Episode 15

2004 Words

Kanina pa hindi mapaknit-paknit ang ngiti sa mga labi ni Nicholai dahil sa ipinapakita sa kanila ni Clarisse. Hindi man lang talaga ito marunong magtago ng totoong nararamdaman. Kapag galit ito ay ipinapakita talaga nito at ipaparamdam sa iyo na mainit ang ulo nito. "Talagang hinintay niyo na magsara kami, eh, 'no?" sikmat nito. "Kulang na lang magpaiwan kayong dalawa dito at sabihin na mauna na akong umuwi dahil mayamaya pa kayo." Nararamdaman niya na parang gusto na siya nitong saksakin sa pamamagitan ng susi ng sasakyan nito nasa kamay nito. Sinabi niya kasi rito kanina na wala silang dalang sasakyan ni Imba kaya magpapahatid sila sa bahay niya. "Uuwi na ba tayo, Clarisse?" maang-maangan niyang tanong kahit obvious naman. "Bakit? Ayaw niyo pa bang umuwi? Kung ayaw niyo pang umuwi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD