Episode 16

2033 Words

Alas-tres na ng madaling-araw nang matapos sina Nicholai na mag-inom sa bar ni Isaac. Sina Isaac at Kazimir ay tulog na tulog na sa private room ni Isaac samantalang sila ni Francis ay nakaupo dito sa counter habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. "Dude, ayaw mo pa bang umuwi?" tanong niya kay Francis na nakasubsob na sa ibabaw ng counter na halatang inaantok na. Lasing din naman siya pero kaya niya pa ang sarili niya. Kaya niya pa ngang magmaneho pauwi, eh. "Can you call Clarisse to pick me up, Dude?" Nag-angat ito ng tingin habang namumungay ang mga mata nito. 'Yong pisngi nito ay pulang-pula na rin. "Huwag na, Dude," pagkontra niya. "Ako na lang ang maghahatid sa iyo pauwi. Isa pa, sigurado ako na mahimbing pa ang tulog ni Clarisse ngayon." "Maagang gumigising si Clarisse kaya t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD