halatang nang-aasar. Kung ito tuwang-tuwa, siya naman ay inis na inis! "Lumayas ka rito sa restaurant ko dahil kung hindi ipagkakalat ko na bak–" "Ipagkakalat mo na ano?" Pinutol nito ang pagsasalita niya. "Na bakla ako?" "Ipagkakalat ko na may luslos ka! Na 'yang itlog mo ay mas mahaba pa sa p*********i mo!" pananakot niya pero parang hindi man lang ito tinablan. Imbes kasi na matakot si Nicholai ay tumawa pa ito ng malakas na animo'y kontrabida sa pelikula. "Really?" "Oo." "Paano mo naman nasabing may luslos ako? Siyempre hahanapan ka nila ng ebidensiya niyan," anito. "Ano'ng ipapakita mo?" Oo nga naman! Baka wala siyang maibigay kapag hiningian siya ng ebidensiya ng mga taong pagkukuwentuhan niya na may luslos nga ito. Nang hindi kaagad siya makasagot ay nginisihan siya nito. Ngising malademonyo! 'Yong ngisi talaga nito nakakainis! Ngisi pa lang nito aatakehin ka na ng altapresyon mo dahil siguradong tataas ang dugo mo kapag ito ang kausap mo. "Baka naman 'yong boyfriend mong si Berting ang may luslos dahil sa kabubuhat niya ng mga basura." Umiling-iling pa ito. "Kawawa ka naman. Magkakagusto ka na nga lang sa lalaki, doon pa sa may luslos. Ibang klase ka rin, eh, 'no? Ang lakas ng trip mo, Clarisse!" "Ano'ng order mo?" tinatamad niya tanong sa lalaking salot sa buhay niya. Pinili niya na lang na kunin ang order nito kesa makipagtalo pa. Ipagluluto niya na lang ito para makaalis na kaagad ito sa harapan niya pagkatapos nitong kumain. "'Yong pinakamasarap." "Lahat ng luto rito masarap," nakairap niyang sabi sa lalaking sumisipol-sipol pa na animo'y manyakis. "Mukha kasing hindi masarap ang mga luto rito, eh." Nagpalinga-linga pa ito sa paligid. "Mukha kasing bodega 'tong restaurant mo." Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para hindi niya ito masikmuraan. Ang restaurant kasi nila ay isa sa mga dinarayo ng mga tao. Bukod kasi sa masarap ang mga luto rito, hindi rin ganoon kamahal ang presyo ng mga pagkain na taliwas sa mga sinasabi ni Nicholai. Abot-kaya ang presyo pero de-calidad ang mga ito dahil halos buong buhay niya ay iginugugol niya na sa pagluluto. Para kasi sa kaniya. Isang karangalan ang mapasaya ang lahat ng mga taong dumarayo rito para lang matikman ang pagkain na siya mismo ang nagluluto. Lahat din ay welcome rito at walang pinipili na antay ng pamumuhay. Mahirap man o mayaman ay welcome na welcome rito sa restaurant niya. Si Nicholai lang talaga ang bawal dito dahil bukod sa nasisira ang araw niya ang pangit pa ng mukha nito. Ang hayop lang na 'to ang nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa restaurant niya. Kaya imposible ang sinasabi nito na hindi masarap ang mga menu niya. Sadyang salot lang talaga ito at inggitero. Si Nicholai rin ang pinakareklamador sa lahat ng mga customer niya. Ang tabang daw ng lasa ng mga pagkain na sini-serve nila. Halatang kuripot daw ang may-ari nito dahil tinipid daw ang mga ingredients. Ang lagkit daw ng sahig nila. 'Yong bintana raw kadiri dahil ang daming sapot ng gagamba. Hindi raw maganda ang ambiance nitong napili niyang lugar. Hindi niya alam kung bulag ba ito o duling para hindi nito makita ang kagandahan ng lugar. Ang dami nitong sinasabi at harap-harapan pa ito kung insultuhin siya. In short, ang pangit daw ang restaurant niya pati na ang may-ari nito. Ang malas niya raw dahil isinilang siya dito sa mundo para lang pagtawanan ng mga tao. Which is, ito lang naman talaga ang kaisa-isang tao na pinagtatawanan siya. Ang pangit niya raw kasi. See? Sinong hindi mabubwesit? Minsan naman sinasabi nitong halatang dugyot daw ang mga service crew niya. Sabagay, may galis daw siya kaya inaasahan na raw nitong ganoon din ang mga crew niya. Kung hindi nga lang masamang pumatay, malamang matagal na 'tong nailibing. Siguro nga buto na ito ngayon, eh. Minsan nga iniisip niya na maglagay ng bomba sa sasakyan nito para happy ending na, eh. Kaya lang hindi naman siya ganoon kasama kagaya nito. "Anong order mo? Bilisan mo na dahil mamaya marami nang customers dito kaya hindi na kita maaasikaso," saad niya rito sa tinatamad na boses. Talo niya pa ang nagluluksa dahil talaga namang nakakawala ito ng ganang kausap. Pinasadahan siya nito ng tingin mula sa ulo hanggang paa. "Naghuhugas ka ba ng kamay kapag nagluluto ka, ha, Clarisse?" tanong nito na nakadagdag lalo sa inis na nararamdaman niya. Ano'ng akala nito dugyot siya? Ang mga tanong talaga nito nakakainit ng ulo. Kung alam lang nito na three times a day siya maligo! Buwesit na 'to! Baka nga daig niya pa ito pagdating sa personal hygiene, eh. "Ano sa palagay mo?" Kapag kausap niya si Nicholai nawawalan talaga siya ng lakas. "Para kasing hindi mo hinuhugasan 'yang mga kamay mo kapag nagluluto ka, eh! 'Yang buhok mo parang ang lagkit-lagkit din." Kumunot pa ang noo ng pangit na 'to. "Naliligo ka ba, ha, Clarisse? Kababae mong tao ganiyan ka. Siguro 'yong mga customer mo rito naaawa lang sa 'yo kaya napipilitan silang kumain. Wala bang tubig sa bahay n'yo, Clarisse? Kung walang tubig sa inyo, puwede kang pumunta sa amin." Umakto pa ito na nambubugaw ng invisible na langaw. "f**k! Ang daming langaw! Baka pati puwet mo hindi mo hinuhugasan kapag nagbabawas ka, ha! Utang na loob, Clarisse! Baguhin mo na 'yang style mong bulok!" "Tapos ka na? Well, gusto kitang batiin dahil lahat ng mga lumabas sa pangit mong bibig ay tama." Tutal ganoon naman pala ang iniisip nito sa kaniya kaya sasakyan na lang niya ang trip nito. "Nagkakasakit kasi ako kapag naliligo ako, Nicholai. Simula kasi pagkabata hindi talaga ako sanay na hinuhugasan 'tong puwet ko. Kaya sa tuwing nagbabawas ako wala nang hugas-hugas pagkatapos dahil isinusuot ko na kaagad ang panty ko at saka nanghihinayang din kasi ako sa tubig. Gano'n talaga ang buhay at ayaw ko nang baguhin pa ang nakasanayan ko." Kulang na lang makita niya ang bagang nito sa lapad ng pagkakangiti nito. "Hindi rin pala ako nagpapalit ng damit kaya siguro may mga panibagong buni na naman na tumutubo rito sa katawan ko." Umakto pa siya na kunwa'y may detalye pang nakalimutan. "May nakalimutan pa pala ako, Nicholai. Hindi rin pala ako nagpapalit ng panty ko araw-araw. Kaya nga ang dami nang sugat ng puwet ko, eh. Paano, nagpapalit lang ako kapag sobra na ang pangangati ng puwet ko." Habang nagsasalita siya ay walang emosyon ang mukha niya. Pagkatapos niyang magsalita ay tumawa ng malakas ang hayop sa harapan niya at halos umalingawngaw iyon sa kabuuan ng restaurant niya. "Kaya pala hindi ka nilulubayan ng galis mo, eh. Look at your skin, mula rito sa kinauupuan ko kitang-kita ko na rin 'yang mga libag mo, Clarisse. Tangina! Nandidiri ako ngayon habang kausap ka!" Nandidiri raw! Tsk! Eh, bakit hindi pa ito lumayas sa harapan niya? "Ano'ng pakialam mo? Kung naiinggit ka gumaya ka. Try mo rin kayang gayahin ang style ko, Nicholai. Promise, mag-eenjoy ka talaga." Mahina lang ang tinig niya dahil kung lalakasan niya ang boses niya siya rin ang magiging kawawa sa huli. "Para ano? Para layuan ako ng mga babae? No way!" Ngumiti siya ng walang buhay rito. "Gawin mo muna saka ka magreklamo. Sobrang saya kaya. Makakatipid ka na sa tubig, makakatipid ka pa sa pera." Kapag si Nicholai talaga ang kausap niya pakiramdam niya tumatanda siya ng sampung taon. Umakto pa ito naduduwal. "Sa lahat ng babaeng kilala ko ikaw lang ang ganiyan, Clarisse! Kaya siguro walang nanliligaw sa 'yo dahil ang baho mo, eh." Habang nagsasalita ito ay nakataas ang mga kilay niya. Kalalaking tao napakadaldal nitong buwesit na 'to. Kalaunan ay huminga ito ng malalim. "Bigyan mo nga ako ng kape, Clarisse. Gusto kong mainitan 'tong sikmura ko dahil pakiramdam ko masusuka ako anumang oras, eh." "Wala kaming kape," pormal niyang tugon. "Bakit wala? 'Clarisse Galis Friendly Restaurant' ang pangalan nitong restaurant mo, di ba? Bakit walang kape? Ibig sabihin hindi kayo friendly?" "Sold out na." Hindi naman ito cafe kagaya ng sinasabi nitong buwesit na 'to dahil isa itong Casual Dining Restaurant. Hinampas nito ang lamesa na parang tanga. "Hindi puwede 'yon, Clarisse! Gusto ko ng kape!" "Sagot ko na 'yong mainit na tubig, Nicholai. Sa labas ka na lang bumili ng kape na nakalagay sa sachet. Bumili ka ng isang dosena at ipagtitimpla kita hanggang sa malunod ka." "Inuutusan mo ba ako, Clarisse? Customer ako kaya sundin mo ang gusto ko. I want a coffee," parang bata nitong sabi dahilan para samaan niya ito ng tingin. Kapag napuno talaga siya sa lintik na 'to. Isusugod talaga ito sa ospital ngayong umaga. Balak niya kasing buhusan ang mukha nito ng kumukulong tubig hanggang sa magtamo ito ng third-degree burn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD