“ THAT stupid guy, make me so annoyed” pagngangat ni Jacky ng makalayo sa lugar ng Santa Barbara.
“ Pero gwapo siya ah” Puri ni Mica
“ Shut up!” Nakairap niyang tugon sa kaibigan.
napangiti si Mica “ Whooah..... sinasabi ko lang naman na guwapo siya which, is totoo naman”
“ Don’t tell me, you fancy him?" naiiling niyang tanong rito. "Kahit kailan wala ka talagang taste sa mga lalaki” walang kimi niyang sabi. Tinawanan na lamang ng kaibigan.
Saglit siyang natahimik. Totoo naman ang sinasabi nito may hitsura ang lalaki naka bangga niya kanina. Katamtaman ang katawan makapal ang kilay at mapupungay ang mga mata.
Biglang may kakaiba bumangon sa isang bahagi ng puso niya ng magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya matukoy sa sarili kung ano iyon.
“ The hell with that guy. Why would I waste my time thinking of him he's arrogant!” Bulalas niya sa sarili at winawaksi sa isipan ang lalaki na-encounter kanina.
NAG hahanda ng hapunan si Leni ng mapansin ang tao sa labas ng kanilang gate.
“ Ako na ang mag bubukas Leni.” Ani Gab sa kanya at tumayo ito para pag buksan ang tao sa labas.
“ Magandang gabi, andiyan ba si Leni?”
Narinig niya ang boses ni Paolo. Naglakad siya papunta sa pintuan “ Paolo na dalaw ka? Halika pasok.” Aya niya rito.
Nagkatinginan si Gab at si Paolo.” Kuya si Paolo, Paolo kuya ko si Gab" pakilala niya sa dalawa.
Ngayon lang nagkakita ang dalawang lalaki dahil sa tuwing hinatid ni Paolo, si Leni hindi niya na abutan si Gab.
“ Magandang hapon pare.” ani Paolo at inabot ang kanang kamay.
Tinanggap naman iyon ni Gab, nag shake hands ang dalawang lalaki. Matapos magpakilala sa isat isa ay iniwan sila ni Gab, para ipagpatuloy nito ang na udlot niyang paghahanda kanina.
“ Napadalaw ka?” Ulit na tanong niya.
“ Nandito ako, para aakyat sana ng ligaw sa iyo Leni.”
Kinilig siya sa sinasabi nito liligawan siya.
” Paolo saluhan mo kaming mag hapunan.” putol ni Gab sa kanilang paguusap. Kakatapos lang nito, maglatag ng plato sa mesa.
“ Salamat pare pero busog ako.” Tanggi nito sa alok ni Gab.
Tumayo siya para ipagtempla ang binata ng kapape habang kumakain sila ng kapatid.
“ Magkape ka nalang muna riyan.”sabi niya ng makabalik siya galing sa kusina.
" Salamat" nakangiting sabi ng binata ng mailapag niya ang tasa ng kape sa center table. Iniwan na niya ito para makapag hapun sila ni Gab.
" Tapos kanang kumain?" puna ni Gab ng makita tumayo siya sa hapag kainan.
" Oo kuya" nilapag niya sa lababo ang plato pinagkainan niya.
“ Ang kunti lang ng kinain mo"
" Hindi ako makakain ng maayos kapag may naghintay sa akin" aniya, kumuha ng baso at sinalinan ng tubig mula sa pitcher nasa ibabaw ng mesa.
" Ako nalang ang maghugas ng pinagkainan natin, puntahan mo nalang ang bisita mo.”
“ Salamat kuya.” Saka nagmadaling pinuntahan ang binatang naghihintay sa kanya sa sala.
" Pasensiya na ha? pinag antay pa kita" hinging umanhin niya. Umupo siya sa kaharap na upuan.
“ Ayos lang. Leni, hindi na ako mag papaligoyligoy pa sa sadya ko rito.
Can you be my girlfriend? Mula kasi ng magkakilala tayo, nabihag muna ang puso ko. Ginulo muna ang isip ko Leni."
Natigilan siya sa sinabi nito, “ hindi ba masyado mabilis? Baka may sabit ito.” Bulong niya sa sarili.
“ Paolo, pag isipan ko muna ‘yang sinasabi mo.” Aniya rito gusto niya masiguro muna, wala itong sabit. Baka mayroon itong hindi sinasabi sa kanya, ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kainan noon.
Ngumiti ang binata tila naramdaman nitong natatakot siya. “ Hindi kita mamadaliin Leni, willing ako mag antay.” Anito sa mahinang boses.
“ Tignan natin kung hanggang kailan ang pag-aantay mo” sa isip niya.
KAKATAPOS lang mag ikot ni Jacky sa mall kasama ang kaibigan ng tawagan siya ng ina ni Paolo na dun na maghapunan. Bago siya dumertso roon, dumaan muna siya sa kanyang condo para kunin ang binili niyang pasalubong para rito.
“ Si Tita Miranda?”Bungad niya sa katulong ng mapagbuksan siya ng gate.
“ Sa loob po.” Tugon nito saka iniwan siya sa labas
“ Ma’am may naghahanap po sa iyo, magandang babae.” Narinig niyang sabi sa katulong sa kababa na ginang ng hagdanan.
“ Papasukin mo, si Jacky ‘yon tunta.” Inis nitong bulyaw.
Nag mamadaling lumabas uli ang katulong.
“ Para akong tanga rito nag aantay sayo.” Inis niyang bungad sa katulong.
“ So-sorry po ma’am.”
Hindi na niya ito pinansin pa nag tuloy siyang pumasok sa loob ng gate.
“ Hija Jacky, my God! Hija, ang gandang mo.” Masayang bungad sa kanya ng ginang na nakatayo sa may pintuan.
“ You too tita, I have a pasalubong for you.” Inabot niya rito ang isang bag na may tatak Lv.
Abot taenga ang ngiti sa ginang sa kanya“ Alam mo talaga ang gusto ko. Maraming salamat dito Hija.” Inakay siya ng ginang papunta sa malawak na sala.
Ginala niya ang mga mata sa paligid pero hindi niya nakita ang binata.” Si Paolo tita nasaan?”
“ Nasa office pa niya ata e tetext ko. Kumusta na sina mommy at daddy mo?”
“ Okay lang sila tita, kailan po ba kayo babalik ng Canada?”
Nag kibitbalikat ang ginang sa tanong niya.” Wala pa sa plano hija.”
MASAYANG nagkukwentuhan sina Leni at Paolo kasama si Gab. Napatingin siya kay Paolo ng kunin nito ang celphone mula sa bulsa nito tila may binasang mensahi.
“ Leni, magpaalam na ako hihintayin daw ako ng hapunan ni mommy” sabi nito at tumayo na.
“ Pare, aalis na ako” paalam nito kay Gab.
Hinatid siya niya sa labas ng bahay ang binata.
Hindi naman maalis ang ngiti niya sa mga labi ng bumalik siya sa loob ng kanilang bahay.
“ Ano ba iyan ngiti na iyan, inlove na ata tong kapatid ko.” Tukso sa kanya ni Gab ng mapansin siya nito panay ngiti.
Nahihiya pa siya rito.” Kuya naman eh.”
Nahuhulaan na ni Gab kung bakit“ Pag isipan mo muna ‘yan, baka mamaya may sabit nanaman yang lalaki na yan at masampal ka ulit.” Ani nito sa kanya.
“ Kuya naman pinaalala pa.”
Saka umupo siya sa sala at nuod ng palabas sa tv.
NAPUTOL ang pag uusap nina Jacky at ang ginang na si Miranda ng marinig ang sasakyan sa labas
“ Si Paolo na iyon” nakangiting sabi ng ginang sa kanya.
“ Ako nalang sasalubong tita” sinabayan niya ng pagtayo.
Excited siyang lumabas ng bahay para salubongin ang binata.
“ I’ve been waiting for you, what took you so long?”Malambing niyang sabi sa kababa palang ng sasakyan ng binata.
“ Ma traffic kasi. I’m glad that you came”
Pinulupot niya ang kamay sa braso nito.
“ Mabuti dumating kana anak, tama ang dating mo nakapag handa na si Neneng ng hapunan” sabad ng Ginang.
Nakapulopot parin siya sa braso ni Paolo habang naglakad papunta sa kumidor.
Pinag hila siya nito ng upuan” Paolo, samahan mo ako sa studio sa sabo may guesting ako sa nontime show.” Aniya ng makapaupo sa harap ng mesa.
“ Mabuti panga hijo, wala ka naman trabaho sa sabado. I’m sure na miss niyo ang bonding niyong dalawa” suggestion ng ina ng binata ng hindi ito sumagot.
Tila may ini-isip ito. “ May lakad ako sa sabado” tanggi nito.
Napasimangot siya sa sinabi nito sa kanya” Ano ba naman ‘yan Paolo, kakauwi ko palang tinatangihan muna ako. Hindi mo ba ako na mimiss?” May himig pagtatampo sa boses niya.
“ Samahan muna anak, ngayon lang nga kayo nagkita ulit. Saka na iyang lakad mo makapag hintay naman iyan” Sulsul ng ginang.
Tila nakahanap siya ng kakampi sa mommy nito.” Oo nga tita parang gusto kuna tuloy mag tampo sa kaibigan kung ito.”
“ Hmmm... Sana nga kayo nalang dalawa” nakangiting sabi ng ginang sa kanila.
Wala itong nagawa kundi ang pumayag sa hiling niya. “ Sige pero sandali lang ako.” Tugon nito.
Matapos ang kanilang hapunan masaya siyang nag papaalam sa mag ina.
“ Basta sa sabado samahan mo ako.” Bilin niya sa binata bago tuluyan umalis.