BAGO pa dumating si Paolo naka pagbihis na siya ng simpleng bestida lagpas tuhod ang haba. Inayos niya ang mga gamit naka patong sa kanyang mesa.
Hindi niya na pansin naka tayo ang binata sa pintuan ng kanyang class room, sa subrang abala.
“ Knock, knock!” Pukaw nito sa kanyang attention.
Napalingon siya rito at ubod tamis na ngumingiti, naglakad palapit rito “ Okay lang ba ang ayos ko?” Kina kanabahan niyang tanong.
“ Magandang maganda kana sa ayos mong iyan.”
“ Kinakabahan ako baka hindi ako magustuhan ng mommy mo.”
“ Relax, kalang magugustuhan ka niya.”
Naglakad siya pabalik sa mesa para kunin ang kanyang bag“ Ano ba ang pwedi kong dalhin para sa mama mo?”
“ Naku, wag kanang mag abala pa, e-kalma mo nga ang sarili mo. Magugustuhan ka niya promise.” Itinaas pa nito ang kanang kamay.
Hindi talaga siya makumbinsi nito. “ Siguro daan muna tayo sa mall bibili ako ng cake. Para naman may mabitbit ako para sa kanya.”
“ Ikaw talaga, sige na nga. Gusto ni mommy red wine. “ Nakangiti nitong sabi sa kanya, at inakbayan siya nito palabas ng paaralan.
Pagka galing sa paaralan ay dumaan na muna sila ng mall bago pupunta sa bahay ng binata. Medjo punuan ang parking lot ng mall dahil sa alas sais na nang hapon, tila nahihirapan si Paolo maghanap ng bakante.
“ Hintayin mo nalang ako rito, hindi naman ako mag tatagal.”Pagka sabi niyang iyon ay nagmamadali siyang lumabas sa kotse at tinungo ang loob ng mall upang makabili ng pasalubong para sa ina ng binata.
“ JACKY, kung saka sakali lang manligaw sa iyo si Paolo, sasagutin mo ba?” Biglang tanong ng kaibigang bakla sa kanya. Nasa coffee shop sila nakaupo, nasa loob din ng mall.
natawa siya sa tanong nito” para ka rin mommy ni Paolo”
“ Tagal niyo ng magkaibigan kala ko may ligawan ng nagaganap sa inyo dalawa”
“ Yaan mo do’n din naman ang punta namin” Nakangiti niyang tugon.
“ So inamin mo may gusto karin kay Paolo?” Natatawang tukso nito sa kanya.
“ luka ka, sino ba ang hindi magkaka gusto roon, sa guwapong iyon? Beside kaya nga ako umuwi dito sa Pinas para sundan siya”
“ Ows, talaga? Sweet mo ha sumunod kapa talaga rito para lang sa kanya” di makapaniwalang sabi ng kaibigan.
“Walang malayo sa nagmamahal eh”natatawa niyang tugon rito
Napatingin siya sa orasan pambisig, “ Alas sais na pala, kailangan kuna umalis.
Napasarap ang kwentuhan natin, pupunta pa ako sa bahay nila at don ako maghahapunan.” Sinabayan niya iyon ng tayo.
Papunta na sana siya ng carpark ng maisipan bumili ng cake, kayat tinungo niya ang paborito pastry kung saan nag bibinta ng iba’t ibang klaseng cake. Pinili niya ang carrot cake. Matapos makabili naglakad na siya palabas ng mall.
NAGMAMADALING naglakad si Leni palabas ng mall. Naka sunod siyang naglakad sa iilang mga kabataan nasa kanyang unahan ng biglang huminto ang mga ito sa paglakad
Kaya, umilag siya para hindi niya mabundol. Hindi niya napansin ang naglakad na babae sa gilid at nabundol niya ang balikat nitong may bitbit na cake at nabitawan nito iyon.
“ I—-“ bigla siyang natigilan ng mapag sino ang babae nabundol.
“ Ang ganda niya lalo sa personal” Napatitig siya rito. Alanganin ngumiti.
“ s**t!” Anas nito sa inis
“Sorry, diko sinasadya” hinging umanhin niya ng makabawi sa pagkabigla. Yumuko siya para kunin ang nahulog na box na may lamang cake.
“ Ano ba? Bulag kaba?” Naiirita nitong sita sa kanya.
Nagulat siya sa inasta nito, naiirita ba ito dahil sa nakatutula siyang nakatingin rito or dahil sa cake na laglag.
“ Sorry talaga Jacky, hindi kita napansin” Sabay abot niya ng cake rito.
Mataman siya nitong tinitigan“ Paano pa ‘yan makain? Sira na iyan.” Pagtataray nito sa kanya hindi man lang nito tinanggap ang cake na inabot niya.
“ Tatanga-tanga ka kasi. Ang laki ng daan binangga mo pa talaga ako. Sinasadya mo ba iyan ha?”
naiinis siya sa sinasabi nito pero, nanatili siyang mahinahon“ Papalitan ko nalang.”
” Wag na! Ako na ang bibili. Sa susunod wag kang tatanga tanga.” Naka ismid nitong sabi saka tinalikuran na siya nito.
“ Tama nga si Kuya, maganda sana masungit lang. Sayang hinahangaan ko pa naman.” Bulalas niya sa sariling sinundan ng tanaw ang papalayong si Jacky.
tunog ng kanyang celphone nag pumukaw sa kanya. Kinuha niya iyon para sagutin.
“ Love nasaan kana ba? Kani pa ako naghihintay sa iyo dito, sinita na ako ng guard” Bungad ni Paolo sa kabilang linya.
Halos takbuhin na niya ang exit door sa pagmamadali.
“ Pa sensiya kana natagalan ako. Nahihirapan kasi akong mamili ng wine” aniya ng makasakay siya sa kotse ng binata
“ Okay lang ‘yan love, ikaw kasi nag abala kapa para kay mommy wala naman iyon problema.”
“ Nahihiya lang ako pumunta sa inyo na walang bitbit.”
Tatlongput minuto ang kanilang nilakbay bago narating ang bahay ng binata.
“ Dito ka nakatira?” Maang niyang tanong ng huminto ang kotse sa tapat ng itim na bakal na gate at panay bosena. Mula sa labas ng gate ay makikita ang malaking bahay na kulay puti ang pintura.
Tanging ngiti ang naging tugon nito sa kanya. Ilang saglit lang ay lumabas ang naka uniforme babae. Binuksan nito ang gate.
Lalo siyang na mangha ng tuluyan makapasok ang sasakyan sa loob ng bakuran. Parang mapagtayuan pa ito ng isa pang mansion sa subrang luwang.
Kinakabahan siya ng bumaba na sila ng sasakyan. “ Relax ka lang” anang binata sa kanya ng mapansin hindi siya mapakali.
Inakay siya nito papasok sa loob ng bahay.
Lalo siyang kinakabahan ng matanaw ang ginang naka cross ang mga paa naka upo sa puting upuan.
“ Mom, si Leni girlfriend ko.” Pakilala ng binata ng makalapit sila rito.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
“ Magandang gabi po.” Nahihiya niyang sabi at inabot rito ang bitbit niyang wine.
Naiilang siya sa mga tingin nito sa kanya. Pilit niyang pakalmahin ang sarili.
Tumayo ito mula sa kinauupuan na hindi tinanggap ang inabot niyang wine “ Magandang gabi din. Neneng, kunin mo itong wine na dala niya” baling nito sa katulong.
“ Hali na kayo sa kusina kanina pa nakahanda ang pagkain” sabi nitong naglakad papunta sa kusina.
Hinawakan siya ni Paolo sa kamay at inakay papunta sa kusina. Pinaghila siya ng upuan nito saka tumabi ng upo sa kanya.
“ Ang ganda po ng bahay niyo ma'am.” Pasiuna niya.
“ Ano ba ang trabaho mo?” tanong nito ng hindi pinansin ang pagpuri niya sa bahay.
“Isa po, akong guro.” Sabi niya na pilit pasiglahin ang boses.
“ Alam mo ba, ang ama ni Paolo ay isang doctor? At ang anak ko ay isang sikat na enginer?” Seriouso nitong tanong sa kanya.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Paolo sa kanyang kamay.
“ Masarap ang ulam, sino ang nagluto nito?” Pag iba ni Paolo sa pinag usapan nila.
Tunog ng doorbell ang pumutol sa kanilang pag-uusap.
“ Ma'am, andiyan po si Jacky.” Anang katulong ng lumapit ito sa kanila.
“ Papasukin mo. Tanga mo naman iniwan mo sa labas ang bisita” Inis nitong sabi at tumayo ito para salubungin si Jacky.
Kinabahan siya ng marinig ang pangalan ni Jacky, “ mag kakilala ang mga ito?”
“ Pasensiyahan muna si mommy” hinging umanhin ng binata sa kanya ng naiwan sila ng ginang.
“ Ayos lang” pilit ang kanyang ngiti.
“ Hija, buti nakarating ka halika, sa kusina kumakain na kami. Kala ko kasi hindi ka darating” narinig niyang sabi ng ginang sa kakarating lang na bisita.
“ Kanina pa sana ako nakarating kung hindi lang ako binunggo ng tangang babae sa mall.”
Namumutla siya ng marinig ang pag uusap ng dalawang babae. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng marinig ang palapit na palit na mga yapag.