" JACKY hija, bakit dito ka na tulog? "Nagtatakang ginising siya ng ginang.
Naidilat niya ang mga mata," Mommy, hinintay ko si Paolo dito pero hindi ko alam kung nakauwi na ba” bumangon siya at nagmamadaling umakyat sa itaas para tignan kung nandon naba ang asawa.
Nanlulumo siya ng mabuksan ang pintuan ng guest room ay, wala roon ang asawa.
Laglag ang kanyang mga balikat na bumaba muli nang hagdanan.
" Mommy hindi parin umuuwi si Paolo.”
" Baka nasa barkada n'ya lang 'yun. Hali kana lang at kumain na muna tayo” hinawakan siya nito sa braso.
Hindi na niya gusto ang mga pinaggagawa nito hindi na niya alam kung hanggang kailan siya magtitiis sa asawa niya. " Wala na ba talagang pag-asa mommy, na magiging maayos ang pag-sasama namin?"
Pinag hila siya nito ng upuan at marahan tinulak paupo." Susuko kana ba?" kunot-noo tanong nito.
" Napapagud na ako, na lagi na lang ganito, ilang araw naba nakalipas mula nang makasal kami pero hindi ko pa rin nakakasama ang asawa ko."
" So, aayaw kana? hahayaan mo bang bumalik siya du'n sa babae niya?"
Nahawakan niya ng mariin ang kutsilyo nasa gilid ng plato niya " I will not let her have him. Magkakamatayan kami." nang gigil niyang sabi.
" Good, kaya wag kang panghinaan diyan ng loob. Wag mong kalimutan ang karapatan mo bilang asawa ni Paolo, you can do whatever you want." sulsul nito sa kanya.
Napa tayo siya ng marinig ang pagbukas ng gate.
"Si Paolo na ata 'yan." anang ginang.
Naglakad siya papunta sa main door para tignan.
Nakita niyang pumasok ang sasakyan ng asawa.
Mabilis niya itong nilapitan," Saan ka natulog ka gabi? Bakit hindi ka umuwi rito?" singhal niya ng bumaba ito mula sasakyan.
Tinignan siya nito" Jacky, wag muna ngayon ang aga aga pa. Wag ka magbunganga" Nagtuloy ito sa paglakad at nilagpasan siya muli.
' Saan ka nagpapalipas ng gabi? Sa kabit mo ha, nagkikita kayo ka gabi ha?" Mag kasunod sunod niyang tanong naka buntot rito.
" Nong naka raang araw, hating gabi kanang umuwi ngayon, naman inumaga kana, hindi mo manlang inisip may asawa ka rito nag hihintay sa'yo!" hindi niya ito tinigilan.
Hindi siya nito pinansin, nagtutuloy itong pumasok sa loob ng bahay.
“Wag kang umasta na parang binata, na uuwi ka dito sa bahay kung kailan mo lang gusto. Tanggapin muna diyan sa sarili mo kasal kana, nagpapasarap ka sa labas habang heto ako na asawa mo, mag-damag nag aantay sayo kung kailan mo babalikan!”
Nilalakihan nito ang bawat paghakbang at umakyat sa itaas. Naiiwan siyang naka tayo sa may hagdanan.
Susundan niya sana ngunit mabilis siyang pinigilan ng byanan.
"Hija, hayaan muna natin siya ngayon, baka lalo lang 'yun magagalit sa'yo."
" Hindi na 'to pwedi mommy, hindi na tama ang 'to tama. Hindi pweding gawin niya akong tanga." naiinis niyang sabi.
" Oo nga, nauunawaan kita. Pero kapag darating siya sinalubong mo agad ng galit lalo 'yan mag rebeldi ang asawa mo. Baka mamaya n'yan di na uuwi dito."
" So ano ang gagawin ko, hahayaan ko siya pag antayin ako? tutunganga nalang ba ako rito?" galit pa rin niyang tanong.
" No, ang ibig kung sabihin, huminahon ka, kausapin mo siya ng maayos." payo nito.
" Akyatin ko sa itaas para kausapin ko nang masinsinan." humakbang siya paakyat.
" Mamaya mo nalang kausapin baka nagpapahinga na 'yun, palamigin mo nalang muna. Tapusin nalang natin ang pagkain."anito naglakad pabalik sa kusina.
Sumulyap muna ito sa itaas, at napako roon ang paningin ng makita si Paolo lumabas ng silid bitbit ang bag.
" Saan ka pupunta? bakit may dalang kang bag?” nagtatakang tanong ng ina.
" lalayas na ako dito." tugon nitong bumaba ng hagdanan.
Nanlisik ang kanyang mga mata sa galit“ Hindi ka pweding umalis dito Paolo!”
Napahinto ito sa paglakad ng matapat sa kanya“ At bakit? Sino ka para pigilan ako?” Ng uuyam ang mga tingin nitong pinukol sa kanya.
“ Dahil asawa mo akong l*che ka!"
Tinawanan siya nito ng mapakla at muling naglakad palabas ng pintuan.
" Mommy, please pigilan mo si Paolo." baling niya sa ginang.
" Paolo bumalik ka rito!” Sigaw ng ina napahawak sa dibdib na animoy aatakehin sa puso.
" Paolo! si mommy, naninikip ang dibdib." balisang tawag niya rito.
Nakita niya ang paghinto nito," Paolo tulongan mo si mommy!" inalalayan niyang maka upo ang byanan sa sofa hawak hawak pa rin nito ang dibdib.
“ Mom, hindi muna ako madadala diyan sa pag-iinarte mo." ani Paolo ng lapitan sila nito.
Napa angat siya ng tingin sa sinabi nito.
" Alam ko na ang totoo na nagku-kunwari ka lang na may sakit, para maipakasal mo ako sa babaeng 'yan." Sinabayan nito ng pagduro sa kanya.
Natigilan siya hindi siya naka pagsalita, nagulat siya paano nito nalaman. Ni hindi siya maka galaw sa kanyang kinauupuan. Ang ginang man ay hindi nakapag salita sa subrang pagka gulat sa sinabi ni Paolo.
" Tama na ma sa pagdadrama, dahil hindi na ako magpapaloko pa sa'yo. Paano mo nagawang lukuhin ang sarili mong anak? Para lang ipilit ang gusto mo?” hindi na nito na pigil ang sarili sumbatan ang ina tila ba sagad na sagad na 'to.
Pinandilatan ito ng mata ng ginang ng makabawi sa gulat,“ Dahil ayaw kong makasal ka sa babaeng 'yun!” Sigaw nito.
“ Hindi siya ang babaeng nararapat sayo”
“ At sino ma, si Jacky? Ikaw lang naman ang may gusto sa kanya at hindi ako.” tinalikuran sila nito.
Hindi siya naka-imik ni hindi niya alam paano ipaglaban ang sarili.
“ Paolo, come back here! Hindi pa tayo tapos!” sigaw ng b'yanan pero hindi na sila nito nilingon pa.
Narinig na lang niya ang umaandar na sasakyan. Hindi pa rin siya naka bawi sa bilis ng pangyayari, nahuli na sila sa kanilang pagkukunwari. Nagsisi tuloy siyang binungangaan niya ito kanina.
Muling bumangon ang kaba sa dibdib niya, kinakabahan siya baka bumalik ito kay Leni.