“ TAMA na sa pag iyak Camile, namamaga na ang mga mata mo, sige ka papangit ka n'yan.” Alo sa kanya ni mang Cardo.
“ Na mimiss ko si kuya Gab” humihikbi niyang sabi, sabay pahid ng kanyang mga luha.
Narinig niyang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay ni Cardo, agad naman itong lumabas para salubungin ang kakarating lang nitong panauhin.
Sumilip siya sa bintana na yari sa kahoy. Nakita niya ang may ka edaran na babae bumaba ng sasakyan. Naka sout ng puting long sleeve na tinernohan nito ng slacks na kulay gray. Sa ayos ng ginang napaka elegante nitong tignan.
Umalis siya sa may bintana at umupo sa tumba tumbang upuan.
“ Hello” nakangiting bati nang ginang sa kanya at umupo sa gilid niya.
“ Hi po” mahinang tugon niya, sinundan ng paghikbi.
“ Ano ang pangalan mo?” Malumanay ang boses nito.
“ Camile po”
“ Alam mo Camile ang ganda mong bata. kung buhay lang ang anak ko ngayon, kasing edad mo rin siya.” Anang ginang at nagpakilala sa kanyang si Amanda.
“ May dala pala akong cake para sayo” kinuha nito ang cake na bitbit ng asawang si Orlando at sa harapan niya binuksan ang box.
Napamulagat siya ng makita ang matamis na cake may chocolate sa ibabaw. Gusto niya itusok ang hintuturo sa bilog na cake.
Tila na basa nito ang iniisip niya. Gamit ang hintuturo ng ginang kumuha ito ng cake, saka tinikman nito iyon” Hmmm ang sarap” pinikit pa nito ang mga mata ni namnam ang lasa,” Ikaw naman” nakangiti nitong sabi sa kanya.
Ginaya niya ang ginawa nito sa cake at tinikman niya. “ Ang sarap nga”
Inabutan sila ng kutsara ng asawa nitong si Orlando” Hi, Camile ako nga pala si Orlando” pagpapakilala ng Ginoo sa kanya.
“ Nagustuhan mo ba ang cake?” Nakangiting tanong nito sa kanya.
“ Upo. Pwedi ko po bang tirhan ang kuya at ate ko? Kasi hindi pa sila nakatikim ng ganito, sigurado akong magustuhan po nila ito at matutuwa po sila” sumegla ang boses niya.
“ Bibilhan na lang natin sila pag makauwi na sila.” Anang Ginang sa kanya
Napangiti siya “ Talaga po?”
Marahan tumango ang ginang. “ Sa ngayon, isasama ka muna namin sa amin ha? Dun ka muna sa bahay titira habang hinihintay natin ang mga kapatid mo”
“ Hindi po, dito lang po ako kay mang Cardo, baka darating na po ang kuya ko. Baka mag alalala si kuya pag dating niya dito wala po ako.”
“ Pupuntahan ka naman ng kuya mo sa bahay namin.”Pangumbinsi ng ginang sa kanya.
“ Hindi po, usapan po namin ni Kuya hintayin ko siya dito.” Giit niya.
“ Alam mo, madami akong candy sa bahay namin, pwedi mo silang bigyan ng madaming, madaming candy.” Nakangiti nitong sabi sa kanya.
“ Pag uwi nalang po ng kuya ko sabay po kami pupunta sa inyo.” Pag mamatigas niya rito.
“ Isasama kana namin ngayon, dun na natin siya hintayin sa bahay namin.” sabad nang Ginoo si Orlando.
“ Malaki ang bahay namin, sigurado akong magustuhan mo dun at marami akong laruan.” ani ginang Amanda at Hinawakan siya nito sa kamay pasimpleng hinila papunta sasakyan.
“ Wag po dito lang po ako.” Pag iiyak niya at nagpupumiglas nang buksan ng ginang ang sasakyan.
“ Sige na sumama kana hihintayin natin ang kuya mo sa bahay namin.” Kinarga siya ni Orlando papasok sa kotse.
Walang nagawa ang pag iiyak niya. Hindi naman tumigil sa pag alo sa kanya ang ginang para tumahan siya sa pag iyak.
Hanggang sa napagod siya at nakatulogan na niya habang kalong kalong siya ng ginang.
“ ANG ganda naman po ng bahay niyo, ang laki.” Bulalas niya ng makarating sila sa bahay ng mag asawa.
“ Diba, sabi ko sa 'yo? magustuhan mo dito? Halika pasok tayo sa loob” Hinila siya nito papasok.
Para siyang malula sa laki at sa subrang ganda sa loob ng bahay. “ Ang yaman yaman niyo naman po” aniya naglakad papunta sa malambot na sofa” ang lambot po nito”
“ Halika may papakita ako sayo” hinila siya ng ginang papunta sa magiging kwarto niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang daming laruan nakalatag sa kanyang magiging kama.” Wow! ang daming laruan.” Na ibulalas niya sa tuwa. “ Dito po ba ako matutulog?”
“ Oo saiyo na itong kwarto nato.” Nakangiting sabi ng ginang.
“ Pwedi ba dito matulog ang ate at kuya ko kapag dumating sila?”
Tumango tango ang ginang sa kanya. Pinapakita nito ang mga damit na kanyang sosoutin. Mayroon din siyang sariling banyo sa loob ng kuwarto. Pinaliguan siya ng ginang at ng matapos makapag bihis sinuklayan nito ang hanggang balikat niyang buhok. Pinahiga siya sa kama at tinabihan siya nito sa paghiga. Nag bukas din ang ginang ng story book at binabasahan siya nito hanggang sa makatulog siya.
Nagising siya ng hating gabi, naramdman niya ang lungkot na mimiss niya ang kuya at ate niya. Umupo siya sa kama at simulip sa bintana.” Kuya sana kukunin muna ako.” Hiling niya sa mga bituin nag ni ningning sa kalangitan. Ilang saglit pa ang lumipas ay naisipan niyang humiga muli. Hinayaan niyang mag landas ang kanyang mga luha dulot sa lungkot at pangulila sa kuya niya hanggang sa makatulugan niya ang pag iyak.
“ Good morning.” bungad sa kanya ng ginang ng puntahan siya nito sa kwarto kinabukasan.
“ Andiyan na po ba ang kuya ko?” Agad niyang tanong rito.
“ Wala pa ang kuya mo, pero may hinanda ako para sayo.” Masaya nitong sabi sa kanya. “ Mag hilamos ka muna at mag tootbrush.”
Agad naman siyang pumasok sa banyo nasa loob ng kanyang kwarto. Matapos malinis ang sarili, hinawakan siya ng ginang papunta sa kumedor para makapag agahan.
“ Wow! ang daming pagkain. Sana andito na si kuya ata ate para maka tikim sila ng ganito.” Nakangiti niyang wika sa ginang.Inalalayan siya nitong maka upo at pinagsilbihan siya nito.
NABALOT ng lungkot ang puso ni Gab habang inisip ang bunsong kapatid na si Camile. Naka upo siya sa isang tabi sa loob ng pribadong, kwarto ng hospital na pinagdalhan kay Leni. Sagot lahat ng Doctor ang gastusin sa hospital kapalit sa pag ampon nito kay Camile.
Labis siyang nasaktan at lalong lumalim ang hinanakit niya para sa kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, silang mga anak ang nag durusa. Sa murang edad niya napasabak siya sa responsibilidad na hjnid niya dapat pag daanan. " hindi sana hahantong sa ganito, hindi sana mawalay si Camile sa amin" punong puno ng hinanakit ang puso niya. Biglang nangilid ang kanyang mga luha sa isipin na mimiss niya ang pinaka bunso nila.
Napuno rin ng takot at pagkabahala ang kanyang puso. Paano niya sasabihin kay Leni, na wala na si Camile sa kanila? Labis itong masaktan kapag malaman nito ang totoo.” Bakit ba kinakailangan hahantong ako sa pagpili kung sino sa dalawa ang e sacrepesyo ko?” Napahikbi na lamang siya sa kanilang sinapit.
“ Kuya, nasaan ako bakit ang lamig?”
Tanong ni Leni ang pumukaw sa kanyang pag iisip. Napatayo siya at humakbang palapit sa kapatid” Leni, kumusta na ang pakiramdam mo?” Balik tanong niya rito at pasimpleng pinahid ang luha naglandas sa kanyang pisngi.
“ Okay na ako kuya, si Camile nasaan ?”
Bahagya siyang natigilan sa tanong nito. Muling na muo ang mga luha sa kanyang mga mata, pigil niyang wag pumatak ang mga luha sa harapan ni Leni. Ayaw niya itong mag alala.
“ Iniwan ko muna kay mang Cardo.” Pag sisinungaling niya.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang doctor na si Orlando Perez.
“ Pwedi kanang makalabas sa makalawa hija.” Nakangiti bungad ng may kaedaran na doctor.
“ Doc, pwedi ba tayo magusap sa labas?” Pakiusap niya dito ng matapos nitong masuri si Leni.
Nakangiting naglakad ang doctor palabas ng silid.
“ Doc ang kapatid ko po si Camile, alam niyo pong mahal na mahal ko po ‘yon.
Sana hindi niyo po siya pababayaan.” Pakiusap niya rito sa malungkot na mukha.
Napangiting tinapik tapik ng doctor sa balikat. “ Hangang hanga ako saiyo Gab, sa murang edad mo para kanang matandang kausap.” Anang doctor sa kanya
“Siguro dahil sa namulatan nitong kahirapan kaya ganito nalang ka matured itong batang ito mag isip.” Naiiling na sabi ng doctor sa sarili.
mataman siyang tinignan ng doctor sa mata “ Hayaan mo Gab, pangako ko sa iyo, mamahalin namin si Camile tulad ng pag mamahal niyo sa kanya.” Pag bigay assurance nito sa kanya.” At bibigyan namin siya ng magandang buhay. Sisiguraduhin namin Gab na matupad ni Camle ang lahat ng pangarap niya” dagdag ng doctor.
Pinilit niyang maging mapanatag sa sinasabi nito.Pero hindi niya mapigil ang maluha sa isipin pag uwi nila ng bahay, wala na silang maaabutang Camile.
“ Paano Gab? aalis na ako may pasyente pa akong nag hihintay.” Paalam nito
Bago pa ito tuluyan umalis ay inabutan siya nito ng pera para makapag simula silang mag kakapatid ng pani bagong buhay. Ni recommend din siya nito puntahan ang suki nitong may ari ng talyer since mahilig siya sa sasakyan. Do’n marami siyang matutunan.
Nag mamadali siyang bumalik sa loob ng kwarto ng matapos ang pag uusap nila ng doctor.
“ Leni, gusto mo bang kumain?” tanong niya dito ng balikan niya ito sa loob.
“ Saan ka kumuha ng pera pang bayad dito kuya?” Kunot noong tanong nito kanya.
“ Nakautang ako kay mang Cardo.” Pagsinungaling parin niya. Minsan naramdaman niya na parang may sumayad sa lalamunan niya sa tuwing nag sinungaling siya rito.
“ Saan ka kukuha ng pambayad?” Naka kunot noo na tanong ni Leni.
“ Wag mo muna isipin ang pambayad Leni. Ang importante ngayon ay okay kana at makalabas na tayo dito.”