" LABASIN mo nalang Leni, kausapin mo nalang.” Ani, Gab sa kanya naka tayo mula sa kanyang likuran.
Nilingon niya ito," Okay lang sa'yo?"
“ Nakakahiya na sa mga kapit bahay natin, nakaka isturbo na 'yang g*go na 'yan. Parang wala naman iyang balak na tigilan ka." Si Gab na ata ang sumuko sa katigasan ni Paolo.
Humugot muna siya ng malalim na hininga, saka naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ito ng gatw.
" Leni, parang awa mo na mag usap tayo." anito ng makita siyang naka tayo sa may pintuan.
" Ano pa ba ang pag usapan natin Paolo?"
" Leni, kahit ngayon lang please, kausapin mo ako." pilit nito.
" Para saan pa ang pag uusapan natin?"
" Leni, may gusto lang akong sasabihin sa'yo kahit ngayon lang. Pakinggan mo lang ako." halos lumuhod na ito sa labas ng gate.
" Pagka tapos natin mag usap sana tigilan muna ako." aniya.
Matagal ito bago sumagot maya maya pa," Oo, hindi na kita guguluhin pagka tapos nito. Pakinggan mo lang muna ako."
Naglakad siya papunta sa bakal na gate at binuksan niya 'yon. " Pasok." aniya, at nagpatiuna siyang naglakad papasok sa loob ng bahay.
Hinawakan nito ang kanyang kamay" Leni, niluluko ako ng mommy ko."
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. “Sa loob nalang tayo mag usap." binawi niya ang kamay mula sa paghawak nito.
" Akala ko may sakit siya sa puso, pero 'yon pala ay gawa gawa lang niya para makasal ako kay Jacky." Anitong nakasunod sa kanya.
Nahimigan niya sa boses nito ang sama ng loob laban sa ina. Siya man ay hindi lubos akalain na magagawa ng isang ina lukuhin ang sariling anak, para lamang masunod ang gusto.
" Umupo ka muna diyan, kukuha lang ako ng t-shirt." tinuro niya ang sofa
at nagtuloy siya sa kwarto ng kapatid para ihiram niya ito ng damit. Kargo de kunsensiya niya kapag nagkasakit ito.
" Mag palit ka muna ng damit baka magka sakit kapa n'yan." aniya, ng balikan niya ito sa sala.
Sa kaibuturan ng puso niya, nag alala siya para rito, kahit papaano minahal niya naman ito noon at hindi din 'yon ganun kadali para mawala ito sa kanya. Kahit ayaw pa niyang aminin hanggang ngayon andun parin ang pagmamahal niya para rito, napalitan lamang nang galit dahil sa mga nangyayari sa kanila.
“Patawarin mo ako, kung hindi kita na ipaglaban Leni. Hindi ko akalain na kaya akong lukuhin na aking ina. Sana mapatawad mo ako” Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
" Naunahan lang ako ng takot para kay Mommy, dahil akala ko ay toto-ong inatake siya” pagpapatuloy nito.
“ Ayos lang Paolo. Kalimutan na lang natin 'yon at tanggapin nalang natin sasarili hindi talaga tayo, para sa isat-isa." Malungkot niyang sabi rito, pigil na wag paptak ang kanyang mga luha.
" Hindi pa huli sa'tin ang lahat Leni." anito sa kanya.
Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Mahal niya ito pero wala siyang plano maging isang kabit.
" Ano ang ibig mong sabihin? Kasal kana Paolo, ayaw kung maging kabit mo." kunot noo niyang sabi rito.
"Nakausap ko ang kaibigan kung pastor na nagkasal samin ni Jacky.
Nakuha ko ang papel nong pinermahan namin. Hindi pa niya ito na ipasa, para ma-eregester.
" Pwedi pa natin ituloy ang naudlot natin kasal Leni. Hindi na ako ma sisindak pa ni mommy sa sakit niya dahil alam kuna ang totoo.”
Nabigla siya sa sinasabi nito, hindi siya maka-imik.
“ Leni, hayaan mo akong makabawi sa pagkukulang ko sa'yo, dahil naka handa na akong ipaglaban kita. Hirap na hirap na ako Leni, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kayang mawala ka sa'kin. Alam mong ikaw ang mahal ko." anito sa malungkot na boses.
Ramdam niya sa boses nito ang bigat na dinadala nito. Ramdam niya rin ang pagmamahal nito para sa kanya.
Naunawaan niya kung bakit nito nagawa esakrepesyo ang pagmamahalan nila. Ginawa lang nito ang nararapat para sa kaligtasan ng ina. Naintindihan niya,
dahil nagawa na rin ito ng kapatid niya, sinakrepesyo ni Gab ang bunso para iligtas siya mula sa kamatayan. Kaya tulad din ni Paolo sinakrepisyo ang pagmamahal nito para sa ina.
" Leni, please? Tanggapin mo akong muli sa puso mo?" nagsusumamo ang mga mata nitong naka tingin sa kanya.
“ P-paano, s-si Jacky at ang mommy mo?” Nauutal niyang tanong rito.
“ Kapag ma kasal tayo wala na silang magagawa pa. Mawawalang saysay din ang kasal namin ni Jacky dahil nagpaalaman ko rin expire ang license ng kaibigan kong pastor kaya mawawalang visa rin ang kasal namin ni Jacky."
Naguguluhan siya sa bilis ng pangyayari, hindi siya maka pag isip ng matino. Litong lito siya sa kung ano ang dapat gawin. Nagsisigaw ang puso niyang mahal niya ito pero nababahala siya sa pweding gawin ng ina nito at ni Jacky.
“ Magpa secret marriage tayo Leni, para hindi nila mahadlangan ang kasal natin” pagpapatuloy nito.
Lumuhod ito sa kanyang harapan, at hinawakan nito ang kanyang kamay." Leni, please wag mo hayaan malunod ang puso mo sa galit at takot? Bigyan mo ako ng isang pagkakataon maituwid ang pagkaka mali ko sayo."
" Diba, mahal mo pa rin ako?"sumamo nito.
Hindi siya naka sagot sa tanong nito. Bigla siyang niyakap nito ng mahigpit.
Gusto niya itong itulak palayo sa kanya, pero hindi niya kayang tikisin ang puso niya. Hindi niya napigilan ang sarili wag mahulog sa pagmamahal nito muli. Napa yakap siya rito ng mahigpit.
“ Mahal na mahal kita, hindi ko na hahayaan pang mawala ka sa'kin.
Kumalas ito sa pagyakap sa kanya, at tinaas nito ang kanyang baba saka siniil siya nito ng halik.
Napapikit siya at masuyong ginantihan ang mga halik nito.
“ Ano ang nangyayari dito?” Galit na tanong ni Gab sa kanila.
Napa kalas siya ng pagyakap kay Paolo at napa lingon kay Gab, nag aapoy ang mga mata nito sa galit naka tingin sa kanila.
“ Walang hiya kang ga*go ka, gagawin mo pang kabit ang kapatid ko” Akma nitong hablutin si Paolo.
Mabilis niyang naiharang ang katawan rito.
" Kuya, please hayaan mo muna si Paolo magpaliwanag." pakiusap niya rito
" Mag paliwanag? Para saan? Hay*p ka, inu-uto mo ang kapatid ko." nang gigil nitong baling kay Paolo.
Hinila niya ito palayo, " Kuya huminahon ka muna. Hayaan mo siyang maka pagsalita." mangiyak ngiyak niyang pakiusap rito.