“ KUYA, si ate hindi tumigil sa pagsusuka.” na iiyak na bungad ni Camile sa kanya ng nasa pintuan na siya.
Napa takbo siya paakyat sa hagdanan“ Leni, Leni?” Tarantang tawag niya sa pangalan ng kapatid.
Hintatakutan siya ng makita itong putlang putla. Na dehydrate na ito sa walang tigil na pag susuka.
“ Nay, Tay na saan na kayo?" Na iiyak niyang sambit sa kawalan.
" Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nay. “ Napa upo siya sa tabi ni Leni. Naisambunot ng mga daliri ang sariling buhok.
“ Kung nandito lang siguro kayo nay, hindi siguro kami magkakaganito. Bakit ba kasi kailangan niyo pa kaming iwanan, nay tay?" tuluyan na siyang napa hagolhol.
" Ang bigat bigat nitong responsibilidad na iniwan niyo sa akin" tila nawawalan na siya ng pag asa.
“ Kuya, bakit ma umiiyak? mamatay ba si ate?” Naba halang tanong ni Camile sa kanya.
Napa tingin siya rito“ Hindi Camile, hindi mamatay si Leni, hindi ko papayagan na mamatay siya” nayakap niya ang bunso ng mahigpit.
" Ako din kuya, ayaw ko mamatay si ate." naiiyak nitong sabi.
Sinulyapan niya si Leni, nanganganib na ang buhay nito. Alam niyang kailangan na niyang gumawa ng paraan para mailigtas ito sa kamatayan.
Tinignan niya si Camile, nasa kamay nito ang kaligtasan ni Leni. Pero naka ramdam siya ng bigat sa kanyang ka looban.
“ Kailangan ko nang kumilos, hindi pwedi mag sayang ako ng oras." sa ka loob looban niya.
" Patawarin mo ako Camile.” naiiyak niyang sabi rito.
" Bakit ka humingi ng tawad kuya?" nagtataka nitong tanong.
Hinawakan niya sa magkabilaang pisngi ang bunsong kapatid“ Camile, alam mong mahal kita diba? kayo ni ate Leni mo?” Naiiyak niyang tanong rito.
“ Oo kuya, mahal ko din kayo. Basta wag mo akong ibibigay kina nanay ha? magkasama lang tayo tatlo ni ate."
" Hindi, hindi kita ibibigay kay nanay."
" Diba kuya, sabi mo basta magkasama tayong tatlo lahat ng problema ay malalampasan natin?" inosente ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
Lalo siyang napa hagolhol sa sinasabi nito. Inuusig na siya nang kanyang kunsinsiya.
Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi, “ Camile, dadalhin ko sa hospital si ate Leni mo, iiwan muna kita kina mang Cardo, kasi walang magbabantay sa'yo dito.” Paliwanag niya rito, habang nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
" Sasama na lang ako sa hospital kuya."
“ Hindi kita pweding dalhin sa hospital bawal ka du'n. Naiitindihan mo ako Camile?”
Malungkot ang mukha nitong tumango-tango sa kanya. “ Kuya, kunin mo ako agad ha? Pagmakauwi kayo ni Ate. Maghihintay ako sa 'yo kuya. “ naiiyak nitong sabi sa kanya.
Napa higpit siya nang yakap rito, dahil alam niya ito na ang huling araw mayakap niya ang kapatid.
“ Bakit kaba umiiyak kuya? Babalikan mo naman ako diba?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Tanging tango lang ang kanyang tugon rito.
“ Mag pe-pray ako, kay papa Jesus na pagalingin si ate Leni para masundo mo na ako kuya" si Camile pa rin.
Napahigpit lalo ang pagyakap niya rito" Mahal na mahal kita Camile.” Hinawakan niya ang kamay nito at dinala papunta sa bahay ni mang Cardo.
“ Mang Cardo, tulongan mo ako iligtas si Leni.” Pakiusap niya.
Nasa labas sila ng bahay nito at si Camile naman ay naka upo sa may sala sa loob ng bahay ni Cardo.
“ Maka-asa ka Gab, mailigtas si Leni.” Tinapik tapik nito ang kanyang balikat.
“ Mang Cardo nakikiusap ako na wag niyo pababayaan si Camile.” Maluha luha niyang bilin dito.
“ Wag kang mag-alala magiging maganda ang buhay ng kapatid mo sa kaibigan ko.
Matutupad ni Camile ang mga pangarap niya” pagbigay assurance nito sa kanya.
Saglit muna siyang iniwan nito at tinawagan ni mang Cardo ang kaibigan para ipaalam ang naging decision niya.
Ang mag asawang Orlando at Amanda ang mag-ampon kay Camile. Si Orlando ay isang doctor sa pribadong hospital at si Amanda naman ay isang guro. Mula nang mamatay ang anak ng mga ito hindi na ito na biyayaan pa na magka anak muli. Kaya nong makita nila ang magkapatid at nalaman iniwan ito ng mga magulang nagkaroon ng interest ang mag asawa sa kanila.
" Parating na ang ambulance para dalhin si Leni sa hospital kung saan nag tatrabaho si Orlando." ani Cardo sa kanya matapos nitong kausapin ang kaibigan.
Nabalot ng lungkot ang kanyang puso ng mga sandaling iyon. Nilingon niya ang ang bahay ni mang Cardo at nakita niya ang kapatid naka tayo sa may bintana tinatanaw siyang nakikipag-usap kay mang Cardo.
“ Patawad Camile, kung kailangan ko itong gawin. Sana balang araw maintindihan mo kung bakit ko ito nagawa” bulong niya sa sarili.
Hindi na niya makuhang magpaalam pa rito dahil naninikip na ang kanyang dibdib sa subrang sakit.
Tatalikod na sana siya ng tawagin siya ni Camile.
“ Kuya Gab, balikan mo ako ha? Maghihintay ako sa iyo dito.” Sigaw nito umiiyak.
" I love you kuya! mamimiss kita!" sigaw pa rin nito.
" Mahal ko rin si ate!"
Pumapatak ang kanyang mga luha ng marinig ang pinagsasabi nito. Agad siyang tumalikod para maka layo.
" Kuya Gab, sasama na ako sa'yo!" umiiyak nitong sigaw at nagtatakbo palapit sa kanya.
" Kuya, wag mo nalang akong iwan. Isama mo nalang ako." niyakap siya nito.
Napa yakap siya rito ng mahigpit “ Camile, diba sabi ko sa'yo hindi ka pwedi sa hospital." umiiyak niyang sabi.
" Ayaw ko dito kuya." walang tigil ito sa pag iiyak.
" Hintayin mo ako dito, babalikan kita pag magaling na si ate Leni mo."
" Ma mimiss kita kuya."
" Camile ma mimiss din kita. Mahal na mahal kita Camile." humahagolhol niyang sabi rito.
Nilapitan sila ni mang Cardo at hinila nito si Camile. “ Sige na Gab, umalis kana baka nandon na ang ambulance na susundo kay Leni.”
" Sige na Camile, aalis na ako. Magpa kabait ka kay mang Cardo." tuluyan na niya itong tinalikuran.
" Kuya, pangako mo ha babalikan mo ako?" sigaw ni Camile na hinahawakan ni mang Cardo.
Hindi na niya ito nilingon pa. Binilisan na lamang niya ang kanyang mga hakbang para hindi na niya maririnig ang mga iyak ni Camile.
Naabutan niya ang ambulance sa labas ng kanilang bahay. Himbis na matuwa siya dahil nakuha na ng ambulance si Leni.
Pero pakiramdam niya para siyang namatayan. Sana lang maagapan pa si Leni dahil kung hindi habang buhay niyang kamumuhian ang mga magulang sa pag iwan sa kanila.