Episode 6

1507 Words
Hindi mapigilan ni Nicholai ang hindi mapangiti dahil ang babaeng kapatid ng bestfriend niya ay galit na naman sa kaniya. Nag-iinuman sila ngayon ni Francis dito sa bahay ng mga Evangelista. Imbes kasi na ang mga kasambahay ang utusan niya ay si Clarisse pa ang ipinatawag niya para lang utusan ng kung ano-ano. "Clarisse, kamutin mo nga 'tong likod ko. Hindi ko kasi maabot, eh," utos niya sa babaeng kasing laki na yata nang ilong ng unggoy ang butas ng ilong nito. Silang dalawa lang ang tao rito sa garden dahil pumunta sa banyo si Francis sandali. Kaya naman may pagkakataon na naman siya na inisin ang kapatid nitong asar talo palagi. "Sundin mo na lang ang gusto ko. Titingin ka pa ng masama, eh. Bilisan mo na dahil sobrang kati na ng likod ko," aniya sa babaeng kanina pa matalim ang tingin sa kaniya. "Ang kapal naman ng pagmumukha mo, Nicholai! Ano ka, may katulong? Hindi ka pa ba uuwi? Umuwi ka na dahil wala ka nang kainuman! Hindi na 'yon babalik si Kuya kaya lumayas ka na rin. Sarap mong sikmuraan hanggang sa sumuka ka ng dugo, eh, 'no? Araw-araw na lang halos nakatambay ka rito." "Eh, 'di tumambay ka rin sa bahay bukas. Kung gusto mong tumira roon ay ayos lang. Alam ko naman na naiinggit ka sa akin kaya nauunawaan ko ang nararamdaman mo, Clarisse. Ramdam kita kaya kumalma ka." "Alam mo bang gusto kitang bugbugin sa tuwing nakikita kita, ha?" Kunwa'y pinalamlam niya ang mga mata niya. "Grabe ka naman, Clarisse. Ang sama naman ng ugali mo. Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin? Ano ba'ng ginawa ko sa 'yo para magalit ka ng ganiyan? Napakalupit mo naman sa akin. Ganito na lang ba tayo habang buhay? Matatanda na tayo kaya dapat hindi na tayo nag-aaway, ano ka ba? Dapat mahalin mo ang kapwa mo dahil nasa batas 'yan. Huwag kang mapanakit dahil hindi 'yan tama. Ang pananakit sa kapwa ay hindi katanggap-tanggap. Baguhin mo na 'yang sarili mo." "Bakit kaya hindi mo tanungin 'yang sarili mo? Tanungin mo ang sarili mo kung bakit sa tuwing nakikita kita ay gustong-gusto kitang kainin ng buhay." "Wala akong ideya, Clarisse. Sa totoo lang, napakabait kong tao. Sa buong buhay ko wala man lang akong nakaaway o nakasagutan man lang." Itinuro niya pa ang dibdib niya. "Kahit buksan mo 'to ngayon siguradong makikita mo rito ay puro kabutihan, pagpapasensiya at pagmamahal lang ang nilalaman nito. Ganoon ako kabuti, Chlarisse." Umigkas ang kilay nito. "Wow naman! Hindi ka ba nahihiya riyan sa mga pinagsasabi mo? Huwag ka ngang magkunwari! Ano ka banal? Walang bakas na mabait ka kaya manahimik ka! Dukutin ko 'yang itlog mo, eh. Nanggigigil ako sa 'yo. Naku! Kung hindi ka lang matalik na kaibigan ng kapatid ko baka matagal ka nang nabaog. Nanggigigil ako sa itlog mo, Nicholai!" Ikinuyom nito ang dalawa nitong kamao na tila ba gigil na gigil. Kung hawak lang siguro nito ang itlog niya malamang ay kanina pa humiwalay ang egg yolk niya sa egg whites. Lagi na lang nitong napapansin ang nananahimik niyang alaga. "Bakit ba lagi mo na lang pinag-iinitan 'tong mga itlog ko, Clarisse? Bakit ba hindi mo na lang kasi aminin na gusto-gusto mong makita at matikman 'tong alaga ko pati na rin 'tong itlog ko? Mabilis naman akong kausap kaya papayag naman agad ako kapag hiniling mo, eh. Mapagbigay naman ako at saka mabilis makaintindi." Nagmamadali itong nilapitan siya at pagkatapos ay piningot nito ang tainga niya. "Ang kapal ng mukha mo! Nakakainis 'yang mukha mo. Sarap mong pukpukin ng batuta hanggang sa magkalasog-lasog ang mga buto mong lalaki ka!" Lahat na yata ng uri ng pagbabanta ay sinabi na nito sa kaniya. "Aray ko naman! Baka mapunit na 'tong mga tainga ko, Clarisse!" daing niya pero hindi ito nakinig dahil mas lalo pa nitong nilakasan ang pagpingot sa kaniya. Kawawa naman siya kapag ito ang naging kasintahan niya. Baka araw-araw ay magkapasa siya kung ganito lagi ang gagawin nito sa kaniya. "Kapag hindi mo inalis 'yang mga kamay mo sa tainga ko, hahalikan kita!" aniya na may kasamang pagbabanta kaya para itong napaso dahil ang bilis nitong lumayo sa kaniya na ikinangisi niya. "Naniwala ka naman? Hindi kita kayang halikan dahil ang baho ng kilikili mo. Sa kalalapit mo kay Berting ay nahawaan ka na. Ayan, dalawa na kayong may baktol," dugtong niya pa sabay tawa ng malakas. Ang Berting na tinutukoy niya ay boyfriend daw nito. Pero, ilang buwan na niya itong sinusubaybayan ay wala naman siyang napansin na kakaiba sa mga kilos ng babaeng 'to. Basurero raw ang Berting na 'yon kaya kapag araw na ng kuhaan ng basura ay lihim siyang nagmamatyag pero wala naman siyang napatunayan na totoo ang ipinahayag nito kailan lang. Hindi rin siya naniniwala na nakatira ang lalaking 'yon sa America. "Eh, ano naman kung may baktol siya? At least, mabuti ang kalooban niya! P'wede ko naman siyang bilhan ng deodorant para mawala ang putok niya." Napangiwi siya sa sinabi nito. Hindi niya kasi ma-imagine na may babae siyang makakasama na may amoy ang kilikili. Kapag may nakasama siya ngayon na gano'n ang sistema ay baka kinabukasan ay nasa emergency room na siya dahil sa walang tigil na pagsusuka. Huwag naman sana siyang matukso! "Alam ba nina Tito at Tita na may boyfriend kang may baktol, ha, Clarisse?" Parang nagulat ito sa sinabi niya. "So, hindi nila alam? Sa madaling salita, kami pa lang ni mommy ang pinagsabihan mo na may boyfriend kang dangerous species?" "H-hindi ko pa sinasabi dahil baka mabigla sila pero sasabihin ko rin naman sa kanila ang tungkol doon. Inaantay ko lang na maging handa si Berting bago ko sabihin sa mga parents ko ang relasyon namin," nakangiwi nitong sabi sabay kamot sa noo nito. "Gusto mo bang tulungan na kita para hindi ka na mahirapan?" "Shut up!" bulyaw nito pero agad ding nagpreno. "I mean, saka na. Sasabihan na lang kita kapag kinailangan ko ang tulong mo." Ngumisi siya. "Fine!" napipilitan niyang ani kunwari. "Kamutin mo na lang 'tong likod para hindi ko sabihin sa kanila ang mabaho mong sikreto. I mean, ang lihim mo." Mukhang ayaw nitong sundin ang utos niya base sa reaksiyon ng mukha nito. "Bilisan mo na, Clarisse." "Oo na!" Marahas nitong itinaas ang damit niya at agad na kinamot ang likod niya. "Ibaba mo pa, Clarisse. 'Yan nadali mo. Itaas mo pa ng kaunti. Sige pa! Ang sarap naman! Ipagpatuloy mo lang 'yan, Clarisse. Ibaba mo, itaas mo. Sa bandang gilid. 'Yon, oh! Galing mo talaga, Clarisse." Hindi naman talaga makati ang likod niya, sadyang gusto niya lang itong pag-trip-an dahil ang ikli ng pasensiya nito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito alam niyang nakairap ito habang kinakamot ang likod niya. "Makati pa ba?" tamad nitong tanong sa kaniya. "Clarisse, malinis ba 'yang mga kamay mo." "Oo naman! Bakit, dugyot ba ako sa paningin mo?" "Kung gano'n, puwede bang kamutin mo rin 'tong puwet ko? Ang kati rin kasi, eh." Sa pagkakataong ito ay hinampas na nito ang likod niya kaya napaliyad siya. "Kahit kailan talaga napakasadista mo." "Hindi lang ako sadista kundi magiging killer din ako kapag nagtagal ka pa rito sa bahay namin. 'Yang puwet mo na 'yan, kakamutin ko 'yan sa pamamagitan ng tinidor at hindi kita titigilan hangga't hindi lumalabas ang almoranas mo. Hindi lang 'yon ang gagawin ko dahil balak ko ring putu– "Nag-aaway na naman ba kayo?" Napahinto si Clarisse sa pagbabanta sa kaniya dahil dumating na ang kapatid nito. "Daig niyo pa ang aso't pusa." "Dude, may itatanong ako sa 'yo." "What is it?" "What if, may baktol ang girlfriend mo tapos walang tawas o kahit na ano'ng deodorant na maaaring makatulong sa kaniya. Ano'ng gagawin mo? Titiisin mo ba ang amoy niya hanggang sa makasanayan mo na lang ang lahat o hihiwalayan mo kaagad siya hanggang nakakahinga ka pa?" "Pass ako sa babaeng balahura," tugon nito kaya napahagalpak siya ng tawa sabay tingin kay Clarisse. "Bakit mo naitanong? 'Wag mong sabihin sa akin na may anghit ang babaeng nililigawan mo ngayon?" "You know me well, Dude. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng may mga ganoong katangian. 'Di bale nang mag-isa ako sa buhay kaysa may kasama nga pero segu-segundo naman akong mahihilo." "Kung ganoon, bakit mo naitanong ang tungkol sa bagay na 'yon?" "Meron kasi akong kakilala na gano'n ang sitwasyon, eh. Handa raw siyang tiisin ang lahat basta magkasama lang sila." "Well, kung 'yon ang trip niya ay wala tayong magagawa lalo na kung mahal nila ang isa't isa. Kaniya-kaniyang trip lang yan. Sino ba ang taong tinutukoy mo? Kilala ko ba?" Tumango-tango siya. "Kilalang-kilala mo ang pagkatao niya, Francis." "Who?" "Ahm, gusto niyo pa ba ng beer, Kuya? Gusto niyo bang ikuha ko pa kayo? Ikaw, Nicholai? May kailangan ka ba?" Natawa siya nang biglang sumabad si Clarisse sa usapan nila. Kanina ayaw nitong mautusan pero ngayon ay nagpipresinta pa ito. This woman never failed to make him happy. Kung nakamamatay lang tingin malamang nasa kamay na siya ng embalsamador ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD