Eighteen

1092 Words
Eighteen "Nazneen!" Mabilis kong inagapan ang kamay nito ng akmang isasara na ang pinto. Pakiramdam ko umiiwas ito. Dahil ba sa ginawa ko? Ilang araw na akong sumusubok na makakuha ng tyempo para makausap ito pero palaging nakakakuha ng paraan si Naz para hindi kami makapag-solo. Pero hindi ngayon. Hinintay ko talagang paakyat ito ng silid nito. Nakapaggoodnight na ito kay Rosalinda at tiyak kong di na ito lalabas ng silid nito. "What are you doing?" Takang sabi nito ng ipilit ko ang sarili ko na makapasok ng silid. Tsaka ako na mismo ang nagsara ng pinto. "We need to talk." Seryosong sabi ko rito. Pero nag-iwas ito ng tingin."Is this about the kiss? Kaya mo ba ako iniiwasan?" "N-o." "Then why? I just want to talk to you, Nazneen Marzena!" Frustrated na sabi ko. Mariing napabuntonghininga. Naguguilty ako sa ginawa kong paghalik dito. Masyadong malaki ang agwat ng edad naming dalawa. But in fact that kiss bothered me, ilang gabi na pero hindi mawala sa isip ko. Pakiramdam ko kasi wala namang mali. Parang yung naramdaman ko noong magkalapat ang labi namin ay tama. Ang sarap sa pakiramdam. "S--orry, naguguluhan lang kasi ako. Pwede bang iwasan mo na lang muna ako. Wag kang maging mabait sa akin para hindi ako maattached sa'yo. Sabi ni Princess..." "Sabi n'ya, eh yung sabi mo? Ikaw ano ba ang nararamdaman mo? Gusto mo bang umiwas ako sa'yo?" Bakas ang lungkot sa mukha nito. "G-usto kong umiwas ka sa a-kin." "But Nazneen, hindi ko makita ang point mo. Gusto kitang tulungan." "S--orry." Napahikbi na ito. Halata talagang naguguluhan."Gusto kong maging normal, pero paano ko gagawin yun? Gusto kong makisalamuha sa iba, makipagkaibigan pero pakiramdam ko mali." "Walang mali, subukan natin ang mga paraang alam ko. Mawawala yang takot sa dibdib mo pero kailangan mo akong pagkatiwalaan." Sabi ko rito. Bumuntonghininga ito at parang batang nagpahid ng luha. "Isang buwan. Yun lang ang ilalaan ko. Pero kung hindi pa rin naging epektibo ihahatid mo mismo ako kay Lolo." "Fine, deal?" Inilahad ko ang kamay ko rito. Tinaggap nito iyon. "Matutulog ka na ba?" Umiling lang ito kaya naman ginagap ko ang kamay nito lumabas kami ng silid pero hindi ito nagtanong kung saan kami pupunta. "Kapag pakiramdam mo natatakot ka, hawakan mo lang ang kamay ko o kaya yakapin mo ako. Hindi ako magagalit." Sabi ni Gage ng sumakay kami ng kotse nito."Ipikit mo rin ang mata mo kung hindi ka pa ready sa paligid na madaraanan natin." Tumango naman ito at bago pa kami makalabas ng gate nakita ko na itong nakapikit. Ayos lang naman iyon, hindi kami nagmamadali. Mas mahihirapan ito kapag pwinersa naming dalawa. Pero pwede bang pakipaliwanag sabi ko kapag takot ito hawakan n'ya lang ang kamay ko. Pero bakit kusang kumilos ang kamay kong malaya at ngayon ay nakahawak na rito. Hindi ito nagreklamo. Bahagya n'ya pa nga iyong pinisil. Narating namin ang isa sa paborito kong lugar. Parte pa rin iyon ng siyudad pero nasa mataas na bahagi. Walang mga establishments, good for camping trips. Ang tanging liwanag lang na mayroon ay mula sa buwan at ang liwanag mula sa sasakyan. --- "G-age!" Usal ko sa pangalan nito ng nagmulat ako ng mata at makita ang kinaroroonan namin."A-ng ganda rito!" Nakangiti kong sabi. Parang malapit lang sa akin ang mga bituin. Habang tanaw sa baba ang iba't ibang kulay ng ilaw mula sa mga gusali at sasakyan. Sinulyapan ko si Gage. Ngumiti lang ito at naglahad ng kamay sa akin. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko iyon at humakbang kami sa harap ng sasakyan. Sumandal si Gage roon habang ako, sinenyasan n'ya akong humakbang pa para mas mapagmasdan ang lahat. Ang daming bagay sa buhay ko ang namiss. Ang simpleng pagkakataon na ito, nakakahiya man pero aaminin kong ito ang unang pagkakataon na makarating ako sa ganitong lugar. Sinamyo ang malamig na hangin. Tsaka bumalik sa tabi nito. "Thank you!" "Wala yun, basta maging okay ka tutulong at tutulong ako sal kahit na anong paraan." "Bakit ba ang bait mo?" Tanong ko rito. Sinaktan ito ng Mommy ko, kahit pa sobrang minahal n'ya ang Mommy ko nagawa pa rin ng aking ina na wasakin s'ya. "Mabait naman talaga ako." Biro nito na bahagyang bumungisngis. Gwapo si Gage. S'ya yung tipo ng lalaki na kahit ihalo mo sa crowd ay mage-standout dahil sa itsura nito. "N-aranasan mo na ba ang magmahal?" Natigilan si Gage at nag-iwas ng tingin. Alam ko ang sagot sa tanong ko na iyon pero gusto ko lang makatiyak kung hangang ngayon ay apektado pa rin ito sa ginawa ni Mommy. "A-ko hindi pa. Sabi ni Quinn kung hindi raw n'ya ako magawang tulungan sa paraang alam n'ya or hindi makatulong sa paggaling ko yung mga suggestions n'ya, baka raw yung taong mamahalin ko ang makakagawa noon. Pero saan ko naman mahahanap ang taong iyon." Sinabayan ko iyon ng pekeng tawa sabay tingin dito. "Darating din ang taong iyon. In God's perfect timing." "Alam mo ba minsan ko na ring kwinestsyon ang Diyos. Kasi parang lahat na lang ng masasakit na experience ibinibigay n'ya sa akin. N-ormal lang din naman ako tulad ng ibang bata. Pero n-abago iyon ng dahil sa sobrang pagtitiwala ko." Sinulyapan ko ito at bahagyang ngumiti. "Go on, I'm listening." Sabi ni Gage at ginagap ang kamay ko. "I was 7 years old, nasanay na akong may bodyguards dahil masyadong OA ang parents ko, I was playing that time with the other kids. Tandang-tanda ko pa kung gaano ako kasaya. Tandang-tanda ko kasi yun yung panahon na tunay pa yung ngiti ko. Yung tawa at saya ko. Masyado pa akong bata noon Gage, kung pwede ko lang burahin sa utak ko yung bad memories ginawa ko na." "Alam mo ba kung minsan ayaw mawala sa utak natin ang mga ala-ala?" "Bakit?" "Kasi ikinukulong natin yung mga ala-ala na iyon. Good or bad memories man yan. Subukan mong palayain ang sarili mo, choice mo iyon." "Sana, sana nga magawa ko iyan." Sabi ko rito. Hindi ko na naituloy ikwinento rito ang kasunod na parte ng alaalang iyon. Nangibabaw nanaman kasi ang takot. Sa sobrang duwag ko, kahit may chance ng gumaling ako sa takot na ito sa puso't isip ko mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Malay natin. Sa susunod na subok ko magawa ko ng ilahad sa iba ang memories na kahit sa magulang ko ay hindi ko naibahagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD