Twenty-Three

1262 Words
Twenty-Three "Nakita mo ba ang ginawa ko?" bahagya itong tumawa at gamit ang kamay na may dugo pa ay hinaplos nito ang pisngi ko."Mangyayari rin ito sa pamilya mo, lalo na sa Daddy mo." Tumawa ito na waring siyang-siya. Binitiwan nito ang kutsilyo at tinapik ang pisngi ni Peter. Ngunit wala ng buhay ang batang lalaki. Tulala na lang ako. Unti-unting nabablanko ang isipan. Napakaraming dugo, sa utak ko unti-unting nakikita ang mga stuffed toys na gumagalaw. Waring lahat sila ay palapit sa akin. Tumatawa, may mga dugo sa parteng tiyan nila. Mabilis kong tinakpan ang mata ko. Takot na takot ako na mas ikinasiya ng babae. "Linisin n'yo s'ya, ibalik kung saan nakuha. Tandaan mo ito, mararanasan ng mga mahal mo sa buhay ang sinapit ng batang ito oras na malaman nila ang nangyari sa'yo. Ipaparanas ko sa kanilang lahat iyon." Sinabayan n'ya iyon ng tawa. Takot na tumango ako. Gusto ko na lang makauwi, mayakap ang magulang ko. Ibinalik nila ako sa kung saan nila ako nakuha. Sa hindi maipaliwanag na paraan nakabalik ako sa park kung saan naiwan ang Yaya ko na naroon, umiiyak habang kasama na ang magulang ko, si Lolo at mga pulis at bodyguards. Patakbong sumalubong si Mommy iyak nang iyak ng makita ako. Tikom ang bibig ko. Kahit nagpalit-palit na sila sa pagtatanong. Ikapapahamak nila oras na nagsalita ako. Hindi ko iyon gusto. Simula ng araw na iyon, malaki ang nagbago sa buhay ko. Hindi gawa-gawa ang dinanas kong takot at trauma. Kung sa iba, pag-iinarte lang iyon, pwes sa akin isang bangungot iyon na sana hindi ko na sinapit para maging normal na lang ang buhay ko. ••• "Sorry na, Hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari. Akala ko hindi totoo ang phobia n'ya sa mga dolls. Baka kasi nag-iinarte lang s'ya. Sorry na, please!" pakiusap ni Yvanah sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ni Nazneen. Inabutan ko ito kaninang wala ng malay sa gilid ng pinto. Pulang-pula na waring kulang na sa hangin, mabilis ko itong binuhat at dinala sa hospital. Sabi ng doctor buti na lang daw at naidala ko s'ya agad. Hindi ko pinapansin si Yvanah, napaka-childish nito sa part na ikinulong nito si Nazneen sa lugar kung saan maraming stuffed toys na kinatatakutan ng dalaga. "Hoyyy!" pangungulit nito ngunit tikom ang bibig ko. Hawak ko ang kaliwang kamay ni Naz. Simula ng mai-settle ito sa pribadong silid na ito hindi ako umalis sa tabi n'ya. "Fine, I'm really sorry. Uuwi muna ako. Pero kung may kailangan ka tawagan mo ako." Hindi ako tumugon sa sinabi nito kaya naman bumuntonghininga ito at umalis na. Ilang oras pa ang hinintay ko ng magmulat ng mata si Nazneen. Blanko ang expression ng kanyang mukha. Parang ang layo o tagus-tagusan ang tingin nito sa samantalang kaharap n'ya lang naman ako. "Naz? Please talk to me!" pakiusap ko rito."Naz!" pansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata nito at unti-unting nag-unahan sa pagpatak iyon. "Takot na takot ako, ang bata ko pa noon. I saw that lady, holding a knife---" ginagap ko ang kamay n'ya ng magsimula s'yang magkwento."Pinatay n'ya ang kalaro ko. Pinatay n'ya si Peter. Paulit-ulit na sinaksak. Baka nga s'ya ang dahilan kung bakit namatay ang magulang ko, kung bakit sila naaksidente. Itinikom ko naman ang bibig ko. Bakit? Ano ang kasalanan ko sa kanya? Walang kinalaman ang magulang ko. Bakit ganoon?" waring nagmamakaawa na bigyan ito ng explanation. Pero paano ko masasagot ang mga tanong nito? Hindi ko naman alam ang pinagdaan nito. Pero base sa mga katagang lumabas sa bibig nito, traumatic nga iyon. "Gusto kong malaman kung bakit n'ya ginawa iyon! Gusto kong malaman, pero napakahina ko! Bakit? Bakit?" humagulgol na ito ng iyak. Napabuntonghininga ako. Sa pagkakataong ito, kailangan na ni Nazneen ng kasagutan. Magkakaroon lang ito ng peace of mind kung masasagot ang mga iyon. "Hahanap tayo ng sagot. Tahan na!" "G-age, gusto kong maging manhid 'yong puso ko. Para hindi na maging mahina. Gusto ko ng maging katulad ng ibang babae. Dahil sa pagiging mahina ko napapahamak ang mga mahal ko sa buhay, ayokong mapahamak ka rin. Nagiging mahalaga ka rito," sabay turo ko sa puso ko."gusto kong protektahan ka!" "Huwag mong pwersahin ang sarili mo, darating ang panahon na magiging okay rin ang lahat." "Hindi ko na mahihintay iyon. Kailangan ko ng maging matapang. Para hindi na ako maging mahina." Bumuntonghininga ako at tumango. Ramdam ko sa intensidad sa pagsasalita nito ang hangarin na makaahon sa pinagdaraanan nito. ••• "Na-ospital ka raw." Natatawang sabi ni Quinn."Weak!" bahagya akong napangiti. Bumisita nanaman ito palibhasa palaging mag-isa sa bahay nila. Simula ng makilala ko ito parang nasanay na ako sa paraan nito ng pagsasalita. "Quinn!" "Pwede kitang tulungan, gusto mo bang mawala na ang takot sa puso mo?" nakangising sabi nito. Sabay abot sa akin ng maliit na bagay na nakabalot sa papel. "Ano ito?" humagikgik ito. "Alam mo ba noong bata ako, marami rin akong kinatatakutan." Pagsisimula n'ya ng kwento."Pero dahil sa isang pangyayari, ginawa ko ang lahat para 'yong takot na iyon mawala sa utak ko." "Paano?" "Hinarap ko 'yong takot ko, takot ako sa dugo---naligo ako ng dugo. Takot ako sa lalaking balbas-sarado, nakipagkaibigan ako sa mga tulad nila. Takot akong mapag-iwanan, sinanay ko ang puso ko ng mag-isa. You see, Hindi na ako mahina ngayon. Dati, I hate violence, tunog ng baril, sigawan, lahat ng violence na maimagine mo, pero ngayon wala na ang takot na iyon. Nasa sa'yo kung bubuksan mo iyan. Pero uunahan na kita, ang laman ng nakabalot na iyan ay ang pinakakinatatakutan mo." Sabi nito na nakangisi at sumandal pa sa upuan. Bahagyang nilalaro ang mga kuko ng dahan-dahang tumingin sa akin."Hindi ako mabait, pero kung gusto mong tulungan kita, tiyakin mo lang na handa ka. Ang utak mo, ang puso mo, kahit pa ang katawan mo. Tandaan mo Nazneen, habang hinahayaan mo na sakupin ang mundo mo ng takot, Hindi ka uusad. Hindi ka sasaya." Napaisip ako sa sinabi nito at napabuntonghininga. Maliit lang bagay na ito. Pero kailangan kong labanan ang takot sa utak ko para magawa ko ang gusto nitong mangyari. "Hindi kaya?" nakangising tanong nito na waring hinahamon pa ako. Maliit lang naman ito. Halos nga kayang takpan lang ng kamao ko. "Ang laman nito ay ang kinatatakutan ko, kung matakot man ako pwede ko itong ibato sa'yo." Natawa ito sa halos painosenteng sabi ko rito. "Yeah, I don't mind. Kayang-kaya ko namang iwasan 'yan." "Maliit lang ito, mas malaki ako---" huminga ako ng malalim at inalala ang mga katagang sinabi ni Quinn. Pangako ko sa sarili kong uusad ako. Hindi pwedeng habang buhay na takot ako, na prenoprotektahan ako. I slowly opened it. Nagsisimula ng tumahip ang dibdib ko sa kaba. Pero unti-unting naglaho iyon ng makita ko ang laman. Malakas itong na tawa. "At least hindi ka umatras!" pinagmasdan ko ang laman. Stuffed toys iyon, 'yong parang isinasabit sa mga bag. Sobrang liit pero ng buksan ko kasi iyon ay mukha ni Gage ang naroon. Para iyong sticker na idinik sa mukha ng mini stuffed toy. "Sa susunod na balik ko, level up na 'yan, takot ka?" mabilis akong umiling. Napangiti pa nga ako eh. "Mabuti naman, 'wag mong ipapakita kay Gage baka tirisin ako ng buhay ng taong iyon." Mabilis akong tumango. Sabay baling ng tingin sa larawan ni Gage na nakadikit sa hugis taong stuffed toys. Nice one!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD