LIMANG araw din ang pinamalagi ni Leni sa hospital bago siya tuluyan nakalabas. Sinugarado ng Doctor na okay na ang pakiramdam ni Leni.
“ Kuya, sunduin na natin si Camile.” Excited na sabi niya ng makauwi sa kanila.
Hindi na siya makapaghintay makita ang bunso, sabik na sabik na siyang mayakap ito. Ito pa ang kauna-unahang pagkakataon hindi sila magkasama.
“ Leni, k-kasi.” Nauutal nitong sabi.
Hindi niya alam kung bakit basta bigla nalang siyang kinabahan sa ipinakita kilos ng kanyang kapatid
“ Kuya, ano'ng ginagawa mo kay Camile?”
Hindi siya nito sinagot ni hindi siya tinignan. Humakbang si Gab pa akyat ng hagdanan.
“ Nasaan si Camile?” Pasigaw niyang tanong ng nasa ikatlong palapag ng hagdanan si Gab.
Saglit itong huminto sa paghakbang at nilingon siya. “ Leni.” mahinang sabi nito.
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito, patakbo siyang lumabas ng bahay, papunta kina mang Cardo.
“ Leni! Leni!”
Narinig niyang tawag ng kuya sa kanya, subalit hindi na niya ito nilingon pa, binilisan niya ang kanyang pagtakbo.
Hindi niya maintindihan ang sarili kumakabog sa kaba ang kanyang dibdib.
“ Camile! Camile!” Pagsisigaw niya sa pangalan ng kapatid ng makarating siya sa bahay ni mang Cardo.
“ Leni?” Bungad sa kanya ni mang Cardo, nakasilip mula sa may bintana.
“ Mang Cardo kukunin kona po si Camile.”
Lumabas ito ng bahay at nilapitan siya. “ Leni wala na dito si Camile, hindi ba sinabi sa iyo ni Gab?”
Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. " Anong wala? Iniwan siya ni kuya sa inyo. Ilabas mo ang kapatid ko.” May halong galit sa boses niya.
“ Leni!” Tawag ni Gab nakatayo mula sa kanyang likuran.
“ Pina-ampon ko si Camile.” gumagaralgal na sabi ni Gab.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon, pinagsaklupan siya ng langit at lupa sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala nagawa ito ni Gab.
“ Kuya, paano mo ito nagawa kay Camile?” Naiiyak niyang tanong.
“ Ibalik mo si Camile!” pumapalahaw siya ng iyak.
Binalot ng lungkot ang puso niya ng mga sandaling iyon.
“ Kailangan kong gawin Leni, para maligtas ka.” Ani Gab at nilapitan siya.
“ Hindi!” Naisigaw niya sa subrang sama ng kanyang loob.
" Camile, Camile!” Naiiyak niyang sambit sa pangalan nito.
“ Leni, patawarin mo ako.”
“ Sana hinayaan mo nalang akong namatay kaysa pinamigay mo si Camile!”
Nagtatakbo siyang bumalik sa kanilang bahay, durog na durog ang puso niya sa pag-paampon kay Camile.
Dumeretso siyang umakyat sa itaas at hinagilap ang maruruming damit ng kapatid.” Para akong sinaksak ng paulit ulit, Camile.” aniyang, niyakap ang maruming damit nito. Pakiramdam niya para siyang namatayan, para siyang mababaliw sa labis na pangulila sa kapatid. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman.
Mag damag niyang iniyakan ang pagkawala nito. Naihiling niya sa may kapal na sana namatay nalang siya kaysa pinapahirapan pa siya, unti unti din siyang pinapatay sa lungkot at labis na pangulila.
“ Leni patawarin mo ako, ginawa ko lang ‘yon para mailigtas kita. Sana maintindihan mo kung bakit kailangan ko iyong gawin, tanging si Camile lang ang pag-asa na mapagamot ka.” Naiiyak na pagpaintindi sa kanya ni Gab.
“ Ang sakit sakit kuya, ang sakit. Sana namatay nalang ako. Nang hindi ko maramdaman ang sakit na'to.”
“ Patawarin mo ako Leni, hayaan mo babawiin natin si Camile.” Derterminadong sabi ni Gab, sigurado na itong babawiin ang bunso.
NAKATAYO sa may bintana si Camile, mula sa loob ng kanyang kuwarto, ilang linggo na ang lumipas hindi pa rin siya sinundo ng mga kapatid niya.
“ Kuya ate, nasaan na kayo? Bakit hindi niyo pa ako sinusundo rito? Na mimiss kona kayo.” Muling nangilid ang kanyang mga luha. Araw araw siyang nakasilip mula roon baka sakaling matanaw ang mga kapatid, ngunit bigo siya.
“ Camile, ano ang ginagawa mo riyan sa may bintana? Araw araw nalang kitang nakikita naka tunganga diyan.” Tanong sa kanya ni Stella.
Si Stella ay ang pamangkin ng Ginang na si Amanda, pansamantala muna itong nakatira kina Amanda habang nasa hospital pa ang ina nito.
Nilingon niya ang nagsasalitang si Stella nakatayo sa may pintuan.
“ Ano ba ang iniiyak iyak mo diyan Camile?” Humakbang ito palapit sa kanyang kama.
“ Namimiss ko ang kuya at ate ko.”aniya na walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
“ Hindi kana babalikan ng mga ‘yon, pina-paampon kana ng kuya mo, narinig ko nag-uusap si tita Amanda at ang mama ko.”
“ Hindi totoo ‘yang sinasabi mo. Babalikan ako ng kuya ko.”galit ang kanyang boses at marahas na pinahid ang mga luha nag-uunahan sa pagpatak.
“ Bahala ka kung ayaw mong maniwala. “ Sabi nitong naglakad palabas ng kanyang silid.
“ Hindi ako naniniwala, ang sabi ni kuya wala kaming iwanan.” Aniya sa sarili, padapang humiga sa kanyang kama.
NAGDAAN pa ang mga ilang araw, ginagawa pa rin niya ang pagsilip sa bintana, hindi siya nawawalan ng pag-asa na babalikan siya ng mga kapatid.
“ Kuya, ayaw mo naba sa akin, kaya mo ako pinamigay?” sinundan niya iyon ng mga hikbi.
Araw-araw at gabi-gabi hinihiling niya na sana isa man sa mga kapatid ay sunduin na siya, labis ang kanyang pangulila sa dalawa. Hang-gang sa dumating ang araw at tuluyan na siyang napagud sa paghihintay. Masama ang kanyang loob na kahit anino ng mga ito hindi niya nakita.
“ CAMILE anak, pupunta tayo ng Canada dun na tayo titira, dun kana rin mag-aaral anak.”
Bungad sa kanya ni Amanda ng pumasok ito sa kanyang kwarto.
“ Papalitan namin ang pangalan mo. Simula ngayong araw na ito, ikaw na si Jacky Perez.” Pagpapatuloy ng ginang.
Ayaw man niya sanang pumayag pero dulot ng sakit at sama ng kanyang loob sa mga kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binabalikan,
Niyakap niya ng buong puso ang pagbabago ng kanyang buhay.
“Kakalimutan ko kayo katulad ng paglimot niyo sa akin, pinaasa niyo akong babalikan pero ni anino niyo'y hindi ko nakita.” Punong puno ng hinanakit ang puso niya para sa dalawang kapatid.