Nineteen
Mahigpit na yakap ang isinalubong ko kay Lolo. Alam ko ang plano nito na sunduin na ako dahil nabangit ni Princess 'yon. Pero hindi ito ang oras para sumama ako. Hindi pwedeng habang buhay sila ang sandigan ko kapag takot ako. Ang kailangan kong gawin ay maging matapang.
"I miss you apo." Hinalikan nito ang noo ko.
"I miss you too, Lolo Jako." Malambing na tugon ko rito. Sinulyapan ko si Princess na malawak ang ngiti sa akin kaya naman kumalas ako sa yakap ng matanda at ang matalik na kaibigan naman ang niyakap.
"Nasaan si Gage?" tanong ni Princess. Pansin ko ang excitement sa boses nito pero nagkibitbalikat na lang ako.
"Nasa office."
"Rosalinda, pwede bang ipaghanda mo sila ng merienda?" sabi ko rito na agad namang tumango at nagpaalam na ihahanda na iyon.
"Upo po kayo." Iginiya ko si Lolo Jako sa couch at magkatabi kaming naupo nito.
"Apo, kung sabihin ko ba sa'yong kukunin na kita. Papayag ka ba?"
"Bakit naman po?" tanong ko rito kahit mayroon ng idea sa dahilan nito.
"H-indi kasi ako mapanatag na malayo ka sa akin. Dodoblehin ko na lang ang security."
"Lolo, pwede po bang huwag muna?" nakita kong natigilan si Lolo ganoon din si Princess na dama ko sa titig nito ang pagtutol. Masyado silang over protective sa akin, pero kailangan kong manindigan. Hindi na ako bata na kailangan na gabayan pa. May isip na ako at marunong na ring magdesisyon kung ano ang ikabubuti ko.
"Nagsisimula na ho ulit akong magpagamot. Kahit isang buwan lang, Lolo." Pakiusap ko rito."Nakikita ko ang improvement ko, alam n'yo po bang nagpunta kami ni Gage sa isang restaurant sa labas ng village na ito? Wala pong dolls or anything na makakapagtrigger ng takot ko. Pero Lolo, magandang simula na iyon dahil kahit kabado ako dahil maraming tao, nagawa ko pa rin pong mag-stay at kumain ng maayos." Masayang sabi ko rito. Totoo 'yon. Nagpunta kami ni Gage kahapon sa isang restaurant. Bigla na lang ako nitong niyaya at dahil alam kong ginagawa nito iyon para sa akin ay sumang-ayon agad ako.
"Talaga?"
"Alam ko pong pagdating sa safety ko ay wala kayong tiwala sa ibang tao, pero Lolo Jako kahit isang buwan lang po. Promise ko po sa'yo na kapag sinundo n'yo ako rito. Mas better na ako sa panahon na iyon."
"Is that what you really want?" hinaplos nito ang pisngi ko. Mabilis akong tumango sabay ngiti rito.
"Yes, Lolo Jako." Bumuntonghininga ito at waring nag-iisip. Tumingin pa ito kay Princess na pansin ko sa mukha ang malaking pagtutol.
"P-rincess?" tawag ko sa atensyon nito. Pilit ang naging ngiti ni Princess.
"Hindi ka ba sang-ayon sa sinabi ni Nazneen?" Lolo Jako asked Princess.
"Hindi naman sa hindi sang-ayon, kaya lang po nag-aalala ako kay Naz na bak---"
"Pwede bang kahit ngayon lang? Pagkatiwalaan n'yo ang gusto at desisyon ko?" putol ko sa sasabihin nito.
"Sigurado ka ba talaga d'yan, Nazneen?" tanong ng kaibigan ko sa akin.
"Oo, sigurado ako." Tugon ko rito na buo ang loob sa naging desisyon.
"Ikaw ang bahala, pero kung nagbago ang isip mo. Tawagan mo lang kami ng Lolo Jako mo." Mabilis akong tumango at ngumiti rito.
"Oo naman."
Hindi na rin nila nahintay na dumating si Gage. Inabala ko ang sarili ko sa pagpipinta. Nakakatuwala lang na ng sumapit ang alas siete ng gabi ay na tapos ko ang painting. This is the second time na nakatapos ako ng walang distruction sa utak ko.
"Napakagwapo naman ni Sir Gage d'yan!" nakangiting sabi ni Rosalinda."Sa tingin ko, makakatapos ka ng obra kung 'yong mga taong gusto mo ang ipipinta mo."
"Gusto ko?" tanong ko rito. Napabungisngis naman ito na tumango.
"Ako, gusto mo akong kausap."
"Ikaw lang naman kasi ang gustong kumausap sa akin dito."
"Si Sir Gage, gusto mo rin s'ya."
"K-asi mabait s'ya sa akin." Pakiramdam ko 'yong idea na sinabi nito na gusto ko si Gage ay may ibang kahulugan.
"Hindi lang iyon, bukod doon gwapo pa."
"R-osalinda!" Saway ko rito. Pero ngumiti lang ito sa akin.
"Wag ka ng mahiya, nasa tamang edad ka na para magkagusto at humanga sa lalaki. Walang masama roon."
Hindi pwede, hindi ako pwedeng magkagusto sa lalaking winasak ng nanay ko. Paano kung katulad din pala ako ni Mommy? Na wawasakin din ang napakabuting tao na tulad ni Gage? Ayokong mangyari iyon. Hindi pwede.
"Ayos ka lang?" pukaw ni Rosalinda sa atensyon ko. Mabilis akong ngumiti rito at tumango.
"Oo, ayos lang." Tumayo na ako at nagpaalam na maliligo lang. At gaya ng dati ito na ang naglinis ng mga ginamit ko.
---
"Dude!" tinapik ni L.A ang balikat ko. Tsaka naupo sa tabi ko. Mabilis na dumampot ng alak na isenerve ng waiter.
"May problema ba?" tanong nito sa akin. Problema bang maituturing iyon? Hindi mawala sa isip ko si Nazneen. Pero inuusig ako ng konsensya ko dahil masyadong malaki ang agwat ng edad nito sa akin. At anak pa ito ni Olly.
Hindi ako nagsasalita at patuloy lang sa pagsimsim ng alak na waring matabang sa panlasa ko. Samantalang ito ang pinakamatapang na alak na isineserve rito.
"Hulaan ko, sa ikalawang pagkakataon na hulog ka nanaman sa babaeng iisa lang ang mukha pero magkaiba ang pagkatao?" marahas akong napabuntonghininga.
"Sinabi ko na kasi sa'yo na hindi makabubuti ang babaeng yan sa'iyo. Dude, kailangan bang pagdaanan mo nanaman 'yong proseso ng pagkabigo sa babae?" bumuntonghininga ito na waring sumakit ang ulo dahil sa akin.
"Magkaiba sila." Depensa ko rito. Malayong-malayo si Nazneen at Olly.
"Nasasabi mo lang yan ngayon kasi hindi ka pa winawasak ni Nazneen, pero kapag nangyari nanaman 'yong ginawa ng nanay n'ya sa'yo. Baka sa kangkungan ka na pulutin." Sabi nito na inagaw ang baso ko at ito na ang uminom.
"Tara, hahanapan kita ng magtatanggal ng stress mo." Sabi nito sabay linga sa paligid. Siguro nga kailangan ko lang mag loosen up para hindi na lang palaging si Nazneen ang nasa utak ko.
May lumapit na babae sa table namin. Dalawa pa nga pero umiling si L.A ng sa kanya unang lumapit ang dalawa. Sumenyas ito sa dalawa na ako ang lapitan.
Napailing na lang ako rito. I need to do this. Kailangan ng distruction at ng hindi ang babae sa bahay ko ang pinag-iinitan ko.
"Available ang VIP room sa taas." Sabi ni L.A sa akin. Tumango lang ako at hinawakan ang kamay ng dalawang babae at iginiya ang mga ito patungo sa hagdan paakyat ng second floor.
Habang si L.A nagpasyang umalis na ng bar. May kailangan pa s'yang bantayan na dahilan ng sakit ng ulo n'ya.
A/n: daily update ng story ni Shade ay April 1, don't forget thank you.