Magkapatid Episode 20

1180 Words
HUMINAHON si Gab sa kanyang pakiusap. Binigyan nito ng chance na magpaliwag si Paolo. “ Tol, papayagan mo lang akong ituwid ang mali ko. Bigyan mo ako ng chance na maipaglaban ang pagmamahal ko kay Leni, gayong alam ko na wala akong dapat na ipangamba sa kalagayan ng aking ina.” nagsusumamo ang mga mata ni Paolo nakatingin kay Gab. “ Ano ang gagawin mo? paano mo maipaglaban ang kapatid ko sa ina mo?” Nakipag titigan ito kay Paolo. “ Kung papayag ka hingin ko ang basbas mo na magpa secret marriage kami ni Leni, for now. Para hindi mahadlangan ni mommy, tapos ng kasal namin wala na silang magagawa pa” sincero itong nakipag usap kay Gab. “ Ito usapan lalaki 'to Paolo, wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko, dahil alam mo kung gaano ko 'yan ka mahal. Sa oras na paiyakin mo pa 'yan uli hindi ako magdadalawang isip na patayin ka” walang kiming sabi ni Gab. “ Pero ikaw parin ang masusunod Leni” baling ni Gab sa kanya. “ Handa kabang bigyan siya ng chance uli? At papayag kaba magpa secret marriage kayo?” Panigurado nito sa kanya na hindi siya nagdadalawang isip. Napatingin siya kay Paolo nakatingin din sa kanya. Nakikiusap ang mga mata nito na pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Napa awang ang kanyang mga labi ng lumuhod itong muli sa harapan niya. “ Leni will you please, give me a second chance and marry me?” Nahihiya siyang hinawakan ito sa kamay at hinila pa tayo” nakakahiya kay kuya tumayo ka” “ Marry me?” Ulit nito “ Yes, I will marry you” niyakap siya nito tila sila lang dalawang tao naroon. “Ituloy natin ang naudlot natin kasal sa madaling panahon” ani Paolo. Walang katumbas ang tuwa, naramdaman ni Paolo ng mga sandaling iyon, pumayag si Leni, magpakasal sa kanya at ang ibinigay na basbas ni Gab para sa kanila. " BAKIT ngayon ka lang?" Singhal ni Jacky ng makita siyang bumaba ng sasakyan. " Hating gabi na ngayon kapa umuwi. Baka nakalimutan mo may asawa kang naghihintay dito." Pinandilatan siya nito ng mata. Naalala niya ang pinag usapan nito kanina at ang mommy niya, gustong gusto niya itong sumbatan pero pinagtitimpihan niya ito. Minabuti niyang tumahimik nalang para hindi ito maghihinala sa kanya, kailangan niyang mag-iingat sa kanyang mga kilos. Habang hindi pa sila kasal ni Leni. Tinignan niya lang ito at nilampasan. “ Wag mo akong tatalikuran, saan ka galing bakit ngayon ka lang?” sigaw nitong naka sunod sa kanya. Tumigil sa paglakad at nilingon ito" Hoy, Jacky baka nakalimutan mo, sa papel lang tayo kasal. Pero hindi mo ako pwedi pagbawalan kung kailan ko gustong umuwi sa bahay na'to." Saglit itong natigilan sa kanyang sinasabi. " Ano ba ang kailangan kung gawin, Paolo, para mahalin mo ako? Kailan mo ba tanggapin na asawa mo na ako."Napa hikbi nitong sabi at bahagyang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi nito. Nakaramdam siya ng awa para rito, pero hindi niya mababago ang puso niya si Leni pa rin ang sinisigaw nito. Minabuti niyang tinalikuran nalang ito. " Kahit na sa papel lang tayo kasal, pero hindi mo pa rin mababago 'yon, kasal pa rin tayo Paolo, kaya wag na wag mo akong basta, basta nalang tatalikuran. May panindigan ka sa akin bilang asawa mo!" pa sigaw nitong sabi. Tumigil siya sa paghakbang " Wala akong panindigan sayo!" balik niyang sigaw rito at nagmamadaling tinungo ang hagdanan upang makawala sa harapan ni Jacky. PARANG nauupos na kandila si Jacky sa kinatatayuan ng iwanan ni Paolo. Hindi siya maka galaw sa galit at sakit na pinagsasabi nito. Na sundan na lang niya ito ng tingin, hanggang sa pagpasok nito sa guest room. " Bakit, hindi mo ako pwedi mahalin Paolo? Sana hindi nalang tayo lumaki para hanggang ngayon magkasama pa rin tayo." tuluyan na siyang napa iyak. " Bahala na hindi ako susuko, makuha ko lang ang pag mamahal mo.” Determinadong sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa kanyang kwarto. " Malaman ko lang na may babae ka, pagsisihan ng salot na ‘yan na pumasok siya sa buhay natin." Pabagsak siyang humiga sa kama. " MOMMY, ano ang kailangan kung gawin para mapanatili si Paolo dito sa bahay?" tanong niya sa byanan kinabukasan ng nasa hapag kainan sila. " Honeymoon namin, pero kahit sa agahan man lang hindi kami magka sabay." Mangiyak ngiyak niyang sumbong sa ginang ng hindi makita si Paolo nitong umaga. " Hayaan mo pagsasabihan ko 'yon." Anang ginang na sinalinan ng kanin ang plato niya. " Hindi, pwedi ang ganito mommy, pa lagi siyang wala sa bahay." umiiyak niyang sabi rito. " Hayaan mo hija gagawan natin 'yan ng paraan tahan na." Aligagang alo nito sa kanya. Bigla nanlisik ang kanyang mata sa galit ng maisip na baka may iba ito" Malaman laman ko lang na niloloko niya ako pagsisihan niya at ng babae niya." Mariin niyang sabi. " Tatawagan ko. Neneng paki kuha ng cellphone ko." Baling ng ginang sa katulong. Tanging ring ng ring lang ang cellphone ni Paolo pero hindi nito iyon sinasagot. " Ayaw niyang sagutin ang tawag ko” bulalas ng ginang sa inis. Maya maya pa ay biglang natigil sa pag ring ang cellphon. “ Saan ba ito nagpunta at bakit pinatayan ako ng celphone, p*nyetang bata 'to." bulalas ng ina sa galit. "Malamang nasa babae niya 'yon. Makaka patay talaga ako ng tao." Gigil niyang sabi. Napa tayo siya," Saan ka pupunta hija?" " Na walan na ako ng gana, kumain aalis na muna ako. May pupuntahan lang ako." nagtuloy siya sa kanyang kwarto. MAAGA sinundo ni Paolo si Leni, maaga nilang pinuntahan ang kakilala niyang Judge na magkakasal sa kanila. " Bakit hindi mo sinagot ang tawag?" tanong ni Leni kay Paolo ng nasa loob sila ng sasakyan. “ Si mommy lang 'yon malamang sinulsolan na naman iyan ni Jacky.” Hindi nalang siya umimik hinayaan na lamang niya ito. " Hindi na ako pa uuto ni mommy." sabi nito. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin or kakausapin tungkol sa nanay nito. Ayaw niyang magsalita ng masama laban sa ginang dahil kahit papaano ina pa rin ito ng lalaking mahal niya. Kahit hindi maganda ang turing nito sa kanya, ginagalang niya pa rin ito. Hapon na sila natapos ni Paolo, sa kanilang nilalakad. " Hindi na ako magtatagal uuwi na ako, para makapag pahinga kana rin." ani Paolo ng maihatid siya nito sa kanila. " Sige, kailangan kong matulog ng maaga, sumasakit ang likod ko. Ikaw matulog kana rin pagka uwi mo sa inyo." " Sa condo na lang muna ako ng kaibigan ko matulog. Hindi na muna ako uuwi sa bahay." Napa kunot noo siya sa sinabi nito," Baka mag alala ang mommy mo sa'yo." "Wala din naman katahimikan sa bahay namin, puro nalang sigawan. Parang hindi na bahay iyon." malungkot nitong sabi. " Ganito talaga ang mangyayari kapag sa pilitan ang lahat. Na wawala ang saya sa bahay at napapalitan na lang ito ng galit." dugtong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD