Mag kapatid Episode 10

1407 Words
ARAW ng sabado, walang trabaho si Leni. Nilapitan niya ang kapatid naka tunganga sa tv. “ Kuya, wala kang lakad ngayon?” Tanong niya rito, panay lipat sa channel ng tv tila ba hindi nito alam kung ano ang panonourin. “ Baka mamaya aalis ako.” anito, hindi lumingon sa kanya, di sadyang na pindot nito ang channel kung saan nag geguest si Jacky. “ Tignan mo 'yang heart broken mong idol.” anito sa kanya. Umupo siya sa tabi nito at tinoon ang mga mata sa screen ng tv. “ Dami palang talent ng babaeng iyan.” Aniya, hindi inalis ang mata sa monitor ng tv. Naka pwesto ito sa gitna ng stage kasama nito ang ibang dancers. “ Makalipat na ngalang ng channel.” naiinis na sabi ni Gab, ngunit hindi nito naituloy ng mag umpisang sumayaw si Jacky. “ Inferness, kuya galing niyang sumayaw. “ hindi niya mapigil ang humanga rito. “ Palakpakan po natin si miss Jacky Perez. “ anang host ng matapos itong sumayaw. “ Iba talaga ang galawan ni miss Canada.” Naka ngiting puri ng isa pang host. Matapos nilang mapanood ang sayaw ni Jacky ay nilipat na ito ni Gab ng ibang channel. “ PWEDI ba akong magpasalamat?” Pakiusap ni Jacky sa host. kaagad naman siyang pinagbigyan. " Gusto ko po magpasalamat sa sponsor ko, sa sapatos at ang bago kung pagmomodelohan ng mga damit ang queeny's clothe.” Nakangiti niyang sabi. Matapos niya sa stage ay agad siyang bumaba at nilapitan ang binatang si Paolo kanina pa naiinip. Gusto na nitong umalis dahil may usapan ito at si Leni. “ Ang galing mo sa stage Jack.” Puri ni Paolo ng nasa sasakyan na sila. “ Nagustuhan mo?” malambing niyang tanong rito. “ Oo naman, mula pa ng bata tayo magaling kana talaga sumayaw.” Nakangiti nitong saad. “ Anyway ihahatid nakita sa inyo.”pag iba nito. “ Maaga pa naman, pasyal muna tayo.” “ May pupuntahan pa kasi ako. May usapan kami ng kaibigan ko ngayon.” “ Magtatampo na talaga ako sa'yo Paolo, parang ayaw muna ata akong makasama." malungkot ang kanyang mukha. Excited pa naman siyang umuwi ng Pinas dahil rito pero, bakit tila nag bago ito. " Bakit hindi mo nalang ako isama?” “ Jacky, hindi pwedi kasi pang lalaki itong lakad ko.” Napasimangot siya, ” Bahala ka nanga, hatid muna nga lang ako.” Nagtataka na siya rito dati rati lagi siyang sinamahan nito sa tuwing may lakad siya ngayon, parang ayaw na siya nitong kasama. Simula ng dumating siya sa Pinas hindi pa sila nito nagbobonding dahil sa lagi itong busy. Laki ng pagbabago nito. Tahimik siya hanggang sa makarating sila sa condo niya. “ Pumasok ka muna sa loob.” Aya niya rito ng makababa siya sasakyan ng binata. “ Sa susunod nalang nagmamadali talaga ako.” Agad nitong pinaandar ang sasakyan. Napa buntong hininga siyang hinatid ng tanaw ang papalayong sasakyan. NAG tutupi si Leni ng mga damit sa kanyang kwarto ng marinig ang humintong sasakyan sa labas ng bahay. Sinilip niya ito sa bintana napangiti siya ng makita ang sasakyan ng binata. Sinuri niya ang mukha sa salamin bago tuluyan lumabas para pagbuksan ang binata. Napangiti siya ng mabungaran ang binata may bitbit na bungkos ng mapupulang rosas. " Pasensiya kana natagalan ako, yong kababata ko kasi sinamahan ko muna sa studio eh" naka ngiting bungad nito sa kanya. " Para sayo nga pala" sabay abot nito sa bulaklak. “ Naku, nag-abala kapang dalhan ako nito.” “ Syempre, para sa magandang dalaga.” “ Baka masanay ako niyan.” “ Edi! masanay kana kasi araw arawin kita dalhan ng bulaklak.” Nakangiti nitong tugon sa kanya. Napangiti narin siya sa sinasabi nito. “ Leni, kailan mo ba ako sasagutin?” seriouso nitong tanong ng umupo siya sa katapat nitong upuan. Inisip niyang sasagutin na niya ito, mukhang totoo naman ito sa panliligaw sa kanya. “ Oo na, sige na sinagot nakita.” Nakangiti niyang sabi rito. “ Talaga? tayo na?” “ Bakit, ayaw mo?” abot taenga ang ngiti nito“ Syempre, gusto ko." “ Ano 'yan?” bungad ni Gab sa kanila ng makapasok ito sa loob ng bahay. Kararating lang nito galing sa talyer. “ Tol, Sinagot na ako ng kapatid mo, magiging bayaw na kita tol.” Masaya nitong sabi kay Gab. Natawa siya sa turan ng binata, halata sa mukha nito ang saya na sinagot na niya. “ Bayaw agad? kakasagot ko nga lang sa'yo.”mabilis niyang saway rito. “ Kahit nga bukas, papakasalan kita.” Sabay yakap nito sa kanya. “ Bawal muna yakap tol, saka na yakap pagkasal na.” Angal ni Gab rito Natatawa itong binitawan siya" sorry na dala ako eh" napakamot pa ito sa ulo. “ Tol, pakiusap ko sa iyo wag mong sasaktan ang kapatid ko, mahal na mahal ko 'yan.” seryuso saad ni Gab. “ Makakaasa ka tol, hindi ko sasaktan si Leni.” Iniwan na sila ni Gab para makapag usap sila magnobyo. “ Love, bukas pakilala kita sa mommy ko.”excited nitong sabi sa kanya ng maiwan silang dalawa. Napangiti siya sa sinabi nito halatang seryuso ito sa kanya“ Ang bilis naman nito kaka sagot ko nga palang pakilala, na niya ako sa mommy niya. Pero okay narin atleast sigurado.” Napa ismid siya ng maalala ang dating nobyo, ang tagal nilang magkasintahan pero, never siyang inaya nitong maghapunan sa bahay ng nobyo. Atleast si Paolo intresado talaga sa kanya. “ Ayos, lang ba sa mommy mo?” “ Oo naman ayos na ayos, Excited na nga akong ipakilala ka.” “ Sige daanan mo nalang ako sa paaralan bukas.” Aniya rito. Masaya itong nagpaalam sa kanya, palalim na ang gabi. " HELLO po tita, napatawag po kayo?" bungad ni Jacky, ng pindutin niya ang answering button ng celphone. Kasulukyan siyang nakahiga sa kanyang kama ng tawagan siya ng ina ni Paolo. ” Jacky hija, kasama mo ba si Paolo?" " Kanina pa umalis tita, nagtatampo na ako du'n, bihira na kaming mag usap eh" sumbong niya sa ginang. " Ano? hindi kayo magka sama? eh, wala pa rito ang anak ko hanggang ngayon" nahimigan niya sa boses nito ang pagkabigla na hindi sila magkasama ng kababata. Gusto niyang itanong rito kung may nobya naba ito dahil sa lagi itong nagmamadali kapag siya ang kasama. " Baka nasa nobya niya tita" sabi na lamang niya. " Wala, magsasabi naman iyon kapag may nobya siya. At kung magkaka nobya man 'yun gusto ko ikaw ang magiging nobya niya hija" walang kimi nitong sabi sa kanya. Naikinatuwa pa niya. Gusto niya ang tunog ng boses nito. “ May lakad kaba bukas?" pag iba nito sa paksa nila. " Di pa ako sigurado tita, bakit sana?" " Ayain sana kitang dito maghapunan bukas, para makapag kwentuhan pa tayo.” “ Sige, tita titignan ko.” pagkatapos nilang mag usap ay pinindot na nito ang end button ng celphone. NAABUTAN ni Paolo ang ina nakaupo sa sala, ng makauwi siya sa bahay. Naka yuko itong hawakhawak ang celphone. " Good eve ma" saka yumuko para halikan ang ina sa noo. " Ginabi ka ng uwi, saan kaba galing?" Tumabi siya ng upo rito. “ Galing ako sa nililigawan ko ma, at sinagot na ako" nakangiti niyang sabi sa ina. " Ano? may nobya kana?" pagka gulat ang rumehestro sa mukha nito. Nakangiti siyang tumango tango" Pakilala ko ang girlfriend ko sa'yo bukas ma" " Paano si Jacky?" bigla nitong sabi nabigla siya sa tanong ng ina, pero tinawanan niya ito" Mommy naman alam mo naman magkababata lang kami ni Jacky" niyakap niya ang ina bilang paglalambing rito. " Anak naman, gusto ko si Jacky ang ligawan mo.” “ Mommy, hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay Jacky.” “ Pero, gusto ko siya para sayo.” “ Ma, may nobya na ako at ipakilala ko siya sa'yo.” giit niya sa ina. Napabuntong hininga ang ina “ Basta siguraduhin mo lang, pareho 'yan ng antas natin sa buhay. Ayaw ko 'yong mga pipitsugin lang.” naka ismid nitong sabi sa kanya “ Mahalaga paba ang katayuan ng tao? Hindi ba mahalaga sa'yo na masaya ang anak mo?” nakangiti niyang tanong rito. “ Ano ba ang trabaho ng babaeng iyan?” “ Isa po siyang guro mommy.” Hindi na umimik ang ginang sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD