Episode 3

2093 Words
"Bumukaka ka na para matapos na," utos ni Clarisse kay Nicholai. Ayaw kasi siya nitong paalisin dahil kailangan niya raw munang gamutin ang itlog nitong namamaga dahil kinurot niya ito kanina. Ni-lock pa talaga nito ang pintuan kaya hindi talaga siya makakalabas. "B-bakit may hawak kang kutsilyo, Clarisse?" nahihintakutan nitong tanong sa kaniya no'ng ilabas niya ang kutsilyo na itinago niya mula sa tagiliran niya. Bago kasi siya sumunod kay Nicholai sa kuwarto nito kanina ay pasimple muna siyang kumuha ng kutsilyo sa kusina. Alam niya kasi na kapag silang dalawa na lang ay sinasapian na ito ng mga masasamang espirito. Lahat ng kabaliwan nito ay kusang lumalabas kapag silang dalawa na lang ang magkasama. "C-clarisse, put it down, will you?" Itinuro pa nito ang kutsilyo. Medyo maliit lamang iyon pero kapansin-pansin na matalim ito. "Ito ang gagamitin kong panghawi sa bulbol mo, Nicholai. Huwag kang mag-alala dahil gagamutin ko 'yang itlog mo nang may pag-iingat kagaya ng pag-iingat na ginagawa mo." "I don't have pubic hair, Clarisse! This is neat and clean." "Lahat ng tao ay may bulbol kaya tigilan mo ako, Nicholai. Bumukaka ka na dahil marami pa akong gagawin sa restaurant. Ayaw mo akong paalisin, 'di ba? Gaano ba kalala ang pamumula ng itlog mo? Patingin nga ako?" "H-hindi naman masyadong malala, Clarisse. Puwede ka nang umuwi kung may mga gagawin ka pa. Pakisabi na lang sa kuya mo na pupunta ako mamaya sa bahay niyo para tikman ang bago niyang menu. You can go home now and thank you for your concern." Ngumisi siya kay Nicholai. "Kailangan ko pa ring i-check 'yan dahil baka mabaog ka. 'Di ba 'yon din naman ang concern mo? Come on, Nicholai. Huwag ka nang mahiya dahil wala ka namang hiya, 'di ba?" Kung kailan desidido na siya saka naman ito urong nang urong. Gustong-gusto na niyang umuwi kanina pero panay ang pigil nito sa kaniya. Pati 'yong main door ay ni-lock rin ng siraulo na 'to dahil kailangan niya raw panagutan ang ginawa niya rito. Nang akmang lalapitan niya ito ay naglakad ito paatras. Nakataas kasi sa ere ang hawak niyang kutsilyo habang seryoso ang hilatsa ng kaniyang mukha. Lihim siyang natawa dahil mukhang makakabawi na siya kay Nicholai ngayong araw. "Huwag mo na akong pahirapan pa, Nicholai. Sumuko ka na lang dahil wala ka na rin namang mapupuntahan pa." Palinga-linga ang siraulo sa paligid ng kuwarto nito kaya naman napairap siya sa kawalan. Kung pinayagan na sana siya nito kanina na makauwi, hindi sana sila hahantong sa ganitong sitwasyon. Tutal naman marami na itong kasalanan sa kaniya kaya oras na siguro para makabawi rito. Hindi kasi ito makalabas sa kuwarto nito dahil nga bukod sa ni-lock ito ni Nicholai ay kinandado pa nito. "Go home, Clarisse. Hindi naman talaga namamaga 'tong itlog ko, eh. I was just pranking you," anito sabay hagis ng susi sa kaniya. "Ikaw na lang ang magbukas ng pintuan tapos umuwi ka na. Magpahatid ka na lang kay Mang Arturo para safe kang makauwi sa bahay n'yo." Ang tinutukoy nitong Arturo ay ang personal driver nito. Umiling-iling siya. "Prank pala, ha! Pasensiya ka na dahil hindi ako nagbibiro ngayon, Nicholai." Biglang pumasok sa isip niya ang lahat ng mga ginawa nitong kagaguhan. Hindi niya maintindihan kung bakit paborito siya nitong asarin. Kahit gaano pa kaganda ang mood niya kapag nakita niya si Nicholai ay awtomatikong nasisira ang araw niya. Ipinanganak naman itong normal ni Tita Jenny pero kung umakto ito daig pa nito ang may sakit sa pag-iisip. Hindi naman niya masabing may pinagdadaanan ang gagong 'to para buwesitin siya araw-araw. Sadyang talent na talaga nito ang buskahin siya. Kaya sa araw-araw na pamumuhay niya para na rin siyang may kakambal na kamalasan. "Malas, layuan mo ako!" 'Yon ang lagi niyang usal kapag nakikita niya ang anino ni Nicholai. "Umalis ka na, Clarisse! Can you please put down the knife you're holding?" pakiusap nito sa kaniya. Magaling gumawa ng kuwento ang baliw na ito kaya it's time for her to shine now. "You know what, Nicholai? These past few days I have been so depressed because you always bully me," pagdadrama niya. "Siguro oras na para tapusin ko ang buhay mo para maging masaya na ako. Hindi naman siguro mahahalata nila Tita na ako ang may gawa kapag napahamak ka ngayon, hindi ba? Sa tingin ko naman wala rin naman masyadong maghahanap sa 'yo, eh. What do you think?" "C-clarisse, are you taking drugs? B-bakit kung ano-ano 'yang pumapasok sa isip mo?" kandautal nitong tanong sa kaniya. "For your information, I'm not bullying you, woman. I was just protecting you from the strangers." "Sinisiraan mo ako at hindi pinoprotektahan, Nicholai. 'Yong lagi mong sinasabi na marami akong galis, alipunga, an-an, at pigsa, sa tingin mo natutuwa ako roon? At saka, saan mo nakita ang mga sakit na 'yon? Kahit maghubo't hubad ako sa harapan mo ngayon, ni isang butlig wala kang makikita, 'no! Kagigil ka! Palibhasa wala kang magawa sa buhay mo. Sana sinabi mo na rin sa kanila na mangkukulam ako at saka manananggal. Nilubos-lubos mo na sana, Nicholai." Umismid ito. "Fine, I'm sorry. I promised that I will never say that to all your f*****g suitors." Halatang hindi ito seryoso. Sumenyas siya rito na lumapit ito sa puwesto niya. "Lumapit ka nga rito para magkaintindihan tayo." Umiling-iling ito. "No." "Lumapit ka na, Nicholai," aniya na kunwa'y nauubusan na siya ng pasensiya. "Bilisan mo na dahil marami pa akong gagawin sa restaurant." "Umalis ka na kasi kung may mga gagawin ka pa. Balikan mo na lang ako kapag wala ka nang gagawin. Hindi naman ako aalis ngayon, eh." "Bakit ko naman gagawin 'yon? Para bigyan ka ng chance na makatakas? No! Nandito na ako kaya tatapusin ko na ang misyon ko." "At 'yon ang tapusin ang kaligayahan ko, gano'n ba? Sa tingin mo ba magiging masaya ka kapag nanakit ka ng kapwa mo, ha, Clarisse?" "Oo naman, lalo na kung ikaw ang taong 'yon, Nicholai. Napakasarap siguro sa feelings kapag nabugbog kita." "Hijo? Nag-aaway ba kayo ni Clarisse?" Si Aling Gloria ang nasa labas. Ang isa sa mga taong nag-alaga kay Nicholai no'ng bata pa ang damulag na 'to. "Hijo, bakit naka-lock ang pintuan mo?" Nagkatinginan sila ni Nicholai sa nakasaradong pintuan. "We're not fighting, Yaya Gloria," pasigaw na tugon ni Nicholai para marinig ng matanda ang boses nito. Nasa sulok kasi ito samantalang siya ay malapit sa kinaroroonan ng pintuan. Inginuso niya ang pintuan. "Buksan mo na, Nicholai." "Ikaw na. Ibinigay ko na nga 'yong susi sa 'yo, hindi ba?" "Buksan mo na dahil baka mag-isip sila ng masama sa atin. Bakit mo ba kasi ni-lock?" "Hijo, ayos lang ba kayo riyan?" tanong ulit ni Aling Gloria. Ang tagal kasing kumilos ni Nicholai kaya lalong nagdududa ang matanda. "Ayos lang po kami." "Nag-uusap lang po kami." Magkapanabay na sagot nila ni Nicholai pero halatang hindi kumbinsido ang matanda kaya naman hinagis niya ulit ang susi kay Nicholai. "Buksan mo na kasi," inis niyang utos dito. "Oo na," walang kalatoy-latoy nitong tugon sa kaniya. Dahan-dahan pa ang siraulo patungo sa pintuan sa pag-aakalang sasaksakin niya ito habang nakatalikod. Pasimple niyang itinago ang kutsilyo sa ilalim ng kobre kama dahil baka pag-isipan siya ng masama ni Aling Gloria. "Ano ba'ng ginagawa niyong dalawa at natagalan kang pagbuksan ako ng pintuan?" tanong ng matanda nang mapagbuksan ito ni Nicholai ng pintuan. "Mayroon lang po kaming pinag-uusapan, Yaya," tugon ni Nicholai sa matanda. "Tinatanong po kasi ako ni Clarisse kung ano raw po ang mabisang gamot sa buni. Hindi raw po kasi matanggal ng ointment 'yong buni niya." Seryoso pa ang damulag na 'to habang nagsasalita. Si Aling Gloria naman ay mataman na nakikinig sa mga pinagsasabi nito. Tumingin sa kaniya si Nicholai na para bang sinasabi nito na sumang-ayon siya para hindi na ito mag-usisa pa. "Right, Clarisse?" Gusto niya itong batuhin ng kutsilyo pero hindi niya ginawa dahil palipat-lipat ang tingin sa kanila ng matanda. Ano siya tanga para umamin na may buni? Makinis at maganda ang balat niya kaya walang maniniwala na may buni siya. "Ano bang ginawa mo at nagkaroon ka ng buni, Clarisse? Hindi kaya allergy lang 'yan?" tanong ni Aling Gloria sa kaniya. Paniwalang-paniwala ito sa sinabi ng abnormal nitong alaga. "Yaya, hindi lang po buni ang meron siya!" Dahil sa sinabi ni Nicholai ay pasimple niyang sinipa ang binti nito. "Yaya Gloria, nangangati rin po ang itlog ni Nicholai, kaya po ipaglaga niyo rin siya ng dahon ng bayabas," aniya sabay irap dito. "Kung hindi po madadala sa dahon ng bayabas. Dalhin niyo na po 'yan sa derma o 'di kaya'y ipatabas niyo na lang po 'yang mga itlog ni Nicholai. Sabagay, 'wag na lang po pala kayong mag-aksaya ng panahon dahil patapon na rin naman po ang buhay niyan." Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Nicholai. "Palabiro ka pala, Hija, 'no?" Anong palabiro? Seryoso kaya siya! Gusto niyang mawala si Nicholai sa landas niya at 'yon lang ang tanging paraan para mawala ito. "Yaya, minsan po ba sa buhay niyo ay meron po kayong nakaaway?" tanong niya sa yaya ni Nicholai. "Wala naman." "Kahit po ba minsan, wala kayong nakaaway? Kahit isang beses man lang?" pangungulit niya pa. "Wala naman." "Pinagpala po pala kayo. Samantalang ako, kaakibat ko na yata ang kamalasan," aniya habang nakatingin kay Nicholai kaya natawa ito. Minsan iniisip niya na lumipat na lang ng tirahan para hindi niya nakikita ang pagmumukha nito. "Uuwi na po ako, Aling Gloria. Huwag niyo pong gugutumin si Nicholai dahil inaatake po 'yan ng kabaliwan kapag nalilipasan ng gutom." Bago siya tuluyang lumabas ng pintuan ay napalingon pa siya sa gawi ng damuho. Nakangisi ito ngayon dahil nakaligtas nga naman ito sa parusa niya. "Take care, Clarisse. Huwag kang mag-alala dahil pupunta ako mamaya sa bahay niyo. Sa susunod huwag mo na akong dadalawin dito sa bahay, ah. Huwag kang pahalata na patay na patay ka sa akin dahil nakakahiya kay, Yaya Gloria." Sarap sungalngalin ng bunganga nito. Nakakainit ng ulo at nakakakulo ng dugo. Ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na makasama ang damulag na 'to. Pagdating niya sa bahay nila ay ihinagis niya ang dala-dala niyang bag kaya nagulat ang kuya Francis niya. "Goodness, Clarisse! Hindi ka ba pwedeng magdahan-dahan?" Seryoso kasi ito sa pagtitipa ng laptop nito kaya hindi nito napansin ang pagdating niya. "Saan ka ba galing? Akala ko ba masakit ang ulo mo? Eh, bakit gala ka nang gala?" Humarap siya sa kapatid niya. "Kuya, paano mo naging kaibigan si Nicholai?" "He's smart and a friend you can count on, Clarisse. Mabait siya at seryoso sa ginagawa. We have the same attitude and that's the reason why we're best of friends." "Maghanap ka na lang kaya ng ibang kaibigan, Kuya." Bigla itong huminto sa ginagawa at mabilis na napatingin sa kaniya. "Habang tumatagal kasi mas lalong lumalala ang kaibigan mo, eh." "Bakit?" "Basta!" Kapag hindi na magkaibigan ang dalawa wala nang dahilan para pumunta ang damulag na 'yon dito. Hindi na siya nito aasarin at sisitahin sa mga bagay na gusto niya. "Nag-away na naman ba kayo?" Umiling siya. "May ginawa ba siya sa 'yo na karumal-dumal?" Umiling ulit siya. "Wala pala, eh. You know what, Bea Clarisse? Matulog ka para malinawan 'yang utak mo." "Kuya," tawag niya ulit sa kapatid niya. "Ano na naman ba, Clarisse?" "Crush daw ni Nicholai si Mang Rogelio." Napanganga ang kapatid niya dahil sa sinabi niya. "Your friend is a f*****g gay, Kuya. Kaya pala napapansin ko na parang may lihim siyang pagtingin sa 'yo, eh. Kung ako sa 'yo, iwasan mo na ang damulag na 'yon. Huwag ka nang makipagkaibigan sa kaniya dahil masisira ang buhay mo." Makakahinga siya ng maluwag kapag nawala si Nicholai sa landas niya. Ngayon pa lang parang gusto na niyang magdiwang. "Goodbye, Damulag!" anang isang bahagi ng isip niya. Sigurado siyang ipagtatabuyan ito ng kapatid niya. At kapag nangyari 'yon, wala na itong kakampi. "Pati si Mang Adolfo, si Mang Tacio, si Mang Nicanor at si Mang Ben ay pinagnanasahan ni Nicholai, Kuya. Nakakatakot siya!" Hindi niya alam kung naniniwala ang kapatid niya dahil ang haba ng sinabi niya pero wala man lang itong binibitawan na salita. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin. Basta binalaan na kita." "Well, if that is the case then I will talk to Nicholai right now, Clarisse." "F-fine!" Pinatatag niya ang boses para hindi siya nito mahalatang nagsisinungaling. "Tawagin mo na lang ako kapag dumating na siya at ako mismo ang magpapatunay sa 'yo na bakla ang kaibigan mo," aniya sabay takbo papunta sa kuwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD