“ HI TEACHER Leni” nakangiting bungad ni Paolo. Nakatayo ang binata sa may pintuan ng kanyang classroom.
Napatayo siya sa kanyang kinaupuan at nilapitan ang binatang hindi maalis ang mga ngiti sa labi.
“ Napadalaw ka?” Nakingiti niyang sabi at inipit ang lagpas balikat niyang buhok sa likod ng taenga.
“ Syempre na mimiss kita” mahina nitong sabi sa kanya.
“ Ano, iyon?” Naiilang niyang tanong rito.
“ Sabi ko, na miss kita makasama” walang paligoy ligoy nitong sabi.
“ Aba, mr Paolo Reyes, kahapon palang tayo magka sama ah” natatawa niyang sabi.
Mula ng araw magkakilala sila ay nasundan pa iyon ng maraming beses. Naging malapit sila sa isa’t isa.
“ Kaya nga, nasanay na akong kasama kita eh” pabiro nitong sabi.
“ Baka masanay na din ako niyan” balik niyang biro.
“ Di, masanay kanang kasama akong kumain sa hapunan mo” nakangiti nitong sabi na lalo nagpapalitaw sa ka guwapuhan nito.
“ Hindi kalang guwapo, eh” aniya sa mahinang boses
“ Ano ang sabi mo? Pakiulit nga”
“ Wala” aniyang tinalikuran ito.
“ May sinabi ka eh” nakasunod ito sa kanya naglakad papunta sa kanyang mesa.
“ Sabi ko, iligpit kuna ang mga gamit ko” aniya.
“ Class, say good afternoon to our visitor” baling niya sa kanyang mga studyante.
“ Good afternoon visitor” halos magkasabay na bigkas ng mga bata kay Paolo.
“ Sige na class makakuwi na kayo” aniya at pinagoatuloy ang pagligpit ng gamit niya.
KANINA pa nakauwi si Paolo sa kanilang bahay mula sa hapunan nila ni Leni, pero hindi ma alis alis ang mga ngiti sa kanyang mga labi habang iniisip ang dalagang guro.
“ There is something with her, that is very hard to explain” aniya sa sarili habang nakahiga sa kanyang malambot na kama.
“ Leni, is very simple and yet elegant looking. She’s the type of woman that I like. Simply lang mahinhin at mabait” natigil siya sa pag mumuni ng nagriring ang kanyang celphone.
Dinampot niya ang celphone nasa ibabaw ng kanyang bedside table.
“ Jacky!” Bulalas niya ng sagutin niya iyon.
“ Yes, of course hindi ko nakakalimutan ang pag dating mo bukas, ako pa” aniya sa kausap sa celphone.
Matapos niyang makipag usap sa celphone ay agad niyang tinungo ang banyo ng makapag ligo bago matulog.
" PHILIPPINES it’s been a long time. finally I'm back." Dimapigil ni Jacky ang maoangiti habang naglalakad pababa ng eroplano.
Agad niyang tinungo ang arrival area ng matapos siya sa costume. Antok na antok siyang naglakad patungo sa exit door. Mahaba ang kanyang biyahe.
Na pawi ang kanyang pagod ng makita ang lalaking naka sandal sasakyan na pula. Wearing brown sunglasses naka faded jeans at white tshirt under his casual slim fit navy blazer. " Ang guwapo parin walang ka kupas kupas." Naka ngiti niyang sabi at nilapitan ang binata.
“ Paolo” niyakap niya ng mahigpit ang binata at hinalikan ito sa pisngi” Gosh! I have missed you so much” bumitiw siya sa pagyakap nito.
" You still look gorgeous” Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse.
“ Thank you” aniya ng makaupo siya sa loob.
Umikot ang binata sasakyan at umupo sa driver seat.
“ How’s your flight?” Pinaandar nito ang engine ng kotse.
" Well, I’m a bit tired.” Napahikab siya sa subrang antok na naramdaman.
" I bet you are. I was about to take you to our place, but I guess you need to take a rest." Nag alalang sabi nito ng makita ang pagud niyang mukha.
" Yeah... Super duper tired. Paki sabi kay tita bukas nalang ako dadalaw sa kanya hirap labanan ng jet-log." Pagud na pagud talaga siya gusto na niyang matulog.
" Hayaan mo ako na ang mag paliwanag kay mommy, I’m sure she'll understand."
Nginitian niya lamang ito” Tell me, how are you doing here? You been here for a year. I’m sure you have a lot of news for me” nakangiti niyang sabi pilit labanan ang antok subalit nag kusa ng pumikit ang kanyang mga mata.
“ Yeah, I have plenty of news to tell, but for now you need to take a nap.” Nangingiting sabi ng binata ng makita siya nitong pinikitpikit ang mga mata.
Ginising nalamang siya ng binata ng makarating sila sa condo niya.
“ Thank you so much Paolo." Saka hinalikan ang binata bago ito tuluyan umalis. Antok na antok na talaga siya kaya agad siyang natulog pagka alis ng binata sa condo.
" Aw! you still look fabulous Jacky." Puri ng kanyang kaibigan si Mica ng sunduin siya nito kinabukasan sa condo niya.
" Thank you, you did not change you still look the same” nakangiti niyang sabi sa dating kaibigan. Magkaibigan ang ina ni Micah at ang ina niya. Naging close sila nito ng mag vacation ito kasama ang mga magulang at sa kanila tumira ng pansamantala.
“ Still pretty?” Nakangiti nitong bulalas.
“ Yeah! wait, I got something for you." Kinuha niya ang maliit na paper bag na may lamang paborito nitong perfume at inabot rito.
Matapos maabot rito ang pasalubong ay nagpasya silang umalis ng condo at mag road trip.
" Ikaw na ang mag drive." Ani Mica sa kanya ng makalapit sa nakarapadang itim na honda.
Agad siyang sumakay sa driver seat at binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaharorot niya iyon. Nilakbay niya ang di kilalang dadaan. Papunta iyon ng Santa Barabara.
Napanhinto siya sa isang tahimik na lugar. Bumaba siya sasakyan at sumandal sa kotse, nakatingala siya sa asul na kawalan.
Di sadyang mapalingon sa batang lalaki naka sakay ng kalabaw sa likuran may babaeng naka sakay, tila kapatid nito nakayakap ito sa baywang ng batang lalaki.
"Napa katahimik dito sa lugar ng Santa Barbara." Untag sa kanya ni Mica na hindi bumaba sa kotse.
" Oo at ang ganda ng mga tanawin." Tugon niya rito saka, tumahimik siya ini-enjoy ang mga mata sa nag gagandahang tanawin.
" Ang ganda mong tignan napaka aliwalas at napakatahimik. " Aniya naka tingala sa langit.
“ Alis na tayo” aya ni Mica sa kanya ng makaramdam ito ng gutom.
Nilingon niya ang kaibigan naka dungaw sa bintana ng kotse, saka nginitian niya ito at muling binaling ang paningin sa kawalan. Nag enjoy pa siya sa mga tanawin.
NAISIPAN ni Gab na puntahan ang kanyang tauhan nakatira sa Santa Barbara. Ilang araw na itong hindi pumapasok sa talyer. Nag Alala na siya kung ano na ang nangyari rito. Matapos itong makapag advance sa kanya hindi na ito bumalik pa.
“ May dumadayo din pala dito sa Santa Barbara." Aniya sa sarili
ng mapansin ang seksing babae nakasandal sa nakaparadang kotse. Matangkad ang nasabing babae, at naka ponytail ang mahaba at kulay ash brown nitong buhok na lalong nagpapatingkad sa kaputian nito.
PUMASOK si Jacky sa loob ng sasakyan at pinaandar ang makina. Sa unahan niya ay may nakaraparadang kalisa.
Walang lingon lingon kinabig niya ang manibela papunta sa gitna ng kalsada. Para iwasan ang nakaparadang kalisa.
" What the h*ll was that?!” Bulalas niya sa pagka bigla ng may bumundol sa sasakyan mula sa likuran.
Tinignan niya ang kanyang kanang side mirror na kita niya ang lumang puting kotse bumundol sa kanila.
SINUBUKAN ni Gab apakan ang break ng sasakyan minamaneho para hindi mabonggo ang sasakyan biglang pumagitna. Pero huli na ang lahat na bundol na niya ito.
“ Anong klase ba naman itong driver na ito. Hindi manlang tumingin sa kalsada bago kinabig ang manibela” ngangat niya.
Napa hugot siya ng malalim na hiniga” babae nga naman” naiiling niyang sabi at bumaba ng sasakyan para lapitan ang kotse nabundol.
Kakatukin niya sana ang bintana ngunit ibinababa na ito ng driver.
Natigilan siya ng bumungad ang magandang mukha ng babae. Itinaas nito ang sout na brown sunglasses.
Tila na umid ang kanyang dila ng mapag sino ang babae.
“ What the f*ck are you doing?!” Biglang singhal nito sa kanya na ikinagulat niya.
“ Ikaw iyong hindi tumitingin sa kalsada” mahinahon ang kanyang boses.
Hinagud siya nito ng tingin ang mula ulo haggang paa. Naiilang siya sa tingin nito sa kanya, medyo madumi ang kanyang sout dahil kagagaling niya lang sa talyer.
“ Ang tanga tanga mo naman nag mamaneho. Hindi mo ba ako nakikita nasa unahan mo?” Irritable bulyaw ng babae sa kanya na ikinainis niya.
Ito ang may kasalanan tapos ito pa ang galit. Dumilim ang anyo ng kanyang mukha
“ Bulag kaba? hindi mo ba nakitang paparating ako?
Bigla kang pumagitna, hindi ka manlang tumingin muna” pagalit niyang sabi sa nagmamalditang babae.
" Sorry po, hindi ko kayo napansin. Bakit hindi kayo ang umilag? kayo po ata ang nakakita diba?" Sarcastic nitong sabi sa kanya.
" Dapat tumingin ka muna sa likuran mo, kaya nga may side mirror ka para makita mo. Kung hindi mo alam para saan ‘yang side mirror na iyan, mag aral ka ng driving. Tignan mo nasira mo ang sasakyan ko” sabay tingin niya sa nayuping harapan ng kanyang sasakyan.
Tila nagpanting ang taenga ng babae sa sinasabi niya. Padabog itong bumaba ng sasakyan at nakatayo sa harapan niyang pinamaywangan siya nito.
" Wag mo akong lecturan. Dahil wala kang karapatan pag sabihan ako sa kung ano ang dapat kung gawin!” Singhal nito sa kanya.
“ Wag mo rin akong singhalan, dahil wala karin karapatan” nakipag tigisan siya rito.
“ Then wag mo akong turuan sa dapat kung gawin. So, how much do you want? for that scrappy car of yours” Tila inaasar siya nito.
Naiiling siya sa pinapakita nitong ugali “ kayo talagang mga mayayaman oh, dinadaan niyo nalang sa pera ang lahat” naiinis niyang sabi rito.
" I will pay it so that you, can fix that cheap car of yours.”
" Aba! ng iinsulto kapa, porket nakasakay ka diyan sa magarang kotse”
Pinandiltanan siya nito ng mata. " Ano ba ang pinag puputok ng butse mo? Babayaran kuna nga."
lalo siyang naiinis minamaliit siya nito " Naku! kung hindi ka lang babae, pinatulan na kita. Napaka yabang porket ba artista”ngatngat ng kanyang kalooban.
" Ano ang sabi mo?" kunot noo tanong nito sa kanya.
" Wala! Ang sabi ko, maganda ka sana bingi ka lang." Sinabayan niya iyon ng pagtalikod.
" Bastos, na lalaking ito kinakausap pay tinatalikuran ako. Heto ang calling card ko, tawagan mo ako kung magkaano ang damage diyan sa luma mong sasakyan!” Pasigaw nitong sabi sa kanya.
Napahinto siya sa paghakbang at inis niyang nilingon ang babae.
" Wag na! Hindi ko kailangan ang pera mo, afford ko ang mag paayos ng sasakyan ko."
Saka tumalikod muli para bumalik sa kanyang sasakyan.
" Afford mo naman pala, bat kapa nag nga-ngakngak? Hindi nga ako nag ingay na gagasgasan mo ang kotse namin. Paano kasi hindi mo naman afford itong bayaran." Pang iinis nito sa kanya.
Hindi na niya lamang ito sinagot pa, hindi rin naman siya mananalo mukhang palaban ito.
" Kung hindi lang talaga babae pinatulan kuna. Sarap pilipitin ang leeg” anas niya sa sarili at mabibigat ang paa sumakay sa kanyang sasakyan.
" Sir, Gab? anong nangyari sa sakyan mo?” Bungad sa kanya ng mechanico ng makarating siya sa shop.
" Binundol ako ng tangang babae." Naiinis niyang tugon
“ Sarap sampalin ng bibig.” Bigla niyang na aalala ang kapatid ito ang laging pinapanuod sa tv.
" Naku, Leni wag mong e idol ang demonyong iyon sama ng ugali." Aniya sa sarili.
" Kuya, wag kanang bumili ng ulam para mamaya nakabili na ako." Untag sa kanya ni Leni nakatayo sa kanyang likuran. Wala itong trabaho ngayon dahil holiday kaya pinuntahan siya nito sa shop.
Nakasimangot siyang nilingon ang kapatid.
" Bakit ang bigat ng mukha mo?”
" Yong Idol mo nakabangga ko sama ng ugali."
Napa kunot noo ito. " Sino?"
" Yong heart broken na pinapanood mo."
“ Si Jacky Perez, Andito na sa pinas?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
" Malamang andito na naka bangga ko eh." Sarcastic niyang tugon sa kapatid naiinis talaga siya sa pang iinsulto ni Jacky sa kanya.