“ YOU did a great Jack”bati sa kanya ng kababatang si Paolo, sa kabilang linya. Pauwi na siya sa kanila ng tawagan siya nito matapos ang kanyang show.
“ Thank you, I wish you were here. I missed you so much Pao” aniya sa malungkot ang boses.
“ I missed you too Jack, but I’m happy to see you on screen”
Ilang saglit pa ang lumipas bago nag paalam ang binata sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Isang taon na rin ang kababatang si Paolo sa pinas.
Tila ba presko pa sa kanya ang pag alis nito, iniyakan niya ang pag uwi ng binata sa pinas, pakiramdam niya bumalik sa puso niya ang sakit nong iniwanan siya ng kapatid noon.
Hindi niya namalayan ang pag ngilid ng kanyang mga luha.
Pinahid niya ang nga luhang kanina pag naglandas ng makarating siya sa kanila.
Naabutan niya ang ina nakaupo sa sala nag babasa ng magazine.
"Is everything okay honey?" bungad ng kanyang ina ng makapalit siya rito.
Ngumiti siya ng pilit at yumuko para halikan ang ina"I'm fine mom"
" You sure? you look feed up" anitong nakatingin sa kanya.
Biglang pumasok sa isipan niya ang isang idea na walang kasiguraduhan kung papayagan siya ng ina.
Umupo siya sa tabi ng Ginang at pinupulopot ang mga kamay sa braso nito.
“ Ma, magpapaalam sana ako, gusto kung umuwi ng pinas.”
“ Are you serious anak?” Gulat na tanong nito sa kanya.
Marahan siyang tumango-tango sa ina.
“ Nag alalala ako saiyo anak.”
“ Mommy, I’m a lady now, you have nothing to worry about me, I can handle myself and beside Paolo is there” niyakap yakap niya ito at hinalikhalikan sa pisngi.
Hindi umimik ang ginang. Hinalik halikan niya ito. Hindi nila namalayan ang pag lapit ng ama.
“ Mukhang seryoso ang pinagil usapan niyong mag ina.” Pukaw ng ama sa kanilang attention.
“ Itong anak mo uuwi daw ng pinas mag isa.” Sumbong ni Amanda sa asawa.
“ What? And why?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
“ I just want to have a break dad. Please, payagan muna ako” nilalambing niya ang ama.
Tignan ni Orlando ang asawa nakatingin din sa kanya.
“ Don’t tell me that you’re going to agree with her?” Anang ginang
“ Please dad?” Pilit niya.
“ Hayaan muna yang anak mo, malaki na ‘yan kaya na niya ang sarili niya, andon din naman si Paolo.” Pangunsinti ng ama sa kanya.
Bigla siyang napatayo“ Yes! Ahhhh... I love you daddy” nayakap niya ang ama sa subrang tuwa.
“ Yan, kana nanaman eh, agad mong pinag bigyan ‘yang anak mo.” Nag tatampo sabi ni Amanda sa asawa.
Binalingan niya ang ina na mangingiyak sa pag payag ng kanyang ama sa gusto niya.
“ Mommy, wag kana umiyak, pumayag na nga si daddy.”
Napabuntong hininga ang ginang “ Ano pa nga ba ang magagawa ko.” Napipilitan nitong tugon sa kanya.
“ I promise mom, I will behave myself and I will always take good care while I’m a way. Just don’t worry about me” aniya hinalikan ang ina sa pisngi.
Walang pag lagyan ng kanyang saya na makaka uwi na siya ng pinas at makikita niya muli ang kanyang kababatang si Paolo.
“ BRIAN ang aga mo ngayon?” Tanong ni Leni, sa nobyo ng sunduin siya nito sa paaralan. Naka tayo ito sa pinto ng kanyang classroom.
“ Ayain sana kitang mananghalian sa labas.” Anitong naglakad palapit sa kanya.
“ Tamang tama din ang dating mo, half day ako ngayon.”
Binilisan niya ang kanyang mga kilos sa pag liligpit ng kanyang mga gamit. Magkahawak kamay silang lumabas ng paaralan at inalalayan siyang makapasok sa loob ng sasakyan.
“ Ano ba ang meron at inaya mo ako sa labas kumain?” Naka ngiti niyang tanong sa nobyo. Nanibago siya rito kadalasan gabi itong nagyaya sa kanya.
“ Wala lang gusto ko lang para maiba naman.”
Sa isang may kamahalan kainan siya dinala ni Brian, na nasa loob din ng mall.
Inabutan sila ng waitress ng menu ng makaupo sa pandalawahang upuan.
“ Masarap kaya ang pagkain nila rito? Mukhang bagong bukas ito.” Tanong niya sa nobyo ng matapos makapag order. Iginala niya ang paningin sa loob ng kainina. May iilang mga costumer ang nasa loob.
Binalik niya ang paningin sa nobyo kanina pa nakatitig sa kanya.
“ May du——“
“ Manloloko.” Galit na boses ng babae ang pumutol sa sasabihin sana niya.
Napa angat siya ng tingin at tinignan ang mukha ng babae nakatayo sa gilid nila. Naka sout ito ng mabulaklakin tube at pinaibabawan ng itim na blazer. Ternohan ng black short na nagpapalitaw sa mga mapuputi nitong heta.
Naka ponytail ang mahaba nitong buhok at naningkit ang mga mata sa galit nakatingin sa kanya.
“ Ikaw, mang aagaw ka ng boyfriend malandi ka.” Anito.
Saka bigla siya nitong sinampal.
Natigilan siya ng mga sandaling iyon hindi niya alam ang gagawin na bigla siya sa bilis ng mga pangyayari.
Akma siyang sabunutan nito ngunit maagap na hawakan ni Brian ang nag wawalang babae.
Nakalikha na sila ng ingay, pinag titinginan na sila ng mga tao nandoon. Hindi parin siya naka bawi sa pagka bigla hawak hawak niya ang nasampal na pisngi.
“ Ano ba Stella, wagkang mag scandalo dito.” Mahinang saway ni Brian sa nag wawala paring si Stella.
“ Bakit, ayaw mong mapahiya kayo? ayaw mong malaman ng malanding babaeng iyan, na may girlfriend ka,Ha?!”Singhal nito.
“ H-hindi ko alam na may nobya siya.” Mahinang sabi niya rito.
Nanlisik ang mga mata nito sa galit” Ganyan naman talaga eh, kapag nahuhuli laging e dahilan hindi nila alam na may nobya.” Pagalit nitong sabi sa kanya.
Hindi niya alam paano pa ipag tanggol ang sarili niya. Lumabas siya ng kainan na tulala nahihiya siya ng makita ang mga taong nakatingin sa kanya.
“ Leni!” Narinig niyang tawag ni Brian sa kanya.
Ngunit hindi na niya ito nilingon,” Walang hiya manloloko na”
Sa subrang pagmamadali niya makalayo sa lugar na iyon, nakalimutan niyang tumingin sa magkabilaang daan bago tumawid.
“ Pepepep!” Malakas na bosina ang nagpahinto sa kanya sa gitna. Nangagatog ang kanyang nga tuhod nakatingin sa humintong sasakyan sa harapan niya isang dangkal nalang ang layo at mabangga siya nito.
“ Miss, okay ka lang ba?” Alalang tanong ng driver sa kanya ng bumaba ito sa sasakyan at nilapitan siya.
Marahan siyang tumango tango rito, na hindi manlang niya tinapunan ng tingin.
“ Hoy, Ano ba! Wag kayo sa daan mag landian.” Sigaw ng ibang driver na sa likuran ng sasakyan ng diver ng sasakyan na muntikan ng maka bundol sa kanya.
“ Baka na trauma ito.” Narinig niyang sabi ng lalaki sa kanya.
Dahil panay sirbato ang mga sasakyan nasa kanilang likuran. Hinila siya nito pasakay ng kotse.
Hindi siya pumalag ng isakay siya nito, hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Hindi ma waksi sa isipan niya ang kahihiyan nangyari kanina sa loob ng kainan.
“ Miss dadalhin nalang kita sa doctor.” Untag nito sa kanyang pananahimik.
Biglang nangilid ang kanyang mga luha, hindi na niya mapigil ang sarili na wag umiiyak. Magkahalo ang kanyang emotion naramdaman ng mga sandaling iyon.
Alalang pinarada ng driver ang sasakyan sa tabi ng daan.
“ Miss, pasensiya na talaga, bigla ka kasing dumaan.” Alalang sabi nito sa kanya at
Inabot nito ang panyo sa kanya.
“ Ako ng pala si Paolo. Ikaw ano ang pangalan mo?”
“ Leni.” Marahan niyang tugon.
“ Ano ang nangyari sayo Leni? bakit ka tumawid na parang wala sa sarili?”
“ Lokong iyon niloloko ako.” Mahina niyang sabi.
“ Hmmm loves quarell.” Nakangiti nitong sabi sa kanya.
Dinala siya nito sa tahimik na lugar.
“ Nakikita mo ba ang puno na iyan?” Sabay turo nito sa malaking puno nasa tabi ng daan. Sa unahan ng malaking puno ay ang asul na karagatan.
Nilingon niya ang tinuturo nito, maaliwalas ang paligid.
“ Diyan ako madalas nag mumuni-muni” nakangiti nitong sabi at tinanggal ang seatbealt.
Nagmamadaling lumabas ng sasakyan si Paolo at umikot sa passenger seat kung saan siya nakaupo. Pinag bukas siya nito ng pinto.
Umupo sila sa ilalim ng malaking puno.
“ Alam mo, dito ako nagpupunta kapag masama ang loob ko. Lalo na pag gusto kung mapag-isa”
Tinignan niya ang binata namumula ang maninipis nitong balat dahil sa init. Matangos ang ilong. Mapupula ang hugis puso nitong labi at lumilitaw ang dalawa nitong bilog kapag ngumingiti.
“ Sa gwapong ito may sama pa ito ng loob.” Sa isip niya.
“Ahem, Ahem!” Pukaw nito sa kanya.
“ Parang matutunaw na ako diyan sa tingin mo ah.” Ngumingiti nitong saway sa kanya na lalong nagpapalitaw sa guwapo nitong mukha.
“ W-wala.” Nahihiya niyang sabi saka napayuko.
“ So, ano nga pala ang nangyari sayo?”
“ N-nahuli kasi kami ng boyfriend ko ng girlfriend niya sa restaurant. H-hindi ko naman alam na may girlfriend din siyang iba. Nasampal tuloy ako.” Aniya rito.
Natigilan ito sa sinabi niya.
“ Wait, na sampal ka sa restaurant?” Di makapaniwalang ulit nito sa sinasabi niya.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaction ng magtama ang kanilang mga mata. Gusto niyang matawa sa nakitang reaction rumehestro mukha nito sa kanyang sinasabi.
Nakayuko siyang tumango-tango
“ Everyone going to the restaurant to eat, and you went there to get slap?” Natatawa nitong sabi.
Nahawa siya sa tawa nito.
“ Yan, maganda ka naman pala kapag ngumingiti ka.” Puri nito sa kanya.
Tila nahihiya pa siya sa turan nito.
“ So lagay na ‘yan, hindi kapa nakapag pananghalian?” Nakangiti nitong tanong sa kanya.
Yumoko siya sabay tango sa tanong nito.
Agad itong tumayo saka hinila siya nito.
“ Saan mo ko dadalhin?” Takang tanong niya rito.
“ Sa restaurant kung saan walang mananampal.” Natatawa nitong biro sa kanya. Natawa siya sa sinabi nito sumunod sa paglakad pabalik sa nakaparadang kotse.
Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ka powerful ang lalaking ito nagawa niyang mapangiti sa nangyari kanina.